✧ Dodge the bullet
Dumating ang lunes at napag-pasiyahan namin na sasakyan ko nalang ang gamitin papuntang condo ko.
Ayaw din kasi ni tita lylia na pagamitin na ng sasakyan si shade, dahil kung ano ang nangyayari sa kanya.
Kaya naman na okay lang sa akin na sasakyan nalang ang gamitin ko.
Nang makarating kami sa condo ay agad ko sa kanya itinuro ang pag-stay-an niya. Tinanggal ko muna ang mga gamit na nakatambak sa isang kwarto para malagay niya ang gamit niya.
"May bedsheet pa ko dito, gamitin mo nalang" aniya ko at binigay rin ang mga pillow cases.
"Thanks" kuha niya "Ayaw mo ba tabi tayo sa kama?" bulong niya pero narinig ko 'yun
"Ha?"
"Ha" lingon niya. "Wala! Sabi ko, salamat nga pala" dagdag niya.
Nagsalubong ang kilay ko at dumiretso na ko pumunta ng kwarto para ayusin naman ang gamit ko.
Rain: Goodluck sa midterms mo, I'll be waiting for you
Zoey: Thanks. Saan mo pala balak magkita?
Rain: You can choose wherever you want?
Zoey: Okay! See you sa saturday :) Kita nalang tayo sa BGC?
Rain: Okay. I'll be there :)
Mga ilang oras ako nakipag-chat muna kay zoey at naalala ko na may pasok na pala bukas.
Damn, nakalimutan ko pala magpa-laundry halos wala na ko masu-suot nito. Kinuha ko ang plastic atsaka inilagay lahat ng mga marurumi kong damit.
Lumabas ako at sinipat si shade pero wala na siya sa living room at wala rin siya sa kuwarto niya. Saan kaya nagpunta na naman 'yun?
Yayain ko pa naman sana kung gusto niya sumabay.
Hi-nit ko na ang elevator para magpa-laundry sa baba. May masusuot pa naman ako pero hanggang dalawang araw nalang, mas maganda kasi na as early as possible ay mapalaba ko na, kaysa wala ako masuot.
Umakyat na ko ng ibinigay ko na ang lahat ng laundry ko sa shop. Pagpasok ko ng condo ay nakita ko ang slippers ni shade.
Mukhang nandito na siya. Sinilip ko siya sa kuwarto pero wala siya, occupied naman ang banyo kaya feeling ko naliligo siya.
Saan naman nagpunta 'to? dumiretso ako sa fridge at nagulantang ako sa dami ng groceries sa loob.
Nag grocery siya? Agad agad?
Narinig kong may lumabas na ng banyo at natigil siya nung nakita niyang ini-scan ko ang fridge.
He's top body is fully showned and the scent of his shower gel starting to lingers inside my nose.
"Nag g-grocery ka?" I ask him.
"Yeah, nakita ko kasi walang laman ang ref" he shrugs "And besides nakita ko puro canned foods nalang yata ang kinakain mo" aniya
I scratch my nape. Baka nakita niya ang mga lata sa basurahan at sa mga lagayan.
Hindi na rin kasi talaga ko nagluluto to be honest, I don't feel cooking anymore."Thanks by the way" licking my lips "Babayaran ko nalang ang hati ko" aniya ko
"No. It's on me" he answered gently.
"Pero-"
"It's my way of repaying you for letting me stay here."
He looked at me that I should agreed for his reason. Natigilan ako sa sinabi niya at tumango nalang. Tumango siya pabalik at pumasok na ng kuwarto.
BINABASA MO ANG
My Love Written Among the Stars (Under The Stars Series #1)
Romance"Ang pagmamahal ko ay naka-ukit sa mga bituin ✧" (BL Story) Heartbreaks. Stars. Smiles. Isa lang ang gusto ni Rain, ang makipag-balikan sa kanyang ex-girlfriend. Habang sinusubukan ang pag move on, hindi niya inaasahang magkaroon siya ulit ng kone...