26- Officially

40 2 0
                                    

RENZO'S POV 

Nasaan ako? Bakit puro puno ang nasa paligid ko? Bakit ako napadpad dito? Isa pa, anong lugar 'to, bakit ganto itsura?

Tumayo ako at nagsimulang maglakad-lakad para malaman kung nasaan ako. Medyo magdidilim narin kasi nakikita ko na papalubog ang araw.

Nakarating ako sa may pampang at may nakitang tao na nakaupo na nag-iisa. Hay salamat may mapagtatanungan narin ako. Sana makatulong siya. But as I come closer, the figure became familiar to me.

No, this couldn't possibly be.

But my instincts aren't wrong.

Hindi ako nagkakamali, I know who this person is.


"Jean?"


Lumingon siya. So I was right. How can I possibly forget the figure of the person I truly love? Jean Alyssa Lazaro. 

But as I can see, staring at her right now, hindi siya masaya upon seeing me. Parang may takot at kaba sa mata niya.

JEAN: Ano ginagawa mo dito?

RENZO: Hindi ko rin alam. Ikaw, paano ka napunta dito?

JEAN: Nagpakalayu-layo ako to think things over, para makakalimot sa mga bagay na nakasakit sakin.

RENZO: Kasama ba ako dun?

JEAN: *nods* Pilit tayong pinaglalayo ng parents natin. Kahit na sabihin pa nating tadhana na ang bahala sa'tin hindi rin pwede. Hindi ko matanggap na hindi tayo pwede. Renzo, I know you know how much I love you, I still do. But everytime I think about our parents, ang sakit kasi parang kailangan natin mamili between us and them.

RENZO: And I know you know na kahit ano mangyari ipaglalaban kita.

JEAN: Ipaglalaban rin naman kita eh. Kaso it's already fate telling us that we're not meant to be.


Tumayo siya and she started to run away. Hahabulin ko pa sana kaso nawala na siya, hindi ko na siya maaninag. I stood up feeling disappointed, but when I looked at the waters, nakita ko yung mukha ng daddy ni Jean

...

RENZO: *bumangon* WAAAAAAAH!!!

KAIZEN: Bunso, okay ka lang ba?

RENZO: Panaginip lang yun?

KAIZEN: *kibit-balikat* Siguro. Bakit, ano ba yun?

RENZO: *sighs* Napanaginipan ko nanaman si Jean.

KAIZEN: Siya ba yung sinasabi mo noon sa amin?

RENZO: *nods* Mahal ko parin yata eh.

KAIZEN: Eh bakit mo inattempt na ligawan si EJ?

RENZO: Ewan ko po, siguro naghanap ako ng panakip-butas para kay Jean.

KAIZEN: Ayan, yan ang wag na wag mong gagawin. Kahit na sinong tao, bunso, hindi gugustihin maging panakip-butas ng kahit na sino, lalo na kung mahal niya yung tao.

RENZO: Eh kaso kuya hindi naman niya ako gusto eh *slight na tawa*

KAIZEN: Hay nako, ikaw talaga. Sige na, maghanda ka na at may miting de avance si Kev.


Panaginip lang pala. Sana totoo nalang yun, sana nakasama ko nga talaga si Jean.

END OF RENZO'S POV

Tigers' FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon