"but there's someone who wants to comeback"
My breathing stops at napatulala na lang ako bigla.
Ilang sandali lang ay di ko namamalayan may luha ng tumutulo sa pisngi ko. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malulungkot.
I tried to stop my tears by looking up. Nang hindi ko na kaya ay tatayo na sana ako nang...
Hinila niya ako paupo at sinandag niya ang ulo niya paharap sa balikat ko.
Huminga ako nang malalim at pinipigilan ko ang sarili kong umiyak.
"Ang daya mo, Aj..."
*****
Kinabukasan...
Nagising ako nang naramdaman kong may nakayakap sa akin. Paglingon ko...
Si Irish.
Epal talaga nito. Inalis ko ang kamay niya at dahan dahang bumangon. Nasa kabila ko rin pala si Jessa na katabi rin si Aj.
Bigla namang nag-flashback lahat ng mga nangyari kagabi. Potek.
Iba't ibang pwesto ang pagtulog nilang lahat dito sa sahig. Para tuloy naging evacuation ng mga pulubi tung room ni Kriizzy.
Pagtingin ko naman sa kama ay tatlong tao ang andun. Napa-iling na lang ako kasi ang liit nito para sa tatlo. Para silang mga buttered shrimps.
Ako palang ang nagigising kaya dahan dahan akong umalis sa pwesto ko. Dahil may mga katawang nakaharang sa paglabas ko sa pinto ay hinakba hakbangan ko na lang sila. Bahala sila diyan.
Pagkatapos kong gawin mga ritwal sa umaga, lumabas ako para magpahangin. Kitang kita ang sunrise rito kaya nakaka-uplifting kahit na sobrang down lifted ko kagabi. Umupo ako sa may upuan na pinag-iinuman nila kagabi and stared at the sunrise.
How funny it is huh?
That this scene won't match what I feel.
I feel numb again sa mga nangyari kagabi. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako naging masaya sa pag-amin niya. Until he said that last thing...
Huminga ako nang malalim and resisted my tears to come up. Tumingin na lang ako pataas at tinitigan ang langit.
"This will pass" I breathed
Tumagal ako sa ganoong posisyon nang biglang may narinig akong kumakanta sa videoke...
"Tulala lang sa'king kwarto~"
"at nagmumuni-muniii~"
Paglingon ko ay si Gab na nakatingin sa akin. Tinarayan ko na lang ito.
Nakita kong gising na rin ang iba at naki-upo na rin sa pwesto ko.
"Napala-early bird mo naman bading" saad ni Irish na mukhang magulo pa ang buhay dahil sa buhok nito at mukhang di pa naghihilamos.
Yung iba naman ay halos lahat may dala-dalang kape. Oo na hinahanp ko na naman Siya.
"HOOYY ALEJANDROOO! WAG KANG MAGSUKA RITO KINGINAMUKA!"
Paglingon namin sa sumigaw, nakita namin si Ether at Aj sa may veranda. May hawak na kape at pandesal si Ether at mukhang papunta sa na sana sa pwesto namin kaso biglang humarang si Aj at nagsusuka.
YOU ARE READING
Almost
Short StoryThere once was a girl fell into abyss of complicated feelings A case of "she fell first but he never fell" -Leira