4- Kiefer's Party

120 2 0
                                    

MELA'S POV

It's a Sunday, and it's a shock na maaga akong nagising. Nakakatamad pang bumangon so naisip kong magbukas ng twitter. As usual, mentions from fans.

Kim Fajardo sent you a direct message

"Good morning Mela :*"


Ma-replyan nga.

"Good morning noggy :* Training?"


Kim Fajardo sent you a direct message

"Hindi. Niyaya ako ni Yeye magshopping ng regalo para kay Kiefer"


Oo nga pala, party na ni Kiefer mamayang gabi. Di pa kasi kami sure ng Tigresses kasi busy with training and academics. Pati nga Tigers niyayaya din kami pumunta eh. Alam niyo na, kasi close kami sa UAAP and all.


Kim Fajardo sent you a direct message

"Going later?"

"Not sure kila Jessey"

"Sana makapunta kayo. Talk to you later, I love you :*"


Yes, kami nga ni Kim Fajardo. Hindi ko ikinakahiya relationship namin. Bakit? Wala naman kaming nasasaktan, nagmamahalan lang naman kami. So why bother what other people have to say? Hay makabangon na nga at ako nalang maghahanda ng makakain ng Tigresses.


Pagbaba ko sa kusina, nakita kong gising na sina Pam, Loren, at Mia. Sila na ang nagluluto at nagseset up ng table.

MELA: Isang himala!

MIA: Uy, Mela, gising ka na pala.

LOREN: Kain na. Alam mo namang mamaya ubos na sa Tigresses yan, lalo na sa mga tigre nila sa tiyan.

MELA: Sabayan niyo ako.

LOREN: Kumain na kami. Sige lang, kain ka na diyan.

MIA: Pakabusog Melaloo.

MELA: Nga pala, wala bang final decision kung pupunta sa party ni Kief mamaya?

PAM: Ako gusto ko pumunta

LOREN and MIA: Siyempre gusto makita si N—-


Naputol sasabihin nila Loren at Mia dahil binato ni Pam ng kutsara yung dalawa. Nako, eto nanaman si Pam sa pambabato ng kung ano mahawakan. Namimiss yata maglaro ng volleyball eh.

PAM: Magtigil ah, magtigil.

MIA: Sus, kunyari pa siya. Andun yun siyempre kasi kaibigan ni Kiefer.

MELA: So, ano, punta tayo?

LOREN: Saan tayo sasakay papunta at pabalik?

PAM: Mia, diba marunong ka magdrive?

MIA: Ang tanong, may kotse ba?

MELA and PAM: Ayun lang...

LOREN: Bakit di niyo tanungin ang Tigers? Malamang pupunta naman mga yun diba?


Habang nag-uusap kaming apat, nagsibabaan na ang ibang Tigresses para kumain. Sa hapag, napag-usapan narin namin ang pagpunta sa party ni Kiefer. Napagkasunduan naming mga nagsabing gusto pumunta ay sumabay sa Tigers. May mga may kotse rin sa amin kaya yung iba dun sasakay. Oh yes!

Tigers' FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon