Galimgim
“One word na mailalarawan mo sa kanya?” tanong ng aking kaibigan.
Lumipas ang limang minuto nang pagmumuni-muni, sa wakas ay nahanap ko na ang nararapat na salita.
Tumingin ako at ngumiti sa kanya, “nostalgia.”
nostalgia…
Isang salitang nagsasalaysay sa sentimental na pananabik sa mga nakalipas.
Simula no’ng araw na natuklasan ko ang salitang ‘yon, kaginhawaan ang nadama ko, imbis na kalungkutan sa nakaraan.
Siguro ganoon ko nauunawaan ang lahat ng mga memorya na aking naranasan; kahit dala nito’y karimlan..
Ngayong nagdaan na ang mga taon mula no’ng huli akong tinanong. Kahit natapos na’y parating ang salitang nostalgia pa rin ang mailalarawan ko sa iyo.