Chapter 31

2.5K 24 17
                                    

Oh! Darling


"Ang ganda mo, 'Nak!" nakangiting sabi ni Mami habang nakatingin kami sa repleksyon ko sa salamin.

"Totoo, nako! Bagay na bagay sa'yo ang suit na napili natin!" sabi pa ni Tita Paula na kinakabit pa ang ilang pins na stars and crowns sa suit ko na nagbigay ng mas eleganteng dating dito.

"Thank you, Ma, Tita, for everything!" Sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko na sila napigilan pang yakapin.

"Dzai, nasa baba na ang lalaki mo!"

Napalingon kami kay Ruby na kakaakyat palang. Nasa taas kami ng salon ngayon dahil nagsara muna ngayong gabi para lang talaga ayusan ako. If that isn't mothers' love then I don't know what is. CHARET!

Tumayo na ako sa pagkakaupo at tiningnan muli ang aking sarili. Wala na akong masasabi pa kundi ang ganda ng maroonish dark red suit nato. Bumagay ang blazer na suot ko sa pagkahapit nito sa aking katawan. Muli kong inayos ang double breasted four buttons nito na talagang nagustuhan ko sa disenyo. Inayos ko rin ang itim na kwelyo ng polo na aking suot panloob. Inayos ko na rin ang taas ng trouser pants at ng black shoes ko.

"Ito na 'yun!" nakangiting sabi ko.

Naglakad na ako papalapit sa hagdanan. Dahan-dahan akong humakbang sa bawat baitang ng hagdan na mga sampo lang naman. Bumungad sa akin ang matamis na ngiti ni Louie at ang kanyang kamay na malugod kong tinanggap.

"You're a sight to see, darling. Wow."

Ngintian ko siya. "Pero mas nakakabighani kang pagmasdan."

'Yung gwapo niya ay mas ikakagwapo pa pala ngayon. Hindi ako makapaniwala sa kung gaano siya kaakit-akit pagmasdan ngayon sa suot niyang dark sage blue opened top suit at kakulay na belt sa kanyang trouser pants at turtleneck white top naman sa panloob nito.

"Gora na kami!" paalam ko.

"Thank you po! I'll take care of him, I promise."

"TEKA! Picturan ko pa kayo!" pagpigil sa'min ni Mami.

Pinagbigyan na namin si Mami. Ito 'yung mga simpleng bagay na lubos na nakakapagpasaya sa kanya. Kahit minsan sa bahay na wala ako sa mood sa tuwing itinatapat niya ang camera sa'kin ay sinusubukan kong hindi pangunahan ng inis at pilitin ang sarili na ngumiti para sa litrato niya.

Hindi ko kinaya nang pagkalabas ng salon ay nakita ko na ang kanyang kotse. Nakakaloka! Agad niya akong pinagbuksan ng pinto at inalalayan na makapasok.

"Sana sinabi mong magkokotse pala tayo para hindi ko na hinanda ang sarili ko na pagtinginan sa bus!" pagbibiro ko nang makapasok siya ng kotse.

Nagpicture-picture din ako habang nasa biyahe. Isinama ko pa si Louie na in na in din sa pagpose! Surprisingly, ambilis naming nakarating ng school. Nahirapan pa kami humanap ng paparadahan dahil halos lahat ay okupado na.

"Let's go, darling." Inalok niya ang kanyang kamay pagkabukas ng pinto ng kotse.

"THEY ARRIVED!" sigaw ng isang babae.

Papalapit sa banquet hall ay bumitiw na ako sa kanyang kamay para yapusin ang kanyang braso. Natigil ang atensyon ng lahat at naramdaman ko agad ang titig ng mga tao habang tinatahak namin ang red carpet entrance ng hall. Sinalubong kami ng naglalakasan na tilian ng mga tao. Nakakaloka!

"I'm voting Louie for Livington King, doon pa rin ako sa OG!"

"I'm all for Saige, I prefer his story from being nobody to everybody's prince more!"

The Campus Heartthrobs That Used To Be UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon