25

2.1K 47 12
                                    

"DALIAN NIYO NAMAN! PUNTAHAN NA NATIN SI ATASHA! KAPAG IYON TALAGA NAGTAMPO HA! HINDI AKO LALABAS SA GABI."  Cali said.

Kinuha na ni Mira ang mga bulaklak at hinawakan ang kamay ni Myla.

"Init-init sa sementeryo. Buti na lang mahal ko si Atasha." Milan said at naglakad na papunta sa sasakyan.

"Ano ba 'yan! Ang baho ng aircon!" Reklamo ni Steffi.

Papunta silang lahat ngayon sa sementeryo para puntahan si Atasha.

"Ang init naman, ka uryat."
"Parang iniihaw naman."
"Ang baho ng aircon."
"Nasusuka ako."

"Tuwing pupunta sa sementeryo napaka oa niyo." Mira said.

"Undas na undas eh."

"Nakakasuka naman talaga amoy ng aircon." Inis na sabi ni Steffi

"Mas nakakasuka pagmumukha mo." Gatong naman ni Sofia.

"Kayo susunod na ililibing ko." Mira said kaya natahimik na ang dalawa.

Medyo mahaba-haba ang byahe nila dahil malayo ang sementeryo sakanila.

"Jho, parang siyam naman buhay mo kung magmaneho!" Reklamo ni Milan.

" Ha? Ano?!"

" ANG TANGA MO MAG DRIVE!"

" LUBAK KAYA ANG DAAN!" Sigaw ni Jho.

" Ayos naman daan, mommy." Myla said to Mira.

" Feeling siyam kasi buhay ng driver natin." Mira said.

"Narinig ko 'yon!" Sigaw ni Jho.

" BUTI NAMAN!"

Pagkarating nila sa sementeryo ay agad silang dumeretso sa maliit na bahay.

Pumasok sila d'on at binaba ang mga bulaklak.

Inayos nila ang mga gamit bago umupo.

"Atasha, bumangon ka na nga riyan!" Milan said.

"Atasha this isn't you, it's me." Maarteng sabi ni Sofia at wari pa'y pinupunasan ang luha.

"Atasha miss ka na namin, to be honest."

"Hello, Adi!" Nakangiting bati ni Mira.

...

"Oh? Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa ako nandito." Inis na sabi ni Atasha at tinignan ang asawa't mga kaibigan.

"Ang babagal kasi kumilos." Reklamo ni Mira.

" Ginawa niyo pa talaga akong patay, porket nauna akong makapunta rito." Atasha said at pinagkakaltukan si Milan, Sofia, at Steffi.

" Aray! Nag p-practice lang eh!"

" Si lolo pa talaga pinag practisan niyo." Atasha said.

"Bumili ako turon d'on sa may dulo ng sementeryo, kaya lumabas ako saglit. Hindi ko naman inexpect na gagawin pala akong patay rito." Binaba ni Atasha ang mga turon na binili niya.

"Hi baby." Atasha said at pinangko si Myla.

"Hi mommy!" Myla kissed Atasha's cheek.

"Kiniss 'yong anak, pero 'yong asawa hindi, aww." Pang-aasar ni Jho kay Mira.

" Alam mo, tara rito, ikaw ipapa cremate ko. " Nakangiting sabi ni Mira at pinitik ang noo ni Jho.

" Magiging abo po ba si Ninang Jho kapag na cremate? Eh makapal daw po mukha niya sabi ni Mommy Mira." Myla said kaya natawa silang lahat.

Palagi (BOOK 2)Where stories live. Discover now