Part 5

4 0 0
                                    


[Andi's POV]

Ivan's lips were so soft, its so gentle. It felt safe. Unti unti na syang napapapikit, nawawala na din ang pagpapalag nya kanina, nakakapanghina kasi.

That was the moment, he felt comforted. He felt safe. And all the tears na naipon, lahat ng luhang gustong gusto na nyang ilabas noon pa.

It seems that this kiss was the key to that dam inside of him. Naramdaman nya ang walang tigil na pag agos ng luha nya.

Ivan felt it too. He stop for awhile to look at him. He's crying. This is the very first time he sees him cry.

"Let it all out, Andi. I'm here." He said.

He just hugged Ivan and sob at his chest. It felt so good.

"I-I didn't passed the scholarship sa Harvard, kuya." He started.

"Di man lang nila ko binigyan ng chance. Kulang daw yung general average ko, pero bakit yung mga anak ng ibang mayayaman sa school, nakapasok."

"Ssssh, its okay. That Harvard scholarship doesn't define how amazing you are as a person, okay?" Ivan comforted, cupping both of his cheeks, wiping his tears away.

"Ayaw mo ba non? I can bring you with me sa Ateneo."

"G-gusto ko, pero diba sabi mo lalayo dapat ako?" Andi answered.

"You already know what will happen pag di ka lumayo diba?"

Did he mean, the kiss? Biglang namula ang pisngi nya.

"Come with me to Ateneo, Lucas."

"Pero, next year pa ko makakasunod." Nagulat sya sa sarili nang mapangiti na sya.

"Then, every weekend I will be here or you can come to Manila."

Tumango sya sa narinig, inihilig ulit ang ulo sa balikat nito at isiniksik ang mukha nya sa leeg ng kayakap. There something about Ivan that is so comforting. And he loves it.

[after a while...]

Nagising si Andi dahil sa sobrang kirot ng sentido nya. Inalala nya ang mga nangyari bago sya makatulog. Ivan stayed hanggang sa makatulog sya. After they... kissed.

He let his index finger traced his lips after remembering his first kiss, feeling a wave of butterflies on his stomach.

Napangiti sya. Na nawala din agad nang kumirot ulit yung sentido nya. He also feels hot. Bumangon sya sa kama upang kumuha ng tubig sa kusina. Umiikot na yung paningin nya. Sobrang lamig na din.

Anong oras na ba? Napatingin sya sa orasan. 1:30AM, wala naman siguro syang madadatnang iba sa kusina noh?

Subukan din nyang manghingi ng gamot kay Ate Rachel, napasama ata yung pagpapaulan nya.

Pagkalabas nya ng kwarto ay narinig pa nya ang tawanan nila Ivan at mga barkada nito. Nagtaka sya, asan na yung babae?

=================================================================

[Ivan's POV]

Napatigil ako sa paghalakhak nang makita si Andi na dahan dahang bumababa sa hagdan. Nagising ata sa ingay namin.

Bakit parang hirap itong bumaba? Ang putla din ng mukha.

Lumapit ako sakanya pagkababa nya ng hagdanan.

"Nagising ka ba sa ingay namin?" malambing kong tanong sa kanya.

"K-kuya..." tila hirap nyang tawag sakin. Naramdaman ko ang init nang katawan nya ng humawak sya sa braso ko. Kinapa ko ang noo nya.

BOOK 1 - Sa Ngalan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon