04

38 4 0
                                    

Bro Code

Hinintay kong matapos ang klase ko at dumiretso sa kabilang building kung nasaan ang dance studio. Napag-usapan kasi namin ni shade na after class nalang kami magkita and gusto niya pa talaga hintayin ko siya.

Naglakad na ko papunta sa dance studio at sumilip para sipatin kung may pamilyar ba kong nakikita. Mga ilang segundo lang nang paghahanap ay nahagip na agad ng mga mata ko ang mukha niya.

He was wearing his casual look, his street-style look as a dancer. He was smiling in front of the mirror while a few dancers were also dancing with him.

He was flawlessly killing all the moves kahit alam kong hindi ko naririnig yung kanta sa loob. Ang mga hikaw niya nagniningning ay dumadagdag sa charisma niya.

Mga ilang segundo akong babad na panoorin siya ng katukin ako ng nasa loob at nagtataka bakit andoon ako. Itinuro ko naman si shade para malaman niya na siya ang pakay ko.

She was calling shade, and I put my gaze outside para hindi niya mahalata na hinihintay ko siya. Tumigil naman sila sa pag-sasayaw at ang iba naman ay na upo sa pagod.

"Pasok ka raw po" the girl slips her head outside and I nodded and came inside.

Nagsimula ng pumutok ang musika sa paligid kapag pasok ko. Nagtutunugan naman ang mga kumikiskis na sapatos sa lapag at mga iba sa kanila ay may kanya-kanyang ginagawa para kabisaduhin ang mga steps nila.

"Kaya pala kanina ka pa naka-ngiti ah?" asar ng lalaki at siniko si shade sa tagiliran, marahan naman tinulak ni shade ang likod ng lalaking 'yun habang humahalakhak pa.

Itinuro naman ng babae kung saan ako pwedeng umupo. Tinanguan ko naman at sinimulan pumunta sa mga nakapalibot na bags at mga bakanteng upuan.

Pansin na pansin ko ang mga matang nakatitig sa akin. Ni hindi ko naman nilingon si shade na tinitignan ang bawat galaw ko.

Well, we do not have a choice, rain. You need to man up!

Kahit gusto ko naman umalis pero hindi pwede! Kailangan may makuha ako sa kanya.

He was coming to where I was seated at nakangisi pa ang loko habang papunta kung na saan ako naroroon. The hell, why he's smiling? Hindi ako makikipagbati sayo no!

"Hey..." tango niya at kinuha ang tumbler sa katabing upuan ko.

"Ayoko mag pa tagal, mabilis lang naman tayo mag-uusap" I told him directly while I crouched on my parted thighs and never glancing him.

Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya ng mapansin ko ilang segundo rin siyang hindi nakasagot. He was drinking habang ang tingin ay na sa akin parin. Mabilis kong inalis ang mga mata ko at sinalikop ang mga kamay.

"Is this a serious matter?" he asked softly while putting his tumbler down.

"Basta" sagot ko ng hindi siya nilingon.

"Then wait for me" he runs to the center as his co-dancers ask him to come. Sinundan ko naman siya ng tingin while I lean back on my chair and folded my arms.

Kita ko naman ang sarili ko sa malaking salamin sa likod nila. Napansin ko na binulungan niya ang isa niyang kasama at tumango ito. Nagsalubong ang kilay ko ng nilingon niya ko saglit at bumaling ang mga mata sa salamin.

They play the music and as the intro starts I know that song is familiar. It was Popular by The weeknd.

Nagsimula ng pumutok ang upbeat na music. Nagsisimula palang sila but you can see the hype of the dancers. Pero kumpara lahat sa kanila si shade talaga ang nangingibabaw.

My Love Written Among the Stars (Under The Stars Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon