3- Our Friendship

117 4 0
                                    

Isang umaga nanaman ng training para sa Tigresses. Kahit mga inaantok pa, agad-agad silang nag-ayos para lang hindi mapagalitan at mapasabak sa double training. As usual, agawan sa banyo, lababo, at maging sa labahan.

PAM: Eto nanaman po tayo.

MIA: Kikay! Bilisan mo naman diyan oh *katok sa pinto ng banyo*

JULIENNE: *mula sa banyo* Teka Ate Mia, naghihilod pa po ako.

MIA: *bulong sa sarili niya: Yuck*

PAM: Bakit, ikaw, wala ka?

MIA: Wala, linis-linis ko eh.

PAM: Patingin nga...

MIA: Perv si Pam! Perv si Pam!

JESSEY: Una na ako sa inyo ah *sara ng pinto ng banyo*

MIA: What?! Pam kasi eh!

LOREN: Alam niyo, imbis na magsisihan kayo, available yung banyo sa taas.

PAM: Unahan na kita! *takbo paakyat*


Ang ibang Tigresses na tapos na sa pagligo ay nasa hapag na para kumain ng almusal. Hindi na kumain ang iba at nagbaon nalang para sa QPav kumain.

TRICIA: Bakit sunog yung hotdog?

PATRISHA: Si Ate Chloe nagluto.

ALEX: Paano naman kasi habang nagluluto, biglang naisipan magtoothbrush.

CHLOE: I have to keep my teeth clean you know.

JEM: Sus, pasalamat ka nalang hindi nasunog ang dorm.

MELA: Sinong muntikan na makasunog ng dorm?

ALEX and JEM: Si Chloe!

CHLOE: Sorry *peace sign Japanese style*

MELA: Hala, bilisan niyo kumain at dumiretso na kayo ng QPav.


Nang matapos na ang lahat ng Tigresses mag-ayos at kumain, agad-agad silang dumiretso sa QPav. Pero pagdating nilang QPav, naabutan nilang andun ang Tigers.

MELA: Akala ko ba tayo gagamit ng QPav?

TRICIA: Eh bakit andito sina Kuya Kev?

LOREN: Jeric!

TIGRESSES: Uy, yieee, JeRen.

LOREN: Tumigil kayo ah. Anong JeRen?

MIA: Oh you know, the captain-captain relationship...

PAM: She means tandem *glare kay Mia*

JERIC: Hey Loren, tigresses. Bakit?

JESSEY: Diba tapos na season niyo? Bakit nagttraining kayo?

JERIC: Actually hindi kami nagttraining.

MELA: Eh ano ginagawa niyo? Habulan tapos sa may ring magsshoot ng bola?

JERIC: *napangiti* Hindi. Alam niyo bang cancelled training niyo ngayon?

TIGRESSES: Hindi...


Lumapit si Kevin at Clark kay Jeric at sa mga Tigresses.

JERIC: Bros, di sila na-inform na walang training ngayon ang volleyball team.

CLARK: Akala ko ba tinext na ni Coach Odjie?

JERIC: Tsaka Kev akala ko ba tinext mo sila tungkol sa ngayon.


Nagkatinginan ang Tigresses at dun palang naisip na buksan ang mga phone nila.


From: Coach Odjie

Girls, no training for today. Enjoy the rest of the day :)


From: Kevin Ferrer

Tigresses, patulong naman kami sa farewell ni Coach Pido. QPav, 6 am.


KEVIN: Akala ko nga andito sila para sa farewell eh. Kaya nagulat ako na may dala silang training bags.

CLARK: Hayaan niyo na, atleast andito na sila at pwede na natin isagawa ang planong farewell natin kay Coach Pido.


Sinabi at inexplain na nila Kevin at Jeric sa Tigresses ang gagawin. Tinuro na nila ang pupwestuhan ng bawat isa at nag rehearse narin ng mga sasabihan mula pagpasok, kalagitnaan, at ang farewell statement,

~~~o~~~o~~~o~~~o~~~o~~~

Almost 2 hours nagset up ang Tigers at Tigresses. Saktong 8 am, pumasok si Coach Pido kasama si Coach Odjie. Mula sa malayo, pinindot ni Jeric sa remote ang play kaya naman sa sinet up nilang projector ay nagplay ang isang slide show. Napatigil ang dalawang coach at pinanood ang slideshow.

Nang matatapos na yung slideshow, lumabas ang Tigers at Tigresses na may tig-iisang hawak na illustration board na may letters. Nang lahat sila ay nakapwesto na, nakabuo sila ng statement na "THANK YOU COACH PIDO! WE WILL MISS YOU. GO USTE!". Umulan rin ng yellow ang gold balloons sa QPav.


COACH PIDO: Aba naman. Salamat mga anak sa handog niyo. Salamat rin Tigresses at talagang kinonchaba kayo ng mga loko-lokong ito para lang dito. Maging ang coach niyo ay ka-konchaba rin.

COACH ODJIE: Training mamayang hapon ah

TIGRESSES: *angal sounds*

PAOLO: Speech naman diyan, coach.

KAIZEN: Oo nga naman coach, paalis ka na oh.

COACH PIDO: O sige. Una sa lahat, salamat Tigers sa mga ala-ala na binigay ninyo sa akin. Kahit na laging mainit ulo ko sa inyo dahil ang titigas ng ulo niyo, ginagawa ko naman iyon para sa team at para ma-challenge kayo. Gusto kong ilabas niyo lahat ng galing na itinataglay niyo. Pangalawa, nagpapasalamat ako sa Tigresses dahil turing ko narin sa inyo'y pamilya. Pag nakakasalubong niyo ako, pinapangiti at binabati niyo ako. Hindi ko kayo makakalimutan. Maraming maraming salamat talaga sa inyo. Babaunin ko ang mga ala-alang binigay niyo sakin na hinding hindi ko ipagpapalit.


Nagpalakpakan ang Tigers at Tigresses.

PAOLO: Grabe yun, coach, nakakaiyak *yakap kay Kaizen*

KAIZEN: *tulak palayo kay Paolo* Sira ka bro!

LOREN: Coach tignan mo naman ipinababaon sayo ng mga anak mo oh.

MELA: Napakasamang ala-ala ba coach?

COACH PIDO: Nako, buti nga at hindi ko na makikita yan araw-araw eh.

TIGRESSES: *tawanan*

PAOLO: Coach naman oh *kamot ulo*

COACH ODJIE: O group hug mga lahing tigre

TIGERS and TIGRESSES: Group huuug! Para kay Coach Pido *group hug kasama sina Coach Pido at Coach Odjie*

Tigers' FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon