✧ Care
Sa araw ng sabado ay hinatid ako ni Shade sa kabilang building pagtapos ng exam niya.
Hindi pa siya nag-patinag at binantayan niya talaga kami hanggang sa matapos ang audition.
"Bati na ba kayo ng pet peeve mo?" bulong ni marché sa tabi ko ng nakalabas na kami audition.
Nasa likod lang namin si shade at ang tingin ay diretso lang sa amin.
"Ano ka ba? Diba nga nanghingi nga ko sa kanya ng tulong para makapasok tayo" bulong ko at linilingon lingon ko pa ang nasa likod.
"Eh kasi? Parang bantay sarado sayo?" Lingat niya "Tsaka pati 'pag CR mo kasama siya?"
Siniko ko nalang siya at naghiwalay na kami ng landas. Pinasadahan niya ng tingin si shade at nag wave na paalis.
Lumingon ako at tinanguan siya.
"Sabay na tayo uwi?" udyok ko tutal dala ko naman ang sasakyan ko.
He came close to me. His scent starting to linger inside my nose. His eyes started to magnetise me.
"Sure? But..." Lumebel siya sa akin at tinignan ako ng makahulugan.
"Can we go somewhere?"
I raise my eyebrows. Saan naman 'yan?
"Ako na bahala sa gas" aniya ng papunta na kami sa Intramuros. Isinandal niya ang likod sa upuan at ginamit ang dalawang kamay para isandal ang ulo niya.
Nasa sasakyan na kami at hapon na. Balak niya na mag lunch nalang kami sa bayleaf sky deck view. Pumayag naman ako since sinamahan niya kami mag audition.
Kaya quits lang no? na sasamahan ko lang din siya?
"Ako na" matipid ko siyang nginitian "Pinasok mo naman kami sa audition"
He also smiles at me and turn his attention to the road.
Nang makarating kami sa lugar ay medyo pa gabi na ng dahil sa mahabang traffic. Umorder na ako ng makakain at gano'n din siya. Balak ko rin itong bayaran dahil sa pagtulong niya sa amin.
Lalo na lagi nalang siya nagluluto sa bahay, atsaka tulong ko na rin sa kanya ito no? Halos siya na lahat ang gumastos ng necessity sa condo.
Minsan nagugulat nalang ako, pag gising ko may bago ng sabon, toothpaste at mga iba pang condiments sa condo.
"Ako na" sambit ko at agad kong kinuha ang bill namin sa waiter.
"It's on me" lahad niya ng kamay "Ako naman nagyaya e"
"Ako na, atsaka ang tagal mo ng nagluluto sa condo e" layo ko sa kanya "Sige ka? Papalayasin kita sa condo ko?" mapanukso ko siyang nginitian.
He nodded. Aprubado niya pero parang pilit.
Wala naman siyang nagawa at hinayaan nalang ako. Isinilid ko na ang bayad atsaka ibinigay sa waiter.
Nang ini-abot ko ang bayad ay napansin ko na wala na siya sa harapan ko. Nag-palinga ako at nahagip ko kaagad na nasa barandilya siya.
Nagtama ang sinag ng kahel na araw sa kanyang mukha. Ang mga hibla ng buhok niya ay dahan dahan na sumasabay sa hawi ng hangin.
Binasa ko ang labi ko at dahan dahan pumunta sa kinaroroonan niya. Ipinatong ko rin ang mga kamay gaya ng posisyon niya.
Ang ganda.
The timing is so good.
Buti nalang dumating kami dito kung kailan palubog na ang araw.
BINABASA MO ANG
My Love Written Among the Stars (Under The Stars Series #1)
Romance"Ang pagmamahal ko ay naka-ukit sa mga bituin ✧" (BL Story) Heartbreaks. Stars. Smiles. Isa lang ang gusto ni Rain, ang makipag-balikan sa kanyang ex-girlfriend. Habang sinusubukan ang pag move on, hindi niya inaasahang magkaroon siya ulit ng kone...