Operation Dethrone The Campus Heartthrob King
♔♔♔
Lumipas ang ilang araw at mas lalong lumala ang pagpapapansin ko kay Louie. Sa tuwing sumasakay ako ng bus ay tiningnan ko ang bawat upuan kung nakaupo ba siya, palagi naman akong nadidimasdayo dahil wala siya. Lagi ko rin siyang binabati tuwing umaga at siya ang lagi kong tinatanong tungkol sa school works. Sinasagot niya naman ako pero mukhang labag sa kalooban niya!
Ewan ko ba, tinatamad ako ngayong araw. Dumagdag pa ang phone ko na lowbat kaya hindi ko magamit simula pa kanina sa biyahe. Dinala ko pa rin kasi wala lang. Kailangan may rason? CHARET.
Napahikab ako. Kasalukuyan akong inaantok ngayon sa klase ng aming first subject ngayong Monday na Entrepreneur. Nagchecheck pa lang ng attendance si Ma'am ay gusto ko nang umuwi!
"Okay, so, ngayon ay magkakaroon tayo ng impromptu reporting," panimula ni Ma'am.
Pagkasabi niya no'n ay nawala ang antok ko! Nawala na rin ang antok ng mga kaklase ko, nakakagulat ka naman, Ma'am!
Nagpatuloy si Ma'am sa pagpapaliwanag ng gawain. Laking tuwa ko nang kami ng mga bakla at ni Louie ang magkagrupo! Napatingin ako sa kanila at napansin ko na na hindi sila masaya at parang may galit at poot silang nararamdaman?
Nagtipon na agad kami para mapag-usapan ang gagawin. Inilabas na nila ang kanilang mga libro at tumungo sa pahina na naka-assigned sa amin.
"Anong part gusto niyo?" tanong ni Louie habang nakatingin sa libro.
"Ang sa'kin-"
Naputol ang sasabihin ni Owen nang magsalita si Louie. "I like this whole page." Pinakita niya ang page na may pinakamaraming saklaw sa topic.
"Go, we'll make do sa mga natira," sarkastikong sabi ni Aria.
"Okay, I'll just go back to my seat para aralin na ang part ko. Don't worry sa kung sino ang introduction at conclusion, ako na 'yun."
Hindi na tumugon ang mga bakla at hinintay na lang na makalayo si Louie.... Bakas sa kanilang mukha ang inis!
Oh, I'm not liking this atmosphere!
"Nako, 'yang lalaki na 'yan, ah? Sinusubok talaga ang pasensiya ko. Nitong mga nakaraang araw, kung umasta, akala mo kung sino!" bulalas ni Zoey.
"Right? 'Noong poster-making din natin halos siya na lahat nasunod? Gosh, he's so self-centered!" dagdag pa ni Aria.
"My God, totoo nga pala talaga ang gossip na may ugali ang lalaking 'yan! Ganyan din siya noon pa sa mga groupings, gusto niya siya lagi nasusunod at siya lang ang tama!" pabulong na sabi Owen.
Naloka ako nang sabay-sabay silang nilingon ako at tila naghihintay kung anong sasabihin kong masama.
"Uhm, may kabaitan din naman siya!" sabi ko.
"Hay, ewan ko sa'yo! Hulog na hulog ka sa lalaking 'yan!" pagtataray ni Zoey.
Pagkatapos ng aming diskuro ay hinati na namin ang dalawang natirang page. Natapos din naman kami agad kaya nagtulungan na kami aralin ang kanya-kanyang part.
Nagsimula na rin na magreport ang unang grupo kaya bumalik na kami sa aming mga upuan at nakinig. Magaling sila at smooth ang presentation.
Sunod na kami sa kanila kaya nang matapos ay tumayo na kami. Nang tumingin ako sa harap ay doon na ako nakaramdam ng taranta at bilis ng tibok ng aking puso. Hindi talaga ako magaling sa reporting...

BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrobs That Used To Be Us
RomanceDo you want to be like him or be with him? A question always comes to Saige Alijah Martinez's mind whenever he looks at the epitome of a campus heartthrob, Louie Vincent Francisco. It seems like he has it all. A perfect face, an undeniable charm, an...