Chapter 9

411 6 0
                                    

UMUUNGOL si Leo, namimilipit, hawak-hawak nito ang tiyan. Tarantang kinabog ni Charizze ang pinto.

"Tulungan n'yo kami! Namimilipit sa sakit ng tiyan ang kasama ko. Kailangang dalhin natin sa doktor!"

Bahagyang binuksan ng bantay ang pinto. Lalong pinagbuti ni Leo ang pag-ungol. Halos mangiyak-ngiyak na si Charizze sa pagkataranta.

"Please, parang awa n'yo na... Kung ayaw n'yo siyang dalhin sa hospital, ibili n'yo na lang siya ng gamot. Kahit Diatabs lang."

Tinawag ng bantay ang kasama, inutusan ito.

"Sino'ng kasama mong maiiwan dito?"

"Sina Jojo?" patanong ring sagot ng kausap.

"Nasa gate."

"Hindi bale, kayang-kaya ko na ito. Gamitin mo na iyong motorsiklo para madali."

Lumapit si Charizze kay Leo. "Diyos ko. Naninigas na siya."

Lumapit ang guwardiya nila, dinama ang noo ng bihag. Sinamantala iyon ng dalaga, binayo niya sa batok ang lalaki. Binigwasan naman ito ni Leo, hindi tinantanan hanggang sa mawalan ito ng malay.

Dinampot ng binata ang baril, hinawakan siya sa kamay. "Tayo na."

Ngunit hindi pa sila nakakarating sa may gate, sunud-sunod nang nagdatingan ang mga kasamahan ng kidnapper. Tatlong sasakyan ang mga ito. Kasama ang kotseng pula.

Agad silang nagkubli sa kamada ng mga palay.

"Nasaan si Rex?" tanong ng pinakapinuno.

"Baka na-jingle lang sa labas, Boss," sagot ng isa.

"Palpak talaga ang lakad natin. Pangalawa na ito. Kapag bukas, hindi pa rin tumupad ang tsekwang iyon sa usapan, i-salvage na ang dalawang iyan."

Dinig na dinig iyon nina Charizze at Leo. Mahigpit siyang napakapit sa kamay ng binata.

"Boss, hindi na sila madaling takutin ngayon. Tingnan n'yo, agad na nagsumbong sa pulis nang makatanggap ng ransom note."

"Akalain ko bang nuknukan ng kuripot ang Mrs. Sy na iyon? Aba, kung makatawad, daig pa ang isdang bilasang tinatawaran sa palengke. Dalawa't kalahating milyon, tatawaran ng two hundred-fifty thousand?"

Nagkatinginan sila ni Leo.

"Nasaan na ba ang gagong si Rex, pati si Danny? Sabay pa silang umalis. Silipin mo ang bihag," utos sa isa.

"Boss, walang susi," sabi ng inutusan.

Binilang nina Leo at Charizze ang mga kidnappers. Sampu ang dumating. Labing-apat lahat ang mga ito, kasama ang dalawang bantay sa gate, iyong bantay nila sa loob ng kuwarto at iyong bumili ng gamot.

"Hindi natin kaya nang harapan. Puro sila armado. Tayo na," yaya ni Charizze.

"Tiyak, aabutan tayo. Kukuha lang ako ng tiyempo, kahit iyong motorsiklo lang ang maagaw natin," anas ni Leo.

Dumating ang pinabili ng gamot. "Si Rex? Heto na ang Diatabs."

"Anak ng tokwa! Kaya naman pala, Boss, sinusumpong na naman. Tiyak, nasobrahan na naman si Rex sa paglamon ng pulutan."

Tawanan ang magkakasama.

"Hindi para kay Rex ang gamot. Sa bihag. Nami-milipit kanina sa sakit ng tiyan."

Nawala ang ngiti ng magkakasama. Biglang nagtakbuhan patungo sa kinaroroonan ng mga bihag. Binaril ng isa ang susian.

At nabuglawan ng mga ito si Rex sa loob, may busal ang bibig, nakatali ang mga kamay sa likod, pati ang mga paa nito. Bugbog-sarado ito.

My Love My Heroine - Maureen ApiladoWhere stories live. Discover now