24- Numb This Pain

61 2 0
                                    

Maulan na umaga ang sumalubong sa araw ng Tigers. Nasa kwarto ng seniors sina Kent, Renzo, at Louie, naglalaro ng NBA2k. Mula nang gumising sila, dahil cancelled ang training, ay sa 2k nalang nila nilabas ang basketball skills nila.

LOUIE: *bagsak ng controller* Talo nanaman!

KENT: Wala eh, galing ng tandem namin ni Renzo *apir kay Renzo*

KEVIN: Alam niyo, tumigil muna kayo diyan. Mamaya nanlalabo na paningin niyo, lalo ka na Renzo.

ED: Wala namang magawa dito. Alangan namang kainin natin lahat ng pagkain dito.

RENZO: Tapos di naman makalabas, mukhang may baha na namumuo.

KEVIN: Magpahinga naman kayo, atleast.

RENZO: O sige, ako po magpapahinga muna. *lapag ng controller*

LOUIE: 1 on 1 tayo, Kent. 50?

KENT: Sige, game.


Umupo si Renzo sa kama ni Paolo at kumuha ng isang unan at tinakip ito sa mukha niya. Tumayo si Kevin mula sa kama niya at lumipat sa tabi ni Renzo.

KEVIN: *tapik sa hita ni Renzo* Bunso, may problema ba?

RENZO: *alis ng unan* Kuya Kev... Ah wala naman. Bakit po?

KEVIN: Talaga? Wala nga ba?

RENZO: Wala po talaga.

KEVIN: Eh ano yung mga tweets mo sa twitter?

RENZO: Wala yun, kuya.

KEVIN: May problema ka ba sa puso? Masasabihan mo naman kaming mga kuya mo.

KENT: Tama! Lalo na si Kev. Pilosopo Ferrer ng Tigers yan eh.

KEVIN: Manahimik ka nga, Lao. Ano, bunso?

RENZO: *deep sigh* Masakit kuya eh, ang sakit sobra.

KEVIN: *hawak sa balikat ni Renzo* Ilabas mo lang yan bunso, makikinig ako.

RENZO: Kuya, alam mo yung naka let go ka na sa past mo, tapos ready ka na magmahal ulit. Kaso nung nagtapat ka sa taong gusto mo, napahiya ka. Na-reject ka na nga sa harap ng maraming tao, nasabihan ka pa ng masasakit na salita.

KEVIN: Lika nga dito. *yakap kay Renzo* Kawawa naman bunso namin.

LOUIE: Kevin, ano yan ah? Sumbong kita kay Aljon.

ED: Hoy, Kevin, pinagpapalit mo na ba ako sa mas bata sakin?

KENT: Renzo, akala ko ba ako lang?

KEVIN: *kawala sa yakap* Tumigil nga kayo, broken hearted na nga yung tao eh.

KENT, ED, LOUIE: Ay, sorry

KEVIN: Bunso, alam mo hindi ka dapat ma down dahil diyan. Although marami namang babae diyan, dadating din yung araw na mahahanap mo yung taong para sayo talaga. Sa ngayon, i-save mo muna yang pagmamahal mo na yan para sa taong para sayo talaga. Pero, wag mong isasara ang puso mo sa mga taong gusto kang mahalin.

RENZO: *half smile* Thanks kuya.

PAOLO: *pasok sa loob ng kwarto* O, may namiss ba ako?

LOUIE: Wala naman, Pao. Try mo si Mia, baka yun namiss mo.

PAOLO: Oo nga eh, namiss ko Miang ko. Nga pala, Kev, si Jessey nasa baba. Mukhang namiss ka yata.

Tigers' FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon