Chapter 10

14.2K 168 5
                                    

Chapter 10


"PAGTITIPON?" Tanong ko kay xander Habang nasa sasakyan kaming dalawa at ibalita niyang may magaganap na pagtitipon sa kompaniya niya mamayang gabi. At ayon sa kaniya, requested yun ng tito vito niya at kailangan ko ring pumunta.

"Bakit kailangan kasama pa ako?"

"Of course, kailang andun ka." Aniya at sinulyapan ako ng may ngiti. Pero bakit ganun? Parang kinakabahan ako na hindi ko maintindihan?

Simula ng sabihin sa akin ni miguel na kailangan kong mag ingat sa uncle vito ni xander, may takot na agad akong naramdaman.

"Debbie?" Pumatong ang isang kamay niya sa hita ko at marahang humimas dun. "May problema ba? Ayaw mo bang sumama?"

"H-ha? H-hindi. Iniisip ko lang, wala akong masusuot na pang party. Pwede bang naka t-shirt saka pantalon?" Pagdadahilan ko.

Bumungisngia siya. "We're gonna buy your clothes. Ako ng bahala dun at wag mo ng isipin."

"Sigurado ka? Tanungin mo muna sa tito mo baka pwedeng casual para hindi ka na gumastos."

Bahagyang lumakas ang tawa niya. "No. I want you to be the most stunning woman. Hindi naman ako papayag na casual lang ang isusuot mo." Aniya.

Hindi na ako muling nagprotesta dahil alam ko naman na kahit anong pilit ko ay ipipilit din niya ang gusto. Sa maikling sandali nakakasama ko si xander ay unti unti ko na rin siyang nakakabisado.

Mayamaya lang ay Huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng isang kilalang boutique. Nang sabihin niyang duon kami mamimili ng isusuot ko para sa party.

Pagkababa ng kotse sabay kaming pumasok sa shop. Pulos magaganda at mukhang mamahalin ang mga kasuotang naka display sa mga stante. Ngunit marami-rami ring mga tao ang bumibili.

"Kuya xander!"

Isang matangkad at maputing babae ang lumapit sa amin. Especially, kay xander. Maganda siya at mukhang may lahing dahil sa chinita nitong mga mata. Pero kuya ang itinawag niya kay xander.

Alam kong walang kapatid si xander. At mas lalong hindi sila magkamukha.

"Mirae. Buti nalang at naabutan ka namin dito."

"Himala yata at naligaw ka sa boutique ko?" Biro nito kay xander. Ngunit agad din niyang napansin ang prisensya ko. "Oh, you're with someone. Who is she? Girlfriend mo?" Nakangiting tanong niya kay xander.

"Yes. Her name is debbie. Babe this is mirae. She own this shop and she's cliden's Younger sister. remember cliden?"

Sandali akong nagisip, hanggang sa unti unti ay naalala ko na. Bahagya pa akong nagulat. Nang malamang kapatid siya ng artistang si cliden. Magkamukha nga sila.

"Ah, oo. Naalala ko na. Hi. I'm debbie." Sabay lahad ko ng kamay.

"Mirae." Aniya at tinanggap din ang pakikipag kamay sa akin. Napansin ko naman ang kakaibang ngiti niya sa labi. "So, you're gonna buy a clothes?"

"Yeah. For a gathering."

"Tamang tama, may mga kararating lang na bagong design na damit. Come."

🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon