L meets Mami
♔♔♔♔
Habang nakatingin sa hawak na naman na isang rosas ay hindi ko maitago ang ngiti. Kakulay ito ang suot kong damit. Napatingin ako kay Louie. He's wearing his usual dark buttoned polo top and black pants. Kasalukuyan kaming sakay ng bus papuntang school.
Today is Wednesday, PPG lang ang class namin kaya mabilis lang na matatapos ang klasse ngayong araw. Nang makarating ng classroom ay matagal na lumipas ang oras sa discussion. Nakakailang tingin na yata ako sa aking phone para bantayan ang oras!
"Class dismissed." Pagkasabi no'n ni Sir ay nabuhayan na ako.
"Tara, uwi na agad tayo. Kapagod ang week na ito!" reklamo ni Zoey.
"Bye mga 'te! Una na kami ingat kayo!" paalam ko sa mga bakla at nagbeso.
"Tara?" nakangiting sabi ko kay Louie.
Kinuha niya ang aking bag at sinukbit ito sa balikat niya. "Let's go."
Pagkarating ng gate ay naloka ako sa siksikan ng mga estudyante! Nagsabay na naman ata ang lahat ng dismissal! Ipinagpatuloy lang namin ang paglalakad.
"Kalma po!" natatawang sabi ko dahil naipit na ako!
"'Yung bata naipit!" sigaw pa ng isang estudyante.
"Hey, careful!" sita ni Louie sa lalaki na bumangga sa'kin at inakbayan ako.
"Oh, sina Louie at Saige pala 'to!" naloka kami nang sabihin 'yon ng isang laalaking estudante,
"TABI! Dadaan sina Louie at Saige!"
"Ay, kuya, hindi na para! Ano kami mga presidente at bise?" pag-awat ko sa kanya.
HULI NA ANG LAHAT. NAKAKAHIYA! Kahit patuloy ang paglalakad ng mga estudyante ay nagbigay sila ng daan sa gitna para'min. Sa pagdaan tuloy namin ay mas lumakas ang sigawan at tuksuhan. Kalerks! KALERKS?!
Tuluyan na kaming nakarating sa sakayan at naghihintay ng bus na masasakayan. Traffic pa nga, tanghaling tapat!
"Ito, bus!" sabi ko at pinara.
"Jeep muna tayo papuntang mall. I can't meet your guardian empty handed," nakangiting sabi niya.
Natawa ako. "Hindi na! Okay lang 'yun!"
"Nope!" sabi niya at pumara ng jeep.
Wala na akong nagawa kundi ang sumakay. Pagkarating ng mall ay dumiretso kami sa isang Cake Shop. Ang mahal ng binili niya! Sunod kaming pumunta sa Flower Shop.
"What's her favorite flower?" tanong niya.
Napaisip ako. "Wala naman, kahit ano nalang."
Tumango siya at binili ang isang bouquet! Nakakaloka! Nang matapos ay naglakad na kami palabas.
"Gusto mo ako na magdala sa cake?" tanong ko dahil andami na niyang bitbit.
Umling siya. "Your presence is enough."
"Wow, para ka namang nag-attendance!" pagbibiro ko.
Agad din kaming nakasakay ng bus. Ang lagi naming sinasakyan ay 'yung galing ng Tagaytay dahil kapag galing Trece, trece-trece na rin ang bilang ng nakatayo!
"'Wag ka na magmano, ah! Bati nalang. Ayaw niya ng mano, alam mo na, nakakatanda raw!" chika ko. Nakaupo na kami ngayon at tinatahak na ang ginagawang kalsada ng Dasma.
Pansin ko ang tinginan ng ilan kay Louie pero unbothered naman ang lalaki! Tinatahak na namin ang kahabaan ng barangay.
"Kuya Ali!" Napangiti ako nang salubungin kami ng mga batang naglalaro sa kalsada at niyakap pa ako. Tropapips kami ng mga bagets!
![](https://img.wattpad.com/cover/368140216-288-k875017.jpg)
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrobs That Used To Be Us
Roman d'amourDo you want to be like him or be with him? A question always comes to Saige Alijah Martinez's mind whenever he looks at the epitome of a campus heartthrob, Louie Vincent Francisco. It seems like he has it all. A perfect face, an undeniable charm, an...