kada layo ng mga petsa
mas nalalapit ang iyong pagalis
sana iyong madama
na ika'y aking ninanaissa bawat ihip ng hangin
aking nadadama ang iyong paglaho
at sa aking bawat tingin
ako'y humihiling na walang magbabagoabutin pa man ito ng walong taon
walang taong makakapagpalit
sapagkat ikaw ay mahirap ibaon
at nais ko na lamang ay tayo'y magkalapitkaya sa iyong pagbalik
sana ay ako padin ang laman
ng puso mong nakakasabik
at presensya mong naging aking tahananngunit mali na ibahin ang tadhana
ipaglaban mo man
ito na ang nakahanda
naging ako ba kailanman?sapagkat ika'y umuwi
na may dalang ibang tao sa iyong puso
ako ay naiwan na sawi
nawala na ako sa iyong mundo.
YOU ARE READING
poems
Poetrynot a story just where i want to dump my "poems" (and some random writings) OKAY MOST OF IT ARE BAD IM NOT EVEN A POETIC PERSON LOL