17- Courting CC 1

57 2 0
                                    

CHLOE'S POV

Umaga nanaman, may pasok nanaman! Nakakatamad lalo na kung wala kang kasabay. Iniwan ako ng Tigresses paano kasi puro ako 5 minutes. Kaya eto naging bunga ng 5 minutes ko— naglalakad ako mag-isa papuntang UST.

Andito na ako sa building namin. Tinatamad ako kung maglakad papuntang klase namin. May lumapit saking isang studyante from Commerce. Binati niya akong good morning sabay abot sakin ng isang post it.

"SMILE. It looks good on you and you look pretty with it"

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ang weird kasi after nung unang nagbigay, sunud-sunod na yung mga nagbibigay ng post it. Pagkarating ko naman sa room namin, nakita ko upuan ko na may nakapatong na isang yellow rose na may nakadikit na post it.

"A yellow rose for the sunshine of my life. Don't forget to wear your most beautiful smile"

I asked my classmates kung sino nag-iwan pero sabi nila nakita nalang daw nila yun sa upuan ko nung pumasok sila. Umupo nalang ako at nilagay sa tabi ng bag ko yung rose. Kanino naman kaya yun galing at sino naman ang makakaisip na magbigay sakin ng ganun?

Pagkatapos ng klase kong yun, papunta na akong carpark para kumain. Ginutom rin ako eh. Tapos dagdag mo pa yung fact na hindi ako nagbreakfast. Kawawa na talaga 'tong mga alaga ko sa tiyan.

Nang makarating ako sa may main building, may grupo ng lalaki na biglang sumulpot at sinusundan ako. Jusko ano kailangan sakin ng mga 'to? Binilisan ko ang lakad ko. Kaya naman binilisan rin nila lakad nila.

Nagulat nalang ako nang may sumulpot na lalaki na may hawak na gitara. Napatigil ako at nanlaki mata ko. Ano meron sa mundo ngayon at weird things happen? Tapos bigla nalang silang kumanta.

♪ Teka lang, teka lang, teka lang, mayroon akong nakita ♪

♪ Pare ko, pare ko, pare pare ko oh kay gandang dalaga ♪

Napatingin ako sa paligid ko, nanlalaki parin ang mata. Hindi ko na tatapusin pa 'tong kanta! Tumakbo na ako palayo sa kanila, kaso mukhang hinahabol ako. Juskooo! Ano ba meron? Saan ako pupunta na di nila ako masusundan? Ang weird talaga eh! Ano ba meron?

END OF CHLOE'S POV

Samantala, nasa library sina Alex at Julienne para maghanap ng libro na kailangan nila para sa isang klase nila.

JULIENNE: Kailangan ba talaga yung first edition nung librong yun?

ALEX: Well, first edition is the best. And ayaw mo nun, mataas grade natin.

JULIENNE: Pero saang lupalop naman nitong library natin hahanapin yun?

ALEX: Eh bakitn kaya hindi natin tanungin yung mga assistant?

JULIENNE: Sabi ko nga, magtatanong tayo.

Nilapitan nina Alex at Julienne ang dalawang assistant na nag-aayos ng mga libro sa isang lamesa. Tinapik nila yung likod nung dalawa, at nang humarap ay ikinagulat ng dalawang Tigresses kung sino.

JULIENNE: Renzo? EJ?

RENZO: May maitutulong po ba kami?

ALEX: Yes... Una, ano ginagawa niyong dalawa bilang assistant dito sa library?

EJ: Long story. Pero next time—

RENZO: Sige na, ako nalang muna bahala dito. Samahan mo muna teammates mo.

EJ: Ano naman kapalit, Subido?

RENZO: Ikaw na nga pinagbibigyan diba? Bilisan mo bago pa magbago isip ko.

Umalis na ang tatlong Tigresses at lumabas sa may pintuan lang ng library.

ALEX: So?

EJ: Nagkasagutan kasi kami noon sa isang klase naman tapos sa harap ng prof namin. Ito disciplinary sanction namin.

JULIENNE: Eh bakit di namin 'to alam? Di mo sinabi?

ALEX: Alam ni coach 'to?

EJ: Alam niya. Hindi ko lang sinabi sa inyo kasi ayokong problemahin niyo pa ako.

ALEX: EJ, we deserve to know. Siyempre para naman madamayan ka namin.

JULIENNE: At mabully *tawa*

ALEX: *death glare kay Julienne* Anyway, hanggang kailan naman 'to?

EJ: Two months. Kaya ayun, pagtitiisan kong kasama yung mokong na yun.

JULIENNE: Baka mamaya magkadevelopan kayo ah.

EJ: No way! Kahit kanino talaga, wag lang sa kanya *irap*

Naputol ang usapan nila nang tumakbo si Chloe at malampasan sila.

ALEX: Si Chloe yun ah!

JULIENNE: Hinahabol ba ng kabayo yun at ang bilis-bilis ng takbo niya?

ALEX: Tara tignan natin. Sige, EJ *takbo*

JULIENNE: Uy, wait for me! Bye, EJ! *takbo*

Hinabol nila Alex at Julienne si Chloe. Pero dahil sa bilis ng takbo nito ay di na nila nahabol. Napatigil sina Alex at Julienne para habulin ang hininga nila.

JULIENNE: Grabe... Pinaglihi ba sa kabayo si Chloe at ang bilis ng takbo nun?

ALEX: Nagawa mo pa humirit ng ganyan?

JULIENNE: Naman, ako pa *flips hair*

ALEX: *batok kay Julienne* Sira ka talaga. Saan naman natin hahanapin yun?

Nagkatinginan sina Alex at Julienne at nag-isip ng mga pwedeng madaanan ni Chloe sa pagtakbo niya. Nang biglang may humila kila Alex at Julienne papasok ng banyo ng mga babae at nilock ang pinto.

JULIENNE: Hoy! Sino ka?!

CHLOE: Relax...

ALEX: Loka, bakit ka tumatakbo kanina? Sino humahabol sayo?

JULIENNE: May utang ka ba na di nabayaran at hinahabol ka ngayon?

CHLOE: Hindi. Ang weird nga eh. May mga nagbibigay saking post it na may mga quotes. Tapos kanina pagpasok ko sa first class ko, may nakita akong yellow rose sa table ko na may post it. Tapos ngayon hinahabol ako ng mga lalaki at kinakantahan akong Ikaw Na Na Na Na.

JULIENNE: Naks, ang haba ng hair.

CHLOE: Ikli-ikli kaya. Pero di yan ang point!

ALEX and JULIENNE: Eh ano?

CHLOE: Sino naman ang mag-iisip na gawin 'to?

ALEX and JULIENNE: *kibit balikat* Ewan.

CHLOE: Hay nako, tara na nga. Tatakasan pa natin yung mga lalaking yun bago pa nila tayo maabutan at kumanta nanaman sila, naku po.

Tigers' FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon