"Hey, okay ka lang?" Tanong ni North sa 'kin dahil napansin niya sigurong nakatulala at tahimik lang ako.
Andito kaming apat ngayon sa library, nag s-study para sa upcoming exam namin.
"O-okay lang ako." Utal na sabi ko at umayos sa pagkaka-upo.
"Sure ka? Kanina ka pa tulala eh."
"Okay lang ako, North. May iniisip lang." Ngumiti ako ng konti sakanya.
"Alam mo? Tatlong araw kanang ganyan, bakit ba ang tamlay mo at parang wala ka sa mood?" Sabi naman ni Maloi.
"Baka namimiss niya si Harvey. Ilang days na rin yun hindi nagpaparamdam eh." Sabi ni Sheena at inirapan ko naman siya.
"Tumahimik nga kayo." Wala sa mood na sabi ko.
"Baka naman si Stacey ang namimiss mo?" Sabi ni North and my heart suddenly skipped a beat.
"H-huh? Hindi ah, bakit ko naman yun mamimiss? Kaaway ko yun mga gaga." Umirap ulit ako.
Tatlong araw ko na siyang hindi nakikita. Tatlong araw na din akong ganito, ewan ko ba kung bakit. Atsaka bakit ko naman siya mamimiss?
"Si Harvey? Hindi mo miss?" Tanong ni Maloi.
"Ano ba, wag niyo nga akong e push sa lalaking yun. Kaya nga ako nabubully dahil sa lalaking yun eh, atsaka hindi ko naman yun gusto." Inis na sabi ko.
"Bakit ka nga gan'yan? Ang tahimik mo, wala sa mood, at matamlay." Sabi ni North.
"Ewan ko. Diko rin alam." Sagot ko naman. "Sige na, mag study na tayo." Ngumiti ako sakanila para hindi na sila mag salita pa.
To be honest, I don't know if masaya ba ako dahil wala nga si Stacey at tatlong araw na din akong nag-aaral na normal lang. Yung walang epal sa araw ko. Pero bakit ganito yung nararamdaman ko ngayon?
Bakit parang hinahanap ko yung presence niya kahit puro pambebwesit at pananakit lang naman yung ginagawa niya sa 'kin?
Do I really missed her? Namimiss ko ba talaga siya? Hindi naman siguro. Ayoko, duh. Nakakainis nga yung babaeng yun tapos mamimiss ko.
Sana hindi na siya bumalik pa. Sana hindi na mag cross yung landas naming dalawa. Sana naman Lord!
"Nagugutom ako." Napatingin naman kami kay Sheena.
"May dala akong biscuit, gusto mo?" Sabi ni Maloi.
"Gusto ko kumain ng rice na may ulam." Napakunot naman ako ng nuo dahil sa sinabi ni Shee. Hindi siguro to nag breakfast.
"Hindi ka nag breakfast 'no?" Sabi ko sakanya at ngumiti lang ang gaga.
"Masama ang mag skip ng breakfast." Seryosong sabi ni North.
"Kaya pala tumatawa ka na ikaw lang mag-isa." Sinapak naman ni Maloi si Sheena sa balikat niya. "Baliw!" Dagdag ni Maloi.
"Hindi ako baliw 'no, nag jo-joke lang yung utak ko kaya natatawa ako mag-isa." Natawa naman kami ni North sa sinabi ni Shee.
"Tama na nga 'yan, bibilhan nalang kita." Sabi ko. "May bibilhin din naman ako, isasabay ko nalang."
"Thank you, Jho! Ikaw talaga ang anghel sa buhay k—" Agad ko naman tinakpan ang bibig niya dahil nga andito kami ngayon sa library, bawal maingay.
"Ano ba, ang ingay mo." Kinurot ko siya sa tagiliran niya pero tumawa lang si gaga.
"Dyan lang kayo, babalik din agad ako." Ngiti ko sakanila at tumango lang din sila sa 'kin.
YOU ARE READING
Fall For You
FanfictionJhoanna Elise Dizon decided to study in crestwood university, which is her dream school since she was just an elementary student. She thought her student life there will be easy, not until she met Stacey Aubrey Gonzales.