Jinno
Hi Im Jinno .. gwapo , masipag , malakas ang dating at higit sa lahat Im rich. Haha . Isa ako sa mga masasabi nyong basagulero , palaaway, bully at siraulo sa school and yes totoo yan. Hindi ko alam pero palagi nalang rin ako nasasangkot sa gulo lalong lalo na dahil sa babae . Hindi ko naman kasi kasalanan na habulin talaga ako eh at sadyang sila ang kusang lumalapit.
Im a son of the richest man in the Asia, pero dahil sa mga nangyayare sa buhay ko pinatapon ako ng ng father ko dito sa sa lolo ko. Itinago ko sa mga tao dito kung sino ako . Ayokong gamitin yun para maka-advantage sa kanila pero talaga di maiiwasan na may makahalata o makaalam. Hindi na kami nag uusap ng Papa ko since namatay ang mother ko malaki ang galit niya sakin simula ng mawala ang mama ko. Almost 3 yrs narin simula ng mangyare yun pero kahit ganun wala akong galit sa papa ko . Sabi nga ni Lolo intindihin ko nalang raw.
So ayan nakapag pakilala nako ha .. Balik na tayo sa kwento 😬.
Nagising ako sa sinag ng araw mula sa labas , masakit ang buong katawan ko pati narin sa muka ko. Mukang talagang napuruhan ako kahapon pero teka nasan bako? parang hindi ko naman ito kwarto ah.
"Oh gising ka na pala iho" - Sabi ng babae na naka white coat. Kaya lang nahihirapan pako magsalita ang sakit talaga ng katawan ko grabe. "Ang mabuti pa wag mo muna pilitin ang sarili mo , heto uminom ka ng tubig tapos kainin mo itong tinapay okay. Kelangan mo magpagaling ng sugat mo... Ikaw naman kasi iho , kung makikipag-away ka galingan mo para naman hindi ka napupuruhan ng ganyan saka iwasan mo na lang yan iho yang away away nayan nako hindi nyo madadala yan pagtanda nyo. Mag aral kayong mabuti para naman maging proud sainyo ang mga magulang nyo .. pwede ba yun ha?" tanong nito sakin.
"Opo miss" - mahina kong tugon
"Oh sya , yung mga kaibigan mo nga pala dito narin nagpang-abot ng gabi .. kinukulet kasi ako na babantayan karaw nila kaya pinayagan ko na ayoko namang iwan karing walang kasama dito . hayan sila sa kabilang kama ang hihimbing ng tulog diba" hinawi nya ang kurtina nahumaharang sa kbilang kwarto at nakita ko nga ang mga kaibigan ko na natutulog sila . "Oh sya maiwan muna kita kumain ka ha , ishare mo din yan sa mga kaibigan mo baka gutom nayan sila paggising. Alis nako pupunta muna ako sa guidance at gusto niyang mag pa bp ngayon" umalis na sya at naiwan akong kumakain dito sobrang gutom narin talaga ako , ilang oras naba akong tulog. Teka icheck ko nga yung phone ko lagot talaga ako sa lolo ko.
Andaming msg hays.
Nasan ka na ba ha? bakit di ka umuwe ? - Lolo
yari nga hays ma replyan nga si Lolo.... pagkatapos ko replyan si LoLo nakita ko naman na may msg din si Kuya. Yes may kuya ako pero nasa puder sya ni papa sya ngayon ang katuwang ni papa sa pagpapatakbo ng kompanya pero...
Nasan ka Jinno , tumawag sakin ang Lolo hinahanap ka raw ? Tawagan moko kung nasan ka okay susunduin kita. - Kuya Toya .. napaka mature at maalagain ni kuya andami kong utang na loob sa kaniya kaya naman malaki ang respeto ko sa kniya. Nagreply narin ako sa kniya pagkatapos papatayin ko na sana tong phone ko ng may pumasok na txt.
Magaling kana ba? - Unknown number? sino kaya to pero bakit parang ako yung unang nag txt , sinabihan ko pa syang "Salamat sa tulong" ? hmm.
nireplyan ko narin para di naman mukang snober ako. Hindi paPagkatapos ko kumain , sinubukan kong tumayo .. ginising ko ang mga kaibigan ko para magpatulong na magbihis at kelangan ko narin umuwe .
"Hoy gising na!" pagtapik ko kay Cyrille .. "Hoy Gising na .. aalis na tayo" Tulog mantika talaga tong mga to .
