CHAPTER VIII

3 1 0
                                    

Tumagal nang 45 minutes ang byahe namin papunta sa bahay nila Krizzy. Paloob pa kasi ito sa baranggay nila at wala ring masyadong mga bahay. 

The whole ride of being beside with Aj was a bit "awkward". Well, I expected that. Para lang hindi kami mahalata ay nakikisabay na lang ako sa mga daldalan at tawanan nila, but we never spoke. Tinitingnan ko lang siya minsan to see some reaction from him.

And the truth? 

It hurts.

Seeing him like he doesn't care at all, na parang wala lang sa kaniya yung pag amin ko. I don't know if that's for good-kase atleast tinuturing niya pa rin akong kaibigan di ba? Or no-kase it just means there will never be "us"


But I can't blame him. 

I should not.


"Guys! You can do whatever you want muna, 4 pm pa naman magsisimula ung event" Krizzy said nung buksan niya ang pinto ng kwarto niya. 

Puno na raw ang ibang guest room kaya, dito na lang kami pinunta ni Krizzy. Malawak naman parang isang classroom nga eh kaya tingin ko kasyang-kasya kaming lahat. Iilan lang rin kasi kaming natuloy. Halos kaming circle lang at mga iba pang kaklase namin na close ni Krizzy ang pumunta. Mga asa bente rin.

"May sapa ba kayo dito, Kriz?" -Irish na nakahiga sa bed kasama ko. 

"Wala, pero fish pond meron" sagot ni Krizzy habang may kinukuha sa cabinet niya.

"Halla, bagay ka dun Ether"-biro ni Irish kay Ether na nakaupo sa sahig habang nagse-cellphone.

Lumingon si Ether sa pwesto namin at tinarayan kami, "Wag niyo ako mabiro-biro at badtrip ako"

Nagkatinginan naman kami ni Irish, at pinipigilan matawa. 

Kaming apat pa lang ang pumasok rito. Yung iba ay nasa labas naghahanap ng signal. Meron namang wifi sila Kriz kaso exceed na kasi may mga iba pa silang bisita. Yan ang kinabibwisitan ng mga bading kanina pa mula nung pagkarating namin. Sila lang, kase wala naman akong pake, wala namang importante sa socmed ko. And mas prefer ko rin kase nag ganitong vibe, no cellphone but with nature.

"Lei, tara don" siko sakin ni Irish

"Ayoko, tinatamad ako" sagot ko rito habang nakahiga at nakatulala sa ceiling.

"Eto naman eh, ngayon ngayon ka na nga lang pinaoayagan maglakwatsa, di mo pa sulitin" sabi nito na agad umupo.

Tumalikod ako rito at nagkunwaring matutulog. 

Ilang sandali lang ay agad akong nakaramdam ng pagbato ng unan sa mukha ko.

"Boring mo dzai!" sigaw ni Irish na narinig kong papalayo at lumabas na ng kuwarto. 

Sumunod rin ang ibang yapak papalabas.

"Hoii! Di ka talaga sasama?!" rinig kong sigaw ni Ether

Sinilip ko naman ito sa binatong unan ni Irish, nasa pintuan ito at hawak hawak nia yung doorknob na mukhang isasarado na.

"No, inaantok ako" sagot ko rito

"Owkeyy" sabi nito at agad na ring sinara ang pinto.

I breath heavily and sat up. This is what I want. Silence.

I looked around dito sa kwarto ni Krizzy. Kung gaano kalawak itong kwarto niya ganoon namang kaliit itong bed niya. Good for one lang tlga ito. Kaya ang lawak sa sahig na paghihigaan namin mamaya. Baka inalis lang nila mga ibang gamit.

AlmostWhere stories live. Discover now