Chapter 4

432 7 0
                                    

NAGYAYA si Leo na sa terrace na lang nila ituloy ang pagkakape. Umupo si Charizze sa kaibayo niya, paharap sa liwanag ng ilaw. Iwas na iwas siya na mapadako ang tingin sa dibdib nito, ngunit paminsan-minsan, lihim pa rin siyang napapasulyap. Hindi naman ito napapansin ni Charizze.

Hindi niya malaman kung tomboy o tunay na babae ito. Naakit siyang tingnan ang tayung-tayong dibdib nito—hindi gaanong malaki, ngunit halatang sariwang-sariwa pa rin. Napalunok siya.

"Napagod ka nang husto kanina, ah. Kalapit-lapit lang naman. Saka ang putla-putla mo," kantiyaw niyang binuntutan ng tawa.

"'Di ba't sabi ko sa iyo, kanina lang ako humawak ng Pajero? Owner lang iyong dating minamaneho ko. Pero kapag nasanay ako, tiyak... tatayo pati balahibo mo sa batok."

"Ows?" Ayaw niyang maniwala.

Tinanggap nito ang hamon. "Okay. Bigyan mo ako ng isang linggo para masanay nang husto."

"Approved!" Nakipag-appear pa siya. "Pagka-hatid mo sa akin sa school bukas, you can drive around para masanay ka."

"Teka... paano kung may mangyari sa iyo habang wala ako?"

"Huwag ka ngang tumulad sa nanay ko. Nakakahiya. Ang laki-laki ko na, ikinuha pa ako ng baby-sitter. Ano'ng mangyayari sa akin sa loob ng campus?"

"Pero, Leo, binabayaran ako ng nanay mo para bantayan ka. Para makatiyak na walang mangyayari sa iyo."

"Miss Tough Guy, I can very well take care of myself!" Iritado na siya.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Naka-shorts siya at sando tulad ng suot niya kaninang umaga. Napatango ang dalaga.

"Sabagay nga, sa laki mong iyan..." kibit-balikat nito. "Marunong ka ba ng self-defense?"

"Nag-aral ako noon, tae kwon do."

"Iyon naman pala, eh."

"Teka nga pala, kaanu-ano mo talaga si Pros?"

Nagtapat ito. "Tiyo ko, sa kanila ako nakatira."

"Totoo bang policewoman ka?"

"Hindi, magpupulis pa lang 'pag nakatapos," natatawang sagot nito. "Pero totoong marunong din ako ng karate at tae kwon do."

"Ano'ng belt mo?" seryosong tanong niya.

"Beltless." Napapugik ito ng tawa. "Parang sanitary napkin, ano?"

Natawa na rin siya.

"Huwag kang mag-alala, kaya naman kitang ipagtanggol kung sakali," patuloy nito.

Tumaas lang ang kilay niya.

"Ayaw mong maniwala? Subukan mong magpakidnap."

"Paano kung hindi mo ako mailigtas?" tanong niya.

"Di mamamatay ka," biro naman nito.

"Good idea," naiiling niyang sabi. Masarap kausap ang dalaga, parang bata, walang dull moments. "Pangarap mo ba talaga ang maging crime buster?"

"Uh-uh," noncommital na tugon nito.

"Ano ba ang pangarap mo noon?"

"Gusto kung maging madre dati," anito.

Napabunghalit siya ng tawa. "Ikaw? Magma-madre?"

Natawa na rin ito. "Kaya nga hindi na ako tumuloy. Wala raw maton na madre."

Nagtatawa pa rin siya. "So, you wanted to be a nun, ha?"

"Noon iyon, noong nasa elementarya pa lang ako. Ang lola ko kasi, manang sa simbahan. Lagi niyang sinasabi na magmamadre ako. So, iyon ang natanim sa utak ko. Usapan nga namin ni Lola, pagkatapos ko ng high school, ipapasok na niya ako sa kumbento. Grade five pa lang ako noon. May kausap na raw siyang mag-i-sponsor sa akin. Pero ang lolo ko, tutol na tutol. Wala naman siyang magagawa kapag ginusto ni Lola. Kapag kaharap si Lola, demure ako. Kapag si Lolo, haragan ako."

My Love My Heroine - Maureen ApiladoWhere stories live. Discover now