Chapter 6

547 8 0
                                    

KAPWA Tinanghali ng gising ang dalawa. Halos sabay pang lumabas ng kuwarto. Magaan ang katawan ni Charizze, laging may nakasilay na ngiti sa mga labi. Kabaligtaran ni Leo, na halatang hindi gaanong nakatulog. Iritado ang mukha nito nang batiin niya ito sa may hagdan.

"Good morning, Boss. Mukhang masama ang gising mo, ah," nanunuksong bati niya.

Tila ibig nitong kutusan siya. Pero nakatingin sa kanila ang mga magulang nito mula sa sala. Parang bale-wala sa kanya ang nangyari sa kanila kagabi.

NILINIS ni Charizze ang service car nila ni Leo. Lumapit ang binata at ininspeksiyon kung ano ang posibleng naging damage sa sasakyan ng ginawa niya kagabi. Wala naman. Binuksan nito ang pinto. Noon nito napansin ang isang bungkos na rosas.

"Ano ito?" tanong nito sa kanya, iwinagayway ang bulaklak sa harap niya.

"Ay, sayang! Nalanta na. Akina, puwede pa yata. Ilalagay ko na lang sa vase," nakangiting sabi niya.

"Ano? Aanhin mo pa iyan, ha? Itapon mo na lang."

"Huwag. Iiipit ko na lang sa libro. Pahiram nga ng librong makapal."

"Daig mo pa ang ngayon lang nakatanggap ng bulaklak," inis na pakli nito.

"Talagang ngayon lang may nagkalakas-loob na magbigay sa akin ng bulaklak. Halos himatayin pa nga si Pando nang ibigay iyan kagabi." Binuntutan niya iyon ng isang pilyang halakhak.

NATAWA na rin si Leo. Kilala niya si Pando. Family driver iyon, na madalas niyang nakakasabay sa parking lot. Sabagay, may hitsura din naman ang lalaki, kaya lang, kung iyon ang nakatuluyan ni Charizze, tiyak na kawawa lang ito sa babae. May pagkapilya ang kanyang alalay, sigurado na siya roon. Bale-wala rito ang nangyari sa kanila kagabi. Kung hindi siya natauhan, tiyak na may nangyari sa kanilang dalawa.

Napabuntunghininga siya. Hindi niya pa rin ganap na maintindihan si Charizze. Daig pa nito ang isang confused na teenager na hindi malaman kung saan ikakategorya ang sarili.

INIS na inis si Araceli. Isang linggo na siyang hindi man lang tinatawagan ni Leo. Hindi na siya makatatagal, tinawagan niya ang nobyo.

"Honey, I'm sorry. Please, bati na tayo," malambing niyang sabi.

"Ikaw lang kasi, napakaselosa! Kahit sino na lang, pinagseselosan mo." May tampo pa rin ang nobyo.

"Promise I won't do it again. Hon, please?"

"Pangako iyan, ha?" paniniguro nito.

"Oo. Cross my heart."

Natawa na ito. "Okay."

"I love you," buong tamis na sabi niya.

"I love you, too." Malambing na rin ito.

"Dinner tayo sa labas mamaya?"

"Sige. I'll wait for you at the boutique."

Masaya na siya. May boutique siya sa Shangri-La Plaza.

WALANG makapipigil sa kasiglahan ni Charizze. Nang hapong iyon, habang naghahanda siya para sa pagpasok ni Leo, nagpaganda siya nang husto. Pinili niya ang damit niyang may pinakamatingkad na kulay at ang maong na fit na fit sa kanya. She tucked her fuschia shirt in. Medyo hinigpitan pa niya nang kaunti ang belt para lalong ma-emphasize ang liit ng kanyang bewang at ang bilog ng kanyang balakang.

Hahayaan sana niyang nakalugay ang hanggang-balikat na buhok, ngunit masyado na siyang halatain. Tinalian niya iyon muli ng rubberband. Nagpulbos pa siya at nagpahid ng kaunting lipstick na nakita sa drawer ng dresser, pero pinunasan din agad niya ng tissue.

My Love My Heroine - Maureen ApiladoWhere stories live. Discover now