Part 16

5 0 0
                                    

[Andi's POV]

Naku, ginabi na ko ng uwi. Grabeng trapik naman ito, sinabayan pa ng ulan. Baka nag aalala na si Ivan.

Napangiti ako nang maisip yun, tinignan ko kung may mga text na sya sakin pero wala pa namang notification sa cellphone ko.

Its been weeks after that yellow paint incident at masaya ako kasi kahit papano kinakausap nya ko. Di gaya nung una na para lang akong hangin.

Excited na ko makauwi kaya sinuong ko na yung ulan pagkababa ko ng taxi. Gusto ko kasi syang ipagluto at yayaing manood ng Together the Series.

Para na naman akong bagong ligo nang makalabas ako ng elevator papasok sa unit namin. Akmang pagbukas ko ng pinto nang matigilan ako kasi may nagtatawanan sa sala.

"Sige pag nanalo ako, ikaw magdedesign ng dream house ko Miss Casey Nicole Valencia." Masayang sabi ni Ivan sa kausap nya.

Dahan dahan akong naglakad papasok para makita kung sino yung kausap nya sa sala.

Nakakita ako ng isang prinsesa, ang ganda nya... ang haba ng buhok tapos ang kinis ng balat.

Tinignan ko yung sarili ko sa katapat kong salamin, walang wala ako sa kalingkingan nya. Mukha akong basang pusa.

"Sige ba, Prince. Pero pag nanalo ako, ikaw ililibre moko ng bahay pag yumaman ka pa lalo." Sagot nung babae.

"Tapusin mo na yang project na ginagawa natin, para makakain na tayo." Bilin pa ni Ivan dun sa babae.

Prince? Di sya nagagalit dun sa babae na tinatawag syang Prince? Sa sobrang saya nila, di man lang nila napansin na may ibang tao na dito.

Napatingin yung babae sa gawi ko nung nilapag ko yung gamit ko sa lamesa.

"Oh, hi, sino sya Prince?"

Tumingin din si Ivan sakin bago nagsalita.

"Oh, Andi, this is Casey, classmate ko sa isang subject." Pakilala ni Ivan sakin, wala akong paki Prince.

"Casey, si Andi.....

...my younger brother."

Parang tinutusok ng karayom yung puso ko sa inis. Ngayon ko lang naramdaman ito.

Nagseselos ba ko?

Dire-diretso akong naglakad papuntang kwarto ko kahit nagbibilin pa si Ivan na magpunas daw ako at magpalit ng damit.

Inis kong ibinagsak yung pinto pagkatapos kong makapasok. Hindi ako ito, ganto ba ko magselos?

Magsama kayong dalawa.

Pagkalipas ng ilang oras, di ako makatulog kaya nagpunta ko ng kusina.

Wala na sila, nagpaalam sakin na ihahatid daw nya kasi malakas ang ulan.

Edi shing? Tsk. Tinignan ko yung orasan at pasado ala una na.

Medyo sumasama na pakiramdam ko dahil sa ulan kanina kaya minabuti kong gumawa ng lemon juice.

Napagdesisyunan ko na manood nalang muna ng TV habang umiinom, di rin naman kasi ako makakatulog dahil sa inis na nararamdaman ko.

Naninibago ako sa nararamdaman ko, wala naman ginagawa yung babae sakin pero naiinis ako.

Ayoko mang aminin, nagseselos din ako.

Pero kasi ngayon, wala naman na kong karapatan diba?

Maya maya pa narinig ko na yung pagbukas ng pinto.

BOOK 1 - Sa Ngalan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon