MATAMLAY ang pag-uwi ni Charizze sa bahay ng Tiyo Pros. Ang mga magulang nito ay matagal nang namayapa, kaya't siya ay sa mga lolo at lola lumaki.
"May sakit ka ba?" tanong ng tiyahin.
"Wala po, Tiyang. Namali yata ako ng bangon, napaagang masyado. Matutulog lang ho muna ako uli." Pumasok siya sa silid ng mga pinsan at humilata sa ilalim ng double deck. Pumikit siya ngunit hindi maiwasang mag-isip tungkol sa pakikipaghalikan ni Leo sa nobya nito.**
Naiisip niyang ang ganda-ganda ng nobya ni Leo, ang kutis at ang puti nito. Baka nga crush niya ang nobya ng amo? Naguguluhan siya kung anong ibig sabihin nito. Baka nga tomboy siya sa ganitong sitwasyon?
Gusto niyang itanong sa tiyahin pero baka magkatampuhan.
Bumangon siya at hinarap ang mga pinsan na abala sa pakikipaglaro.
"Ate, halika! Basketball tayo," yaya ng panganay na si Jed.
Tumanggi siya, ayaw niyang makihalubilo sa mga nananantsing.
Pagkatapos ng tanghalian, tinawag siya ng tiyahin. "Tong-its tayo, wala kaming kalaban ni Mareng Senyang."
"Sige po," mabilis na sagot niya.
NASA swimming pool ang magkasintahang Leo at Araceli.
"Ano ba itong nababalitaan ko na lagi ka raw may kasamang babae these last few days?" tanong ni Araceli.
"Wow! Saan mo naman nakuha ang ganitong impormasyon, my dear? Alam mo namang straight tayo ngayon," biro ni Leo sabay yakap sa katipan at halik sa batok.
Lumangoy palayo si Araceli. "Totoo ba o hindi?"
"Siguro, ang nakita ng informant mo'y si Charizze, ang lady bodyguard ko."
"What? Kumuha ka rin lang ng bodyguard, babae pa? May binabalak ka, ano?"
"Wala," mabilis niyang kaila. "Gusto ko lang namang maiba. Kung puro mukhang goons namang tulad ng mga bodyguards ni Papa, ayaw ko. Gusto ko, iyong hindi naman ako makukunsumi habang nakikita ko ang lagi kong kasama. But don't worry, my dear, totomboy-tomboy naman iyon, hindi katalo. Baka nga mas type-an ka pa niya kesa sa akin," biro niya.
"Leo, kahit anong sabihin mo, babae pa rin iyon. I want to see her, tawagin mo."
"Sorry, off niya ngayon, kanina pa umalis."
Muling niyakap ni Leo ang nobya at binigyan ng halik sa mga labi. Ngunit hindi napigil si Araceli na tumigil sa gilid ng pool at magbihis.
"Leo, kilala mo ang pagkaselosa ko. Ayaw kong may ibang babaeng nakadikit sa iyo, kahit pa sabihin mong kamukha siya ng urang-gutang. I want you to get rid of her. Now!" utos nito.
Nagmatigas si Leo. "And if not?"
Sa lahat ng ayaw niya, ang dinidiktahan siya.
Padarag na umahon si Araceli mula sa pool, pumasok sa shower room, at bihis na lumabas.
Hindi siya huminto sa paglangoy kahit ang nobya ay umalis na. Naiinis siya sa pagiging unreasonable nito. Mahal niya ito, ngunit napakahirap pakisamahan.
NALIBANG si Charizze sa paglalaro ng tong-its hanggang sa magabi.
Pag-uwi niya sa mansiyon, sinalubong siya ni Leo.
"Ba't ngayon ka lang?" banayad na tanong ni Leo.
"Sorry, nalibang ako. Hindi ko alam na may curfew pala ako rito."
"Hindi naman sa gano'n," depensa ng binata.
"Kaya lang, kababae mong tao'y ginagabi ka sa kalye, nag-iisa ka pa naman."
YOU ARE READING
My Love My Heroine - Maureen Apilado
RomanceDahil sa pangungulit ng inang napa-paranoid na sa sunud-sunod na kidnappings, napilitang makipag-kompromiso si Leo. Pumayag itong magkaroon ng bodyguard ngunit kailanga' y babae. At hindi basta babae kundi babaeng maganda. Kahit hindi naman totoong...