CHAPTER IX

4 1 0
                                    

Does anyone also had the feeling of having the ability to read someone's emotion and interpreting it with your own perception? Yung tipo na nagkatitigan lang kayo, may higit isang daan nang definition sa utak mo tungkol dun. Like masasabi mo na lang 'ah may gustong sabihin sakin ito'

Iyan ang gumugulo sa utak ko ngayon . Oo, clear naman na sa akin yung sinabi ni Aj na wala talaga. Pero bakit iba itong nararamdaman kong pinapakita niya sa akin.

Katatapos lang ng event sa debut ni Krizzy. Ngayon, andito na kami sa bahay nila at nagkakaroon ng after-party. Halos lahat ng kaklase ko ay nagsi-inuman. Ako? Gustuhin ko mang magmukmok na lang sa kwarto ni Krizzy (kasi hindi naman ako umiinom), eh hindi ako pinapayagan ni Irish. Sinsabihan ba naman akong kj. Kaya eto ako ngayon, nasa gilid na lang ng inuman nila. Andito rin sa table namin si Aj. Nakaupo siya sa tapat ko.

As what I'm saying, ilang beses ko lang naman siyang nahuling nakatingin sa akin kanina sa event. Yeah ang cliché lang yun pero if you're in my situation, baka mag-ooverthink rin kayo. And it just feels awkward when he's near to me. Ewan, baka OA lang talaga ako.

"So Aj, maiba naman tayo, kamusta kayo ni ano, you know" biglaang tanong naman ni Jay-ar na tumungga ng alak pagkatapos magsalita which is magkatabi lang kami.

Napahinto agad ako sa pag-i-scroll sa phone ko nang narinig ko iyon. Lahat naman ay napahinto sa pagtatawanan at tumingin kay Aj.

"Truela, balita ko sa ex and whys mo may new na siya ulit"sabi naman  ni Ether habang kumukuha ng pulutan.

"Sheeeet bilis mo namang ipinagpalit" sumbat ni Irish na katabi ko rin. Siniko ko ito kasi ang insensitive magsalita at pinanlakihan ko lang siya ng mata

Napansin naman yun ni Aj at impit na tumawa, "Okay lang"

"Ayaw ko na lang magsalita, kung ano man yung nangyari I want to keep it private" ngiti nito at tumungga ulit ng alak. Hindi ko mabasa basa kung ano man ang nararamdaman niya.

"Don't worry dai, marami pa diyan"-Jessa na pumupulot ng pulutan

"Yeah, there's still so many fish in the fishpond" sabat naman ni Ether na ikinatawa ng lahat "Tama ba?"

"Sa'yo fishpond? Akin kanal, mga patay na kaya wala na akong mahuli huli" sagot ni Irish

"Poison ka kasi" sabat naman ni Jay-arx

Tumagal na ng kalahating oras ang inuman nila nang hindi ako masyadong umiimik. Napapansin kong halos lahat ay nagkakantyawan at nag-uusap-usap at ako ay tahimik lang dito sa upuan ko. Wala rin kase ako sa mood makipagplastikan eh.

Tumayo na ako at aalis na sana nang hindi umiimik para hindi nila mapansin kaso

"Ay may tumatakas oh" lingon agad ssa akin ni Jessa habang may hawak na baso. Nilingon naman ako ng ilan sa kanila.

Ngumiti ako ng pilit, "Uhm, mauna na ako magshower" palusot ko

"Mamaya na Lei, ang aga pa ha baka matulog ka na niyan after, knowing you" pagngingisi naman ni Ether. Pinanlakihan ko siya ng mata at binigyan ng kampihan-mo-kong-bakla-ka look

Magsasalita na rin sana si Irish kaso pinutol siya ni Aj.

"Hayaan niyo na, hindi naman siya umiinom eh" tingin sa akin nito. Nginitian ko na lang siya at agad ring umiwas ng tingin.

"Sorry guys, lowbat na talaga social bat ko" sabi ko sa kanila at ngumit ng pilit, 

"Wala rin naman akong maaambag na chismis sa inuman niyo eh" dagdag ko habang papaalis na sa pwesto ko.

"Hoy! Wag ka munang  matutulog ha, sinasabi ko sa'yo" sigaw ni Irish

Nilingon ko ito, "Sa tingin mo makakatulog ako?" sabi ko at tumingin sa videoke na pinagkakantahan ng mga ibang bisita ni Krizzy. Nakatapat rin kasi ito sa kwarto niya. Diba? So nice.

AlmostWhere stories live. Discover now