CHAPTER 3

1 0 0
                                    

Ethan's POV

Habang naglalakad ako ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Mamadaling-araw araw na kaya labis kong ipinagtaka kung sino ang tumawatag sa'kin. Tumigil ako upang tingnan ito at napagtanto kong si Kuya ang nagtatawag. Dahilan para muling bumigat ang pakiramdam ko. "Ano na naman kaya kailangan mo?," tanong ko sa sarili ko. Walang katiyakan kong anong nag-aantay sa'kin sa saglit na sagutin ko ang tawag.

Walang pag-aalinlangan kong sinagot ang tawag. "Kuya?"

"Ethan, may problema tayo," bungad ni Kuya sa kabilang linya, rinig sa boses niya ang pagmamadali. "Yung accountant. Nawawala. Nakatakas."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Marahil sa takot na bumabalot sa'kin sa mga sandaling ito. "Nawawala? Paanong nangyari yun?"

"Hindi na importante kung paano nangyari," pasigaw na sagot ni Kuya. "Ang importante, ay marami na siyang nalalaman. Pag lumabas ang mga impormasyong hawak niya, lahat tayo malalagot. You need to find him and take care of it. Now."

Para akong hinila pababa ng mga salita ni Kuya. "Fine," sagot ko na lang, sa ngayon hindi ko na matatakasan ang sitwasyon na ito. "Send me the details."

Binaba lang ni Kuya ang tawag wala ng ibang sinabi, nanlamig ang buong katawan ko dahil sa takot. Alam ko kung ano ang dapat kong gawin, but the thought of it made me sick to my stomach.

Nagsimula akong maglakad pabalik sa loob ng bahay. Nilagpasan ko lang ang mga bisita ng may kalmadong mukha. Nakita ko si Isabella kasama si Alex at iba pa naming kaibigan, puno ng kasiyahan ang mukha nila habang patuloy na nag kwekwentuhan, walang alam sa kung anong gulo ang paparating sa'min.

Nagmamadali kong kinuha ang coat at susi ko at lumabas na ng pinto, para akong sinampal ng malamig na hangin. Pumasok ako sa kotse ko at nagsimulang magmaneho sa gitna ng madilim na kalsada papunta sa address na binigay sa'kin ni Kuya.

Habang nagmamaneho, hindi ko maiwasang alalahanin ang mga utos ni Papa-mga bagay na kailangan kong gawin para sa pamilya, para sa kapangyarihan, para sa proteksyon ng aming