"hmmmm teka babangon na" aniya ni Cyrille at tila hindi pa gising . "Ui Jinno teka okay ka naba?"
"Muka bakong okay andami ko kayang sugat" - Jinno
Nagising narin yung dalawa .
"Pasensya kana ha , di ka nanamin naresbakan napatagal kasi ang kain namin sa canteen eh" - cyrille
"Ayos lang, saka okay nayung ako nlng ang nasaktan diba. hahahaha oh sya mag asikaso na tayu umalis hindi muna siguro ako papasok sa klase" - Jinno
"Oh sige Jinno , kaya lang kami kelangan pumasok baka bumagsak na talaga kami kay Mrs. Cruz, ihahatid ka nalang namin muna sainyo saka kami babalik ng school.. nga pla yung nagligtas sayo tinxt namin sa phone mo. Kasi naman kundi dahil sa kniya eh baka ano pa nangyare sayo eh" - Shem
"ah kaya pala may unknown number na nag txt kanina , sge . pwede ko kaya sya makilala para naman makapag pasalamat ako ng personal sa kniya" -Jinno .. nacurious ako kung sino sya.
"Ah sge tatanong ko dun sa masungit niyang kaibigan sa txt" - cyrille .. saka ito nagtxt
"Teka lang magbibihis muna ako" -Jinno
Pakalipas ng 10 minuto.
"Oh aalis na kayo , hindi naba masakit yang sugat mo?" sabi ni Miss Janna yung school nurse namin.
"Opo ayos napoko maraming salamat po" - Jinno
"Oh sya dalhin mo tong mga first aid na to ha .. tapos ito reseta to iinumin mo para mabilis gumaling yang sugat mo okay" - Miss Janna
"Salamat po" umalis narin kami nila Cyrille sa clinic tapos pumunta kami doon sa hallway kung san daw napasok yung tumulong sakin.
"Ayun sya" turo ni Cyrille... doon sa lalaki?
Nilapitan namin ito may bitbit siyang mga cookies.
"Ui bakla!" sabi ni Cyrille .. Sinipa ko naman sa paa si cyrille ksi nman ansama niya.
"Ikaw bayung tumulong sakin kahapon" pagtatanong ko sa kniya .. itinaas nito ang ulo at nakita ko ang muka nya. Ang muka niyang napaganda .. yung mga mata nya ampupungaw .. hanggang sa ... tug tug tog tug .. ano tong nararamdaman ko bakit ganito yung puso ko.
"ah oo .. okay ka naba?" shet yung pagsasalita niya ang lambing 🥰
"Oo okay nako, kelangan ko nalang daw pagalingin tong sugat ko"
"Ah okay..... SA SUSUNOD KUYA WAG NAMAN KAYO SA BANYO MAKIPAG AWAY , ALAM MO BANG TAKOT NA TAKOT AKO HABANG NASA CUBICLE .. AT ISA PA SA SUSUNOD NA MAKIKIPAG AWAY KA MAGDALA KA NG SARILI MONG ALALAY AMBIGAT MO HMMP. SYA NGA PALA THANK YOU DITO SA COOKIES 😑😒" Sabi nito sakin na may pagsusungit. Ang Cute nya.
Hahahahaha ano bang meron sa taong to bakit anlakas ng kabog ng dibdib ko , kelangan ko na umexit baka di ko mapigilan.
"Ah oo yung cookies .. ako nagbigay thank you ulet ha" pagsisinungaling ko. Maganda na rin yun atleast di ko na kelangan gumastos pa ulet para magpasalamat sa kniya.
Umalis na ito sa harapan namin at naiwan akong mangha sa tapang nya.
"Grabe pare.. Ang tapang pala nun kagabi kasi nung hinoldap namin siya takot ba takot siya samin hahahahahahahaha" -cyrille
"Ui sa susunod ha wag nyo ba sya tatakutin , nagalit tuloy sya sakin . oh sya tara na gusto ko na umuwe may klase pa kayo"
Umalis na kami at naihatid na nila ako sa bahay.
Hanggang sa bahay iniisip ko kung sino ba talaga siya . Sana magkita pa kami gusto ko siyang makilala. 😊
Sa kabilang banda...
Hmm. Mukang hindi niya nahulaan kung kanino galing yung cookies. Siguro next time nalang bakit kasi ang torpe ko😮💨.....
NEXT!
BINABASA MO ANG
A High School Love Story (Gay)
RomantizmA New Gay Love Story . Madaming twist! and scene kaya dika bitin😗