OH!
♔♔♔♔
Grabe din talaga ang tadhana. It moves in a different way that gets you to the least expected life situations you could think of—least expected person too. Kung tatanungin ko ang past self ko sa mga nangyayari sa akin ngayon, panigurado mahihimatay 'yun sa gulat!
Napailing ako sa naisip! Ganito siguro ang tama ng kanina pa stuck sa traffic! Tumingin ako sa bintana ng bus, gano'n pa rin ang lagay. Late na ako sa practice namin! Napansin ko na tumunog ang phone ko kaya agad kong tiningnan kung sino ang nag-message.
Louie: Saan ka na?
Louie: Miss na kita.
Napangiti ako. Andami niya laging baon! Nakakainis. Nagtipa ako ng isasagot.
Me: ano ba tayoo?
Me: CHARET
Me: malapit naaa! stuck lang sa traffic
Louie: You're already late.
Louie: Ready your 100 push-ups.
Bumagsak ang mga balikat ko. 100?! Anlala talaga ng punishments kapag late. Nasabi na nila ito noong orientation at hindi ko alam na tototohanin nila!
Pagkababa ng bus ay dali-dali akong tumakbo papuntang practice room. Hindi ko na napansin ang mga estudyanteng bumabati sa'kin.
"Sorry, I'm late!" sabi ko with hingal factor pa! Nadatnan ko silang umiisang pasada. This time ay kasama na namin ang girls kaya mas masaya at mas marami kami ngayon.
"100 push-ups!" pang-aasar nila.
Wala na akong nagawa. Inismiran lang ako ni Louie. Nilapag ko na ang aking bag at nag-unat. I've never done a proper push-up my whole life!
Pumwesto na ako at sinimulan ito. Naloka ako nang sampo pa lang ay bagsak na ako. Narinig ko naman ang tawanan at asaran nila!
"Pwede curl-ups nalang?" tanong ko. Sana payagan!
"What do you say, guys?" tanong ni Louie.
"Yeah, pagbigyan mo na!" si Drei.
"Be kind for once, bro!" pang-aasar pa ni Yohan.
Sumang-ayon na rin ang iba naming ka-grupo. Thanks, guys! Nakatingin lang sa'kin si Louie. Sana may awa sa puso!
"Dapat push-ups pa rin. No special treatment," sabi pa ni Louie tapos ngumisi na naman!
Tinarayan ko na siya at pumwesto na sa pang-curl-ups. Mabuti at lumapit agad ang isang lalaki naming ka-miyembro para alalayan ang tuhod ko.
"Stop, ako na d'yan." Naloka ako nang paalisin ni Louie ang lalaki at siya ang pumalit dito. Napuno tuloy ng tuksuhan na naman!
Sa huli ay natapos na rin ang malagim kong parusa. Nag-water break lang ako habang nakikinig sa sinasabi si Louie sa lahat.
"The competition is coming. Tayong ang defending champion kaya mas galingan natin this year."
Tumango-tango ako. Nakakakaba! Kung last year ay taga-suporta lang ako, this year ay isa na ako sa lalaban. Ang annual dance league competition na ito ay sinasalihan ng iba't ibang prestigious schools kaya the pressure is ON!
"FIGHTING!" sigaw naming lahat at nagbalik na sa pag-practice. Kita sa pagsasayaw ng lahat ang pursigido at pasyon nila sa ginagawa. Nakakainspire nang malala!
Ilang oras din ang ginugugol namin sa pag-eensayo. Lahat ay nakakaramdam ng pagod pero patuloy pa rin ang energy at dedikasyon na binibigay.
"Wait, stop the music! I have a suggestion." Natigilan kami nang biglang sabihin 'yun ni Yohan.

BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrobs That Used To Be Us
RomantikDo you want to be like him or be with him? A question always comes to Saige Alijah Martinez's mind whenever he looks at the epitome of a campus heartthrob, Louie Vincent Francisco. It seems like he has it all. A perfect face, an undeniable charm, an...