Best of Luck pt. 2
♔♔♔♔
"Ate, sagot na po kayo, please!" Inabot ni Zoey ang research survey namin.
"Bakit? Ano po'ng tanong niyo?"
Napakamot g ulo si Zoey. "Ay, talaga ba, ate? May time tayo para makipagbiruan?"
"Sagot na po kayo, please!" Ako ang nagbigay ng papel.
Nanlaki ang mata niya nang makita ko."Saige! Sure, sure, sure! Akin 'yang lahat ng hawak mo at ako ang magpapasagot sa buong section namin!"
Very helpful naman pala si Ate!
Napasandal ako sa poste at hinampa nang mahina ang mukha gamit ang hawak na survey questionnaire, isa nalang ito dahil mabilis na naubos ang akin. Kasalukuyan kaming nakatambay sa gate at nag-aabang ng mga estudyanteng willing sumagot sa research survey namin. Tapos na kami sa pilot testing last week at ito na talaga 'yun, final na!
"Gosh, ikaw na kaya magpasagot Saige?" reklamo ni Aria. Tinignan ko ang mga papel na hawak niya, gusto-na gusot na ito!
Wala na akong magawa. Ilang oras na kami rito kaya ako na ang nagpresinta na magpasgot sa mga estudyante. Binigay na nila sa'kin ang mga natitira pang mga papel.
"Hello, pwede makahiram ng time niyo saglit? Need lang namin ng respondents!" Hinarang ko ang grupo ng mga babae.
Napangiti ako nang magtilian sila at magtawag pa ng iba. Naloka kami nang halos wala pang sampung minuto ay naubos na ito!
Agad kaming nagpunta ng library para ayusin ang mga napasagutan. Nakakapagod at nakakastress mag-research! Ayoko na! Napaka-gastos pa! Sa mga natirang hindi nasagutan ay pinairal na namin ang aming natapos na doctorate. CHARET!
Walang kaming pasok ngayon dahil Thursday, talagang sinadya lang namin na pumasok para sa research na ito! Nasa gano'n akong kalagayan nang tumunog ang phone ko.
"Ano? Uunahin pa ba 'yan?" pagtataray ni Zoey na pinigilan ang kamay kong kunin ang phone.
"Right, konting konsiderasyon naman sa grupo?" pagtataray rin ni Aria.
Nanlaki ang mga mata namin at sabay-sabay na nagtawanan.
"Andaming time para sa ganyan today?" pagbibiro ni Owen.
Kinuha ko na ang phone, hapon na pala. Binasa ko na kung sino ang nag-message.
Louie: Done with my meeting!
Louie: How about you?
Agad akong nagtipa ng isasagot.
Me: hindi paa huhuhu
Louie: Okay
Louie: I'll just wait for you in the park.
Me: sure ka? baka matagalan pa ako pwede ka naman mauna na
Louie: No, I'll wait for you. It's okay.
Pinusuan ko nalang ito at ipinagpatuloy ang ginagawa. Matapos ang aming mahabang pamamalagi na naman sa library ay evicted na kami nang tuluyan. CHARET! Tuluyan nang lumubog ang araw nang makalabas kami.
"Bye! Bukas nalang," paalam ko mga bakla.
Pagkarating ng mga paa ko sa park ay agad ko siyang hinanap. May ilang estudyante pa ang narito na karamihan ay magjowa. Hindi na natinag!
"Louie!" tawag ko nang makita siyang nakaupo.
"Hi!" nakita ko kung paano nagliwanag ang mukha niya nang makita ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/368140216-288-k875017.jpg)
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrobs That Used To Be Us
RomanceDo you want to be like him or be with him? A question always comes to Saige Alijah Martinez's mind whenever he looks at the epitome of a campus heartthrob, Louie Vincent Francisco. It seems like he has it all. A perfect face, an undeniable charm, an...