Part 9

5 0 0
                                    

[Andi's POV]

Abot ang tahip ng dibdib ko papasok ng mansyon. Bakit nakauwi sila? Sabi nya sakin kahapon, sobrang busy na daw nila.

Masaya ako na nandito sya, pero...

"...Now and at the hour of our death, AMEN."

Nakasampu na akong Hail Mary nang abutan sila Jake, Ralph, Raiven, Paolo at.....

"Kuya Calvin, andito ka din po pala." Bati ko habang nakangisi sya sakin.

"Andeng, mamaya na tayo magkamustahan, puntahan mo na yung isa don sa taas at walang makaakyat kahit sino samin." Natatawang utos nya sakin.

Nakangiti lang yung mga kaibigan nya sakin.

"Sige po kuya Calvin, asan po sya?"

"Gaming room." Sagot ni Paolo.

"Goodluck, Andi." sabi naman ni Raiven.

"Alay ka muna namin, sayo nakasalalay kung makakalaro kami tonight." Natatawang sabi ni Jake.

"Sige po, puntahan ko muna." Paalam ko sa kanila. Dumiretso muna ko sa kwarto ko para magbihis, maghahanap na din ako ng maiaalay na pagkain sa gaming room.

Naalala ko yung cupcake na may icing na masarap sa ref, kaya dali dali akong bumaba para kunin.

=================================

[Paolo's POV]

Pagkaalis ni Andi, di ko na napigilan na hindi batuhin ng unan ng sofa si Jake.

Sarap nya talaga kurutin ng nailcutter, kung napigilan man lang kasi nya yung tawa nya kanina, edi sana naglalaro na kami ngayon sa gaming room.

Sabagay, di ko naman sya masisisi. Cute cute kasi ni Ivan magselos, haha! Nung nalaman ko nga na may relasyon sila ni Andi, andaming "kaya pala" na nasagot. Pero masaya ko para sa kanilang dalawa.

Na sa sobrang saya, natatawa na kami kasi nakikita namin yung mga bagong sides ni Ivan. Hahaha! Kaya eto kami ngayon kasama si kuya Calvin, nag aabang. Itong si Jake kasi, di man lang pinigilan yung tawa gang sa pinakadulo.

Makakain nga muna. Ano kaya naluto ni manang Rachel, namiss ko din kasi ang mga pagkaing probinsya.

Maya maya pa, bumalik na sila Ralph at Raiven galing kusina, may dala dalang cupcake, ayown! Mukhang nagbake nanaman si Andi. Yun kasi pinakapaborito naming pagkain dito.

"Nga pala kuya Calvin, may hinahanap ka daw na diwata?" Tanong ni Ralph.

Sabay kanta naming tatlo, OH DIWATANG KAY GANDA, MAHIWAGANG MAHIKA."

"Gago, hindi diwata, engkanto daw sabi nila kuya Oliver." Pang aasar na dagdag ni Raiven kaya nagtawanan kami.

"I am not as moody as Ivan pero kaya ko kayong pag untuging tatlo." Sagot samin ni kuya Calvin.

Napapailing pa sya habang nangingiti.

"Pero oo, dalawang buwan na kong naghahanap. At mahahanap ko sya, okay?"

"Papatunayan ko kila Liam na di yun panaginip." Dagdag pa nya kaya napangiti pa kami lalo, naku may isang tinamaan nanaman sa lahi nila Ivan.

================================

[Andi's POV]

...ever this day, be at my side, to light and guide, to rule and guard. Amen."

Ayun! Go guardian angel, you will protect me right? Sambit ko sa sarili pagkatapat ko ng pintuan ng gaming room nya.

BOOK 1 - Sa Ngalan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon