12

29 3 3
                                    

Sanity

Rain: Busy?

Zoey: Nag re-review lang, malapit na midterms eh :)

Napalunok ako sa mabilis niyang pag reply

Rain: Review well :)

Mga ilang segundo lang ay nag reply na ulit siya pero hindi ko na ito na buksan dahil na agaw ng atensyon ko sa taong nasa labas.

"Rain" katok ni mommy.

Pinatay ko naman ang phone ko at agad na tumayo para buksan ang pintuan.

"Nak, kakantahan na natin daddy mo. Mag bihis ka na diyan" patuloy na siyang bumaba habang naririnig ko paang boses niya "Kakain na rin!" dagdag pa niya.

Kinuha ko ang hinubad kong shirt at agad itong sinoot. Sinoot ko rin naman ang sandals ko para mag mukha naman akong ka aya-aya sa mga bisita.

Inayos ko pababa ang buhok sa may noo ko para mag mukha parin akong pogi kahit simple lang ang porma.

Kumaripas ako sa pag baba at nakita ko na nagsisimula na silang kantahan si daddy.

"Happy Birthday to you!" kanta ng lahat.

Nakisabay na ko sa pagpapalak-pak at nakiki-kanta.

Sinindihan ng aking auntie ang cake na binili ko kay dad. Dahan dahan naman lumapit si mommy kay daddy na nakangiti at pabalik balik ang tingin sa cake. Nagbabakasaling mamatay ang kandila

"Before you blow your cake, mag wish ka muna" aniya ni mommy na inilapit ang cake kay dad.

"Bakit kailangan ko pang mag wish kung andito ka na" aniya ni daddy. "Yieeee!" Sabayan naman nag hiyawan ang lahat.

I shake my head.

Alam ko talaga kung saan ako nag mana ng ka-kornihan eh. Tapos yung pagiging loverboy.

Nagsimula na ang kainan at halos parami na rin ng parami ang mga mga tao. Pumwesto ako sa tabi ni mommy, pagkatapos tulungan ang mga bisita. Nakinig naman ako sa usapan nila at ni tita lylia.

"Nako mare, ito nga si shade buti sumama na ngayon" siniko ng marahan ni shade ang mommy niya at pinasadahan ako ng tingin.

"Nagulat nga ko mas maaga pa siyang nagising samin kanina" dagdag pa ng mommy niya.

Napa-ubo si shade at nag tinginan kami nila mommy. Agad ini-abot ng mommy niya ang tubig sa kanya at iniwas ulit ang tingin sa akin.

I lick my lips, and turn my attention to my nephews. Ang isa kong pamangkin na si alex ay kumandong sa akin habang naglalaro sa kanyang ipad.

"Nako, ang cute naman ng baby na ito" lapit ni tita lylia habang kinukurot pa ang pisngi ni alex "Parang kayo lang nung mga bata pa kayo" turo sa amin ni shade.

"Ang bilis na nga nila lumaki lylia" aniya ni mommy habang umiinom ng juice.

"Thats true mare! Itong si shade hindi ko na mayaya, busy na kaka-party" tapik ni tita lylia

"Mom, come on" shade scratch his nape, medyo nahihiya siya sa mga sinasabi ni tita.

Ang atensyon ay sa nilalaro ng pamangkin ko pero ang tainga ko ay nakikinig lang sa pag uusap nila.

"Nako lylia ito rin si rain, every holidays and birthdays nalang na punta rito. Dahil busy na rin sa kanya pag-aaral" umiling si mommy.

"Nag dorm na ba itong si rain?" tanong ni tita.

"Condo lylia, dahil hassle nga naman kung araw araw siyang nagb-byahe" aniya ni mommy. "Kaya nag decide ang dad niya mag stay nalang siya sa condo malapit sa Makati"

My Love Written Among the Stars (Under The Stars Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon