☆Panghuling Sinag

2 0 0
                                    

Kasukdulan ng Kuwento

Hindi ka mawawala sa mga kuwentong ibinahagi ko sa aking kaibigan at pamilya.

Siguro, ito 'yong saksi sa sukat kung gaano kita hinahangaan. Kasi sa sobrang barado ng "ikaw ikaw" sa isipan ko, hindi ko na mapigilang mapalabas ang mga bagay na konektado sa 'yo.

Kahit isa akong taong nabubuhay ng walang imik at salita, talaga namang kapag sayo lahat ng ito'y nawala.

Pero, hindi ko inaasahang ako rin mismo ang nagnanais na itigil na ito, hindi dahil kasi nahihiya na ako sa pinagsasabi ko-kung hindi dahil sa rasong wala ng saysay ito.

Sa sanaysay na may dalawampu't limang talata, tama naman siguro ito upang maipahayag kung saan ito nagsimula at natapos.

Dahil sadyang hindi na tama na pipilitin ko pang ipahayag ang aking damdamin-kung alam kong makakaya ko nang ilihim lahat ng ito, higit na ang mga kwentong tungkol sa iyo.

Sinag: Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon