CHAPTER V: A Diary of Heartbreaks

2 1 0
                                    

January 27, 2023

It's absurd admitting that you finally fall for someone because of the so called "jealousy". 

Now, I realized why it is a strong word that could make a person feels insecure and let you question your whole existence. Will let you question na bakit kasi siya pa?

After no communication sa christmas vacation namin, nabalitaan ko na lang noong pasukan na may jowa na si AJ... 

It was all started raw last December. And I didn't know anything about that. But I realized iniiwasan ko na pala siya noon.

Ang alam ko lang ay nagbakasyon ito sa Manila kasi nakikita ko mga stories niya sa FB. And I asked Ether about dyan and he told me, matagal na raw silang nag-uusap since December pa and naging sila na daw this January. Kaya pala noong pasukan, todo kwento sya sa room, at dahil malakas talaga boses niya, ay rinig na rinig talaga kahit malayo na siyang nagkukuwento.

I didn't know what to feel. After so many hints na binigay niya sa akin na akala ko gusto niya rin ako but I was wrong. Umasa lang pala ako. 

What do I expect ganun naman talaga palagi eh. Masyado akong madaling nahulog. Konting titigan lang, nadala na agad. Kahit alam naman na sa umpisa pa lang, never ito papatol sa akin. Konting act of service lang, umaasa na agad kahit alam namang kaibigan lang yung turing at wala ng hihigit pa dun.

Hindi ko rin siya maintindihan eh. Alam mo yung tipong may jowa na yung tao pero umaasa ka pa rin dahil sa mga  paasa niya sayo? Like what happened kanina.

Maingay sa room. Nagpapractice yung ibang kaklase ko na di pa tapos sa performance task sa PE. Nilagay lahat ng upuan sa gilid gilid para spacious sa gitna. Nakaupo ako noon sa tapat ng ceiling fan namin sa gilid habang nagrereview ng next subject namin kasi nagchat yung teacher namin na may quiz raw.

Naka-earphone ako noon habang nagsusulat, pero nagulat na lang ako ng nang biglang may kumalabit sa akin. Paglingon ko si AJ. Oo, iniiwasan ko siya pero sa paraang di niya mahahalata kaya kapag pwersa niya akong kakausapin, umaayon na lang ako and act like we're just friends.

"Bakit?" tanong kko rito habang inaalis yung wired earphone ko.

"Nagreereview ka?" tanong nito

Tumango naman ako at sinabing, "Oo, bakit?"

"Tara sa clubs' room, walang tao ngayon doon" saad nito

"Tapos ka na ba sa PE?" tanong ko rito habang nilingon mga kaklase kong nagpapractice

"Halla teh, oo ako nga pa nauna eh" sagot nito

"Ay, sorry ha" biro ko rito, "Sige, tara na lang"

Tumayo ako at inayos mga gamit ko habang siya naman ay nauna nang lumabas ng room at hinintay ako. Kinuha ko na lang yung notebook ko at ballpen at lumabas na rin. 

Naglakad kami pababa papuntang first floor ng STEM building kung nasaan yung office room ng mga school clubs. Nasa unang room lang ito kaya pagkababa namin ng hagdan, office room na agad.

Bubuksan na sana ni Aj kaso...

"Ay shet, ni-lock ata ni sir John" reaksiiyon nito habang pilit pa rin na ina unlock yung doorknob.

Pumunta naman ako sa bintana, para hanapin yung susi kasi doon lang yun iniiwan kapag.

"Wala dito yung susi" pag-iiling ko rito.

"Tara na lang sa science lab" suggestion nito

"Sige okay lang naman" sagot ko rito. 

Pumunta kami ng Science Lab, malapit lang ito, tabi ng HUMMS building. Pagdating namin doon ay walang maririnig na kahit anong ingay, dumiretso kami sa taas kasi for grade eleven lang sa baba. Pagpasok namin sa isang room, wala rin talagang tao. Pero nagulat na lang kami nang biglang bumukas yung office ng teacher doon. Andun pala si sir John kaya nag hi na lang kami. May kinuha lang ito sa isang lab cabinets at bumalik na siya sa office niya at nilock ito.

AlmostWhere stories live. Discover now