L
♔♔♔♔
Dali-dali akong umupo sa sala. Nasa salon pa si Mami ngayon kaya mag-isa lang ako sa bahay. Kinuha ko ang regalo sa bag at namangha na naman nang makita ito. Ano kaya ito? Ito na ba ang aahon sa'min sa hirap? CHARET.
Dahan-dahan kong inangat ang takip ng box. Bumungad sa akin ang isang polaroid picture. Litrato ko itong noong nagpunta kami ng rooftop. Naka-peace sign at kitang-kita sa picture kung gaano ako kasaya. Nabaling ang tingin ko sa baba kung saan may mensahe sa white border na nakasulat gamit ang black marker.
What would you feel if I dedicated every song and every dance that I'd do to you?
Mas lalong akong napangiti. Tinignan ko ang likod ng picture at may nakasulat din dito!
Wear the necklace if I can court you, I really want to :)
Doon ko lang napansin na meron pang kwintas na nakalagay sa box. Kinuha ko ito at namangha ng pagmasdan. It's a white gold necklace with an L pendant. Ang ganda!
Napaisip ako. Siya? Liligawan ako? Nakakaloka!
Huminga ako nang malalim. Uso ba sa mga bakla ang panliligaw? Napaisip ako. Kadalasan kasi, sa mga relationship between hetero men and women ko lang 'yon nakikita. Parang hindi pa ako nakakarinig ng baklang niligawan. Ako ba ang una? CHARET!
Sa totoo lang, hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Is courting really even a thing in queers? Hindi ko talaga alam. Naguguluhan ako! I guess, regardless of one's sexual orientation, anyone can court and can be courted. Napangiti ako. Unti-unti ay talagang nagiging progresibo na ang mga tao.
Naglakad ako papunta sa aking kwarto at humarap sa salamin. Ang ganda pagmasdan ng kwintas. Napatitig ako sa aking repleksyon habang iniisip kung susuotin ko ba ito. Isa lang ang sinasabi ng puso ko, dali-dali ko nang binukas ang clasp nito at isinuot na sa leeg ko. Nang masara ay natuwa ako nang bumagay ito sa akin!
Sa tingin ko ay hindi ko na ito tatanggalin pa! Nagpa-ikot-ikot ako pa ako sa salamin. Hindi ko maitago ang kasiyahang nararamdaman ng puso ko. Ngayon ko lang ito naramdaman kaya sobrang ikinagagalak ko na mararanasan ko rin pala ang ganitong klaseng saya!
"'Nak, kain na tayo!"
Nilingon ko ang pinto nang marinig ang boses ni Mami. Agad akong lumabas ng kwarto at sinalubong siya ng beso. Ayaw niya kasi ng mano!
"Oh, parang blooming ka ngayon, 'Nak?" natatawang pansin niya.
Kinuha ko ang supot ng ulam na dala niya. "Nako, Ma! Mahabang chika!"
Tinignan niya ako ng may kadudahan. "Nako, anes 'yan?"
Dali-dali ko nang hinanda ang aming hapag-kainan. Ang sarap ng ulam, inihaw! Nagsimula na rin agad kaming kumain.
"Hmp!" natigilan si Mami, "bukayo ka na, ano 'yang nasa leeg mo? Sino nagbigay niyan? Sino 'yang L?"
Pabebe kong hinawi ang buhok sa tainga kahit 'di naman ito kahabaan. "Wala ito, Mah! I bought this for myself!"
Binato niya ako ng stick. "Chusera, chika mo na!"
Natawa ako. "L means love, but love means Louie to me. I found it, Mah! Ang lalaking bubuhay sa akin, ang lalaking tutupad sa mithiin kong maging mabuting maybahay."
Naloka ako nang humalakhak nang malakas si Mami. "Nakakainis! Apaka-ambisyosa ng pagchika!"
Nagtawanan kami habang totoong chinichika ko na sa kanya kung paano kami nagkakilala ni Louie at kung ano na ang namamagitan sa amin ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/368140216-288-k875017.jpg)
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrobs That Used To Be Us
RomansaDo you want to be like him or be with him? A question always comes to Saige Alijah Martinez's mind whenever he looks at the epitome of a campus heartthrob, Louie Vincent Francisco. It seems like he has it all. A perfect face, an undeniable charm, an...