Part 20 - END

6 0 0
                                    

After 15 days...

[Andi's POV]

"Hoooy! Tinatanong kita." Inis na sigaw sakin ni Peter habang kumakaway sa mukha ko.

Sabado ngayon at kakatapos lang namin magpapirma ng clearance para sa second semester. Niyaya ko sya dito kasi gulong gulo na yung isip ko.

"Di ko nga magets bakit naghahanda kana para sa second semester dito eh aalis ka naman diba?" Dagdag tanong nya sakin.

"Peter, di pa ko nakakapagdesisyon. Saka kung ano man mapagdesisyunan ko, di ko alam pano sasabihin kay Ivan."

Nakatanggap kasi ako ng notice na pwede ako mag enroll sa Harvard ngayong susunod na semester. Full scholarship.

"Pero ano ba kasi yung pangarap mo diba? Kung ako sasabihin ko wag ka umalis kasi mamimiss kita ng sobra, pero alam ko matagal mo nang hinihintay yan eh." Bilin sakin ng kaibigan ko.

Napabuntong hininga ako, di ko na din alam ano na pangarap ko.

"Saka kung ako sayo, sabihin mo na kay Ivan yung tungkol dyan. Mahirap kapag sa iba nya pa nalaman."

Ilang araw na din kasi akong ilag sa kanya. Di ko alam pano sya kakausapin.

"Pag isipan mo din maigi bago ka magdesisyon, siguraduhin mong yung pipiliin mo, yun yung makakapagpasaya talaga sayo."

Pagkauwi ko sa condo, nakangiting mukha na agad ni Prince yung bumungad sakin. He stretched his arms kaya nagmamadali akong yumakap sa kanya.

"I miss you so much." Bulong nya sakin.

"Huh? Magkasama naman tayo lagi." Sagot ko sa kanya.

Kumalas sya sa pagkakayakap ko habang nakanguso.

"Eh kasi lately, parang nasa ibang mundo ka. May problema ba ang mahal ko?" Lambing nyang tanong sakin bago nagtungong halikan ako sa pisngi pababa sa leeg ko.

"Wala naman, baka kasi nastress nung finals." Sagot ko sakanya habang dahan dahan syang itinutulak palayo. Nagpaalam akong magbibihis saka pumasok sa kwarto ko.

Alam ko na kasi kung san papunta yung ginagawa nya. Kailangan ko munang makapag isip ng tama.

Naramdaman kong sumunod sya sakin habang nakanguso.

"Lucaaaaas, babyyyyy, ano na naman ginawa ko?" He whined while pouting.

Wala mahal ko, wala. Naguguluhan lang talaga ko ngayon.

Gusto kong sabihin sa kanya pero napipigilan ako.

"Ano ka ba, wala nga." Nakangiti kong sagot bago tumalikod para maghanap ng pambahay na masusuot.

"Hala, ayaw mo na ata sakin." Maktol na drama nya bago umupo sa study table ko.

Inisa isa nyang buklatin yung mga papel dun.

"I really admire how organized you are, love." He commented.

Nagtaka ko bakit bigla syang tumahimik.

Nagitla ako nang maalala kung ano yung nakalagay sa ibabaw ng study table ko.

Pagkalingon ko, huli na. Halos mawalan ng kulay yung mukha ko nang makitang nagtataka na syang nakatingin sakin.

Hawak na nya yung notice na natanggap ko galing Harvard.

Tapos na din nyang basahin.

"Aalis ka?" Takang tanong nya sakin. Kita mo na din yung lungkot sa mga mata nya.

BOOK 1 - Sa Ngalan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon