2

4K 15 0
                                        

"Napano yang pasa mo?"

"Nabunggo," kaswal na sagot ni Suadela na di man lang tinapunan ng tingin ang katabi niyang si Janis. Co-department at classmate niya.

From her phone, Suadela looked at the bluish mark on her right arm. She got it from that day...

Nagmamadaling sinuot ni Suadela ang damit niya habang patakbo namang tinungo ni Castor ang banyo bitbit ang mga damit nito. Nang makita niyang may Lysol sa rack malapit sa divan ay nagmamadali niya iyong nilapitan.

"Shit!" tumama pa ang braso niya sa kung saan sa pagmamadali pero binalewala lang niya iyon at kinuha ang air freshener. Dalawang wisik ang ginawa niya paitaas at ng makuntento ay huminga ng malalim.

Di na amoy kababalaghan.

"Nandito ka na pala," bungad ni Evangeline, ang mommy niya, na may mga dalang grocery.

"Karating lang, My," she kissed on her cheek.

"Good evening po," mabait na tonong bati ni Castor na papalapit sa mag-ina. Nagmano ito sa bagong dating na ginang.

Suadela smirked at the sight. Santo ha. Parang kanina lang ay hindi siya pinaspas.

"Andito ka pala," nakangiting bati ng mommy niya. Kilala nito si Castor dahil ilang beses na din nakapunta sa bahay nila ang binata.

"Opo pero pauwi na rin po ko."

"Aba, bakit di ka pa dito maghapunan?"

"Busog yan, My," singit niya. "Kakain mo lang, diba?" makahulugang baling niya kay Castor.

"Opo. Busog nga po ako. Kakain ko lang po halos," nangingiting pakikiayon ni Castor na inirapan lang niya.

Totoo namang kumain ito. Luto ni Lord na hindi nauubos.

"Ah, ganun ba? Sige, mag-ingat ka sa pag uwi ha," at nagtuloy na ang mommy niya sa kusina.

"Mukhang masakit," si Janis at naiiling na nagpatuloy sa paglalaro sa cellphone nito.

Suadela pulled down her long sleeves. Earlier, she unconsciously rolled them up because it was hot outside. Galing pa sila sa kabilang building dahil doon ang Taxation class nila at andito sila ngayon sa library para magpalipas ng oras bago ang sunod nilang klase. Susunod din ang iba nilang co-major at kakain lang daw sandali. Nauna lang silang dalawa ni Janis dahil di naman sila nagugutom at gusto na rin malamigan ng huli.

Suadela looked at her phone for the nth time.

May dadaanan lang ako bago pumasok muah!

That was Castor's message an hour ago. Hindi ito nakapasok sa Taxation class nila. Hindi siya mapalagay pero di naman niya ito pwedeng tawagan at itext dahil hindi safe hour. Isa pa, baka may nangyari nanaman kaya wala pa ito.

"Malapit na raw si Nea" sabi ni Janis habang busy sa pagtipa sa hawak na phone.

"Sabi niya hindi siya papasok." She leaned on her. Nakibasa sa tinetext nito.

"Nakautang daw siya ng pamasahe."

Napasandal siya sa upuan at muling tsinek ang phone na hawak.

SUADELA | (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon