Paghanga at Pagsulat
Habang nakatanaw sa kisame; nakahimlay sa kawalan, maikukumpara ko ang landas ng paghanga sayo ay tulad ng paglalakbay ko bilang isang makata.
Kung papipiliin ako, kung kasalukuyang pag-ibig o sa nakalipas, pipiliin ko ang ngayon. Subalit, hindi ko maitatanggi na isa ka sa dahilan kung bakit ko piniling maging masaya sa panibagong-yugtong ito.
Sa pagbabalik-tanaw sa atin, marami pang mga kulang na mga pirasong dapat hanapin—kagaya ng aking unang tula, kahit ilang oras ang ginugol ko rito, hindi ko masasabing tapat kong naipahayag ang nasa kaibuturan ko.
Maraming sablay—maraming butas sa unang paghanga at pagsulat.
Gayunpaman, lahat ay hindi sayang, sapagkat naging daan ito upang mahulma ako sa sandaling ito. Dahil sayo, lubusan kong naunawaan kung bakit ang unang pag-ibig ay sadyang kay hirap malimutan.
![](https://img.wattpad.com/cover/373834255-288-k957089.jpg)