Part 13

5 0 0
                                    

[Ralph's POV]

Ang sakit na ng balikat ko, dumaan pa kami sa lubak.

Sa susunod nga magdadala nalang ako ng sasakyan!

Nagtaka kami ng huminto yung sasakyan sa may tapat ng gate ng university. Sinundan ko yung tingin ni Ivan.

Oh, si Andi, naglalakad palabas. Kasama yung kaibigan nyang bet na bet ni Jake. Tatapatan na sana ni Ivan ng sasakyan nya ang mga ito, baka isasabay na nya pauwi.

How to be you po, Lucas? Pashare naman ng pakiramdam maupo sa passenger's seat.

Kaso punyeta, di pa man nakakaandar, bumukas na yung pinto sa passenger seat at may pumasok na impakta, este babae pala.

Si Chloe na naman, di ba nagsasawa toh?

Ito yung cheerleader sa campus eh, baliw na baliw kay Ivan. Ilang beses nang napapahiya, immune na ata.

"Get the fuck out." Rinig naming lahat na sabi ni Ivan, kaya pati kami napatahimik.

Pisti, bahala ka dyang babae ka, ginusto mo yan.

"Ivan please...bakit ba ayaw mo sakin?" makaawa nya, gagi ganda mo sana kaso ang cheap mo na tignan sa ginagawa mo.

"I will count 1-3, pag di ka pa bumaba, di ako magdadalawang isip na kaladkarin ka palabas ng kotse ko." Parang pati ako gusto nang bumaba sa narinig ko. Padabog na bumaba si Chloe ng kotse, himala, tinablan ng hiya.

============================================

[Andi's POV]

Pauwi na kami ni Peter nang may mapansin akong pamilyar na kotseng nakatigil sa likod namin.

Kotse ni Prince yun ah, maya maya pa may bumabang babae sa passenger's seat.

Ah, sya yung kumakausap kay Ivan kanina diba. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko, ambilis naman nyang mag move on.

Nahuli ako nung babaeng nakatingin sakanya kaya lumapit sya samin.

"Ikaw yung pasikat kanina diba?" Simula nyang sabi.

"I just want you to know that you look so pathetic earlier."

Hala? Inaano ko toh?

Sasagot sana ko kaso bigla syang itinulak ni Peter! Napasubsob yung babae sa gutter!

"Hoy babaeng mukhang pinagkaitan ng pagmamahal mula pagkabata, anong pathetic pathetic sinasabi mo ha?!"

"Ikaw nga tong mukhang inidoro!"

"Labay mo'y punitiin ko tay lupam ya alitdiwa?!"

(Gusto mo suntukin ko yang mukha mong pangit?!)

"Baoninam! Maampap! Baom ya abuti!"

(Pakisearch nalang, hahaha!)

========================================================================

[Andi's POV]

Napaantanda ako ng krus pagkarinig ng masasamang salita na namumulaklak sa bibig ng bestfriend ko.

Hinawakan ko na sya sa braso para pakalmahin. Ganito sya lagi, parang anghel pero pag ginalit mo o may umaway sakin, tawagin mo na yung pinakamalakas na guardian angel mo.

"Peter, tama na, halika na, bakit mo pa pinatulan." Yaya ko sa kanya habang hinihila sya paalis.

"What the heck! What kind of language is that?!" tili nung babae kay Peter. Ang tinis ng boses nya, pwede syang cheerleader.

BOOK 1 - Sa Ngalan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon