Chapter 4

2.1K 34 4
                                    


Autumn Leaves

♔♔♔

"Good Morning!"

Simula nang mapagtanto ko sa aking sarili na nahulog na ako kay Louie ay parang gusto ko na laging napapansin niya.

Sa nagdaan na linggo ay palagi ko siyang binabati. Nung una ay kumunot pa ang noo niya, sa pangalawang araw ay talagang bakas na ang pagkalito sa mukha niya, ngayon ay tila wala siyang narinig.

"Nagreview ka na para sa quiz?" tanong ko.

Ibinaling niya ang kanyang tingin sa'kin at ginalaw ang hawak na notebook na kanina niya pa binabasa.

"Okay, galingan mo!" sabi ko at naglabas na rin ng notebook para magreview.

"Pfft," rinig kong singhal niya.

At nakapagreview na nga ako, na-review ko ang mga drawings at random sulats na nasa notebook dahil wala naman akong notes ng lessons namin. Not Proud!

Naging maayos ang dalawang nagdaang subjects, more on discussions ang labanan kaya hindi ko mapigilang antukin. Hanggang sa dumating ang last subject na Philosophy.

"Okay, for your performance task, gagawa kayo ng poster related sa last topic, what makes you feel alive? Ito ay by group at ang inyong mga magkakagrupo ay mga katapat niyo na row. So, both left and right row one, kayo ang magkakagroup. Gano'n din sa following rows," paliwanag ni Sir.

Ibig sabihin, kaming mga bakla at ni Louie ay magkakagrupo at lima pa naming kaklase na katapat namin. Nilingon ko sila, maayos naman sila kagrupo kaya medyo nakaka-intimidate!

Napangiti ako, magkagrupo kami ni Louie! Ito ang unang pagkakataon na makakasama ko siya sa isang groupwork kaya abot langit na talaga ang kasiyahan ko!

"Class Dismissed." Pagka-sabi no'n ni Sir ay nagtayuan na ang karamihan at naghanda sa paglabas ng room.

"Guys, rampa us sa Hepa Lane!" suhestiyon ni Aria.

"Laban!" si Zoey.

"Gow!" si Owen.

"Tara-"

"Group two, meeting na tayo now para sa gagawin."

Natigilan ako nang biglang magsalita ang lalaking katabi ko. Kahit ang mga bakla ay bumagsak ang mga balikat!

Agad kaming nagtipon sa harap. Kami nalang na grupo ang tao sa room. Lahat kami ay nakapalibot kay Louie at nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Since next week na ang pasahan nito, I decided na gawin na natin kaagad this Thursday sa amin."

"Ay, desisyonavility!" bulong sa'kin ni Zoey.

"Wait, bro, I have a date niyan!" sabi ng isa naming ka-grupo na si Daniel

Lahat kami ay nilingon siya. Nakakaloka naman siya?! Uunahin pa talaga 'yan.

"Gago ka ba?" Kinotongan siya nang kaibigan niyang si Josh.

Sinamaan sila ng tingin ni Louie. Agad silang umayos at nagseryoso. Halos lahat naman kami ay sumang-ayon. Ipinaliwanag niya pa kung anong oras at saan magkikita.

"What about the materials?" tanong ni Owen.

"It's on me," tugon ni Louie.

Pagkatapos ng meeting ay agad na rin kaming nagsi-uwian. May duties na naman si Owen kaya hindi ko siya makakasabay. Pinauna ko na rin sina Zoey at Aria dahil gusto kong makasabay si Louie.

The Campus Heartthrobs That Used To Be UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon