Chapter 10

1.3K 37 4
                                    

ACEs

♔♔♔  ♔

White crop top shirt? ON! Red-buttoned jacket? ON! Black pants and boots? ON!

Kahiit hindi pa sumisikat ang araw ay nakarating na ako ng school para pumasok sa iisang class namin this Wednesday. Sinadya ko talaga ito para konting estudyante pa lang ang makakita ng pasabog kong outfit para sa audition ng Livington Dance Troupe mamaya.

Pagkarating ko ng classroom ay bilang palang sa aking mga daliri ang nasa room. Nginitian ko lang sila dahil walang energy ang mga tao sa ganit kaagang oras!

"Ay. shala! Ganyan na pala ang outfit kapag papapsok ng school?" bati ni Aria nang makapasok sila.

"Yes po!" sabi ko at nagtawanan kami.

"Gayak na gayak!" bati pa ni Zoey.

"Ready na ba ang audition piece mo?" tanong ni Owen.

Bigla akong sumayaw ng walang tugtog! "Aba, syempre po!"

"PERPUK!"

Natigilan kami ng biglang pumasok si Louie at umupo sa kanyang upuan. He's wearing a dark blue polo shirt and black pants. Kumunot ang noo niya nang makita ako. Nginitian ko lang siya. Hindi na para malaman niya! Gugulatin ko na lang siya mamaya!

"Saige, Louie, may bisita kayo!" Napalingon kami sa aming kaklase na nasa pintuan na nagsabi no'n.

Nakita namin ang kumpol ng mga estudyante na nagsisigawan pa! Nakakaloka, ano ito? Agad akong lumapit sa kanila.

"Hi, Saige! Goodluck sa audition mo mamaya. Ito, oh, goodluck gift namin sa'yo!" nakangiting sabi ng isang babae.

"Tama ka nga, ang gwapo niya lalo sa outfit niya ngayon!" bulong pa ng isa.

Napangiti ako. "Thank you! Hindi na sana kayo nag-abala pa pero salamat talaga!" sabi ko at tinanggap ang mga regalo nila.

"Picture tayo, please-"

"KYAAAAH, LOUIE!"

Naputol si Ate nang biglang marinig ang sigawan! Nilingon ko ang kabilang pintuan ng classroom sa likod at nakita ko si Louie at mga schoolmates din namin na binibigyan siya ng regalo!

ABA, audition niya rin?!

Doon nakita ko ang ngiti ni Louie na nasisislayan ko lang kapag kausap niya ang ibang tao. Paano? Laging blank face siya sa'kin!

"Picture na, please!" sabi ng babae.

Masaya lang akong nakikinig ng discussion ni Sir habang nagkakaroon ng unboxing ng mga regalo sa'kin. Siya 'yung teacher na nakakatakot kasi sobrang seryoso magdiscuss pero mabait naman kapag biniro!

After ng class ay agad kong niligpit ang aking gamit! Excited na ako sa audition. Diretso na ako sa auditorium para makapag-register na!

"Bakla, goodluck, ah! Just enjoy! Manonood kami!"

Yinakap ko si Aria pati na rin ang mga bakla bago tuluyang nauna sa kanilang lumabas!

Sinalubong ako ng sigaw ng maraming tao pagdating sa tapat ng auditorium. In-assist ako ng crowd control at pinapasok ako sa isang pinto. Pagpasok ay pumila na ako. May kahabaan na rin ito! Napag-alaman ko na male auditionees lang pala ang isasalang today kasi bukas pa ang females.

Nang makapag-register ay agad kong ikinabit sa aking jacket ang sticker number ko. Nakakaloka, 99? Antagal ko pa!

Mabuti na lang at sa backstage ay komportbale kaming naghihintay. Malamig rito at maluwag. May buffet pa kaya lumafang na agad ako dahil wala pa akong tanghalian!

The Campus Heartthrobs That Used To Be UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon