Ethan's POV
Nakaupo ako sa gilid ng isang cafè, napupuno ang hangin ng mabangong amoy ng bagong timplang kape at bagong baked na pastries. Ang mga kwentuhan at tunog ng mga baso ay isang napaka-komportableng ingay, kabaligtaran ng magulo kong buhay. Sa labas naman ng cafè ay mga taong tila ba'y abala sa kani-kanilang buhay. Napatingin na lang ako sa sarili kong repleksyon, itim na buhok, mabibigat na mata at mukhang tila ba'y punong-puno ng sikreto.
Siguro, sa ibang buhay, isa ako sa kanila. Isang regular na tao na bibili ng kape bago pumunta sa trabaho. But normal was a luxury I can't afford.
Tumunog ang door chime, hudyat na may bagong customer. Pagtingin ko sa pinto ay nakita ko si Sarah. Suot ang isang napakagandang sundress. Nakita niya ako sabay kaway habang papalapit sa pwesto ko.
"Hi, Ethan. Mind if I join you?"
"Of course not," sagot ko sabay turo sa upuan. "So, kumusta ang araw mo?"
Bumuntong-hininga lamang si Sarah. "Busy as usual", sabi nito sabay inayos ang kanyang buhok. "Alam mo ba, pagdating ko sa office, kabundok na papeles ang nagaantay sa'kin. Kaya ito kailangan muna magpahinga. Ikaw kumusta araw mo?" tanong niya sa'kin.
"Ito, dati lang, just trying to enjoy little things," sagot ko naman sa kanya.
Ngunit tiningnan lamang ako ni Sarah, para bang hindi siya satisfied sa naging sagot ko.
"Alam mo Ethan, I've always wonder kung ano ba talaga ginagawa mo. We've been friends since Junior High, still hindi ka man lang sa'kin nag ku-kwento."
Para bang sinuntok ako sa sikmura sa tanong ni Sarah. "Well, I try my best to help out in the family business," sagot ko na lang sabay ngiti.
Tinaasan lang ako ng kilay ni Sarah, kita sa mukha niya na hindi siya satisfied sa naging sagot ko. "And what is it exactly?"
"Well it's complicated, sabihin ko na lang na hindi siya exciting."
"Oh come on. Hindi ka naman siguro spy ano? Or are you?"
Natawa na lamang ako sa sabi niya. "Let's just say na it takes a lot of responsibility."
Tumango na lamang siya. "Well, whatever's it is, I'm sure that you're great at it. Ikaw yung taong magaling sa kahit ano man gawin mo."
Her words stung. I wanted to be the man she saw, someone good and honorable. But the truth was, I was trapped in a world where morality was a luxury.
Nalipat ang usapan namin sa mas komportableng topic, at kinalimutan ang mga bagay-bagay. Ang mga ngiti at tawa ni Sarah ay nagsilbing liwanag, pag-asa sa kabila ng madilim kong buhay.
Maya-maya lamang ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. It was my older brother Gio. Gio always tries his best to pleased my dad, at ang naiisip ko lang na dahilan nang pagtawag niya ay merong gulo.
"Sandali lang Sarah," sabi ko sabay labas ng cafè para sagutin tawag ni Gio. "Bakit yun, kuya?"
"Nasan ka?" Bungad niya sa'kin. "Kailangan ka ni Papa dito sa bahay. Ngayon din!"
"Well, hello to you too," sarcastic kong sagot. "Busy ako, makakapag-antay ba yan".
"Hindi!," sigaw ni Gio sa kabilang linya. "Now get your ass over here. This is very important."
Bago pa man lang ako makasagot ay binabaan na niya ako ng telepono. Napatingin na lamang ako sa phone ko. Kung ano man ang dahilan sa pag tawag niya ay hindi ito maganda.
Bumalik ako sa table namin para mag paalam kay Sarah. "Sorry, kailangan ko nang umalis. Family emergency." Sabi ko kay Sarah sabay ngiti.
"Is everything okay?"
YOU ARE READING
Sunsets by the Coast
RomanceEthan, the son of a formidable mafia boss, and James, a closeted young man with a homophobic mother, find solace and love in each other's arms amidst the chaos of their lives. As their love story unfolds, their worlds collide in a clash of secrecy a...