Part 12

4 0 0
                                    

[Andi's POV]

Andito na kami ngayon sa Manila, may lunch out kami with tita Alyana and tito King kasi flight na nila pabalik ng L.A mamayang gabi.

Hinihintay namin si Prince, kanina pa sya tinatawagan ni tito King. Nakaramdam ako ng lungkot kaya napatungo ako.

Naririnig ko yung pag uusap nila, halatang pinipilit lang nyang pumunta si Ivan.

"Kain na tayo, Andi." Yaya ni tita Alyana sakin. Tumango ako at nagsimulang sumubo kahit naramdaman ko na yung pagkawala ng gana ko kumain.

Nagsimula nila akong tanungin sa kursong kinuha ko. Alam nilang noon pa, pangarap ko na maging flight attendant, at mukhang excited na silang makita ako sa loob ng eroplano balang araw.

Sobrang swerte ko talaga na sila yung kumupkop sakin simula pagkabata.

Masaya kaming nagtatawanan nang mapahinto sila kasi may biglang umupo sa tabi ni tito King. Katapat ko.

I can't help but stare at him for a long time. Its my Prince. He looks so raggedly gorgeous kahit nakajersey pa sya panglaro at pawis na pawis.

He greeted his mom and dad while still keeping his signature bored look. He didn't even bother to throw a glance at me.

My heart really aches right now, realizing how much I missed him. He is now so close to me, yet so far. Parang ang layo nya sakin.

"Ganito ba talaga? Kung kailan, mahal na mahal mo na. Saka naman di mo na maabot."

"Like what you see?" Ivan asked sarcastically. Nagulat ako nang bigla syang magsalita, kaya napayuko ako.

His tone of voice. Its so cold. Ang sakit. Natahimik na ko nang magsimula silang magkwentuhan.

"Ikaw, Andi? Okay lang ba sayo na dun ka sa condo ni Prince?" Masayang tanong sakin ni tito King kaya napatigil ako sa pagnguya.

Oo nga pala, di ko nasabi na kay Peter ako tutuloy. Ready na nga syang salubungin ako after nitong lunch namin.

Inilapag ako muna ang kubyertos bago magsalita. "U-uhm, tito, tita, magpapaalam po sana pala ko, nakalimutan ko lang po banggitin sainyo kagabi." paninimula ko.

"...nag offer po kasi si Peter na sa kanya nalang ako tumuloy kasi mag isa lang sya sa condo nya...."

"...para daw po magkasama pa din kami."

Kita ko yung pag angat ng mukha ni Ivan para titigan ako habang nagsasalita. Oo, mahal, ginagawa ko 'to para di ka mahirapan makita ako araw araw.

Nagkatinginan muna sila tito at tita bago sumagot.

"Well, if thats what you want and okay din kay Peter, then we're fi--."

"No."

Sabay sabay kaming napatingin sa pinagmulan ng boses na yun.

Si Prince.

"Bakit naman hindi, Ivan Prince?" takang tanong ni tita Alyana. Pinunasan muna nya ng table napkin yung bibig nya bago tumingin sakin na parang walang gana at nagsalita.

"Well, mom and dad will be on L.A so I will be the one to oversee you, Andi." He said it coldly.

Where is the warmth there, mahal?

Andi? Bakit Andi? Bakit hindi Lucas? Malungkot kong sabi sa sarili.

"Pano kung magbulakbol lang kayo ni Peter?" dagdag pa nito.

"Sayang naman pagpapaaral sayo ng parents ko."

I bit my lower lip nang marinig iyon. Bakit ang sakit?

BOOK 1 - Sa Ngalan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon