Naalala mo pa ba ang blangko
Sisimulan ko sana ang unang talata nang patanong gaya ng, "Naalala mo pa ba...?"
Pero, kahit kung mabasa mo man ito sa isa sa sampung posibilidad sa mundo, wala ka rin namang masasagot kasi wala namang memoryang nasimulan noon; blangko lang naman ang hanay ng mga sandaling nandoon ako sa isipan mo.
Bakit nga ba kapag nagsusulat ako 'tungkol sayo, parating parang nandyan ka para matuklasan at sagutin ang lahat ng ito?
Na tila'y binabasa mo ang romansang nobela na dapat sa dalawang tao, ngunit, tanging isa lamang ang nakaramdam nito. Na lahat ng hapdi na kanyang natamasa, sana'y malambot mong maunawaan ito, nang sa gayon ay kahit ganoon malunasan ako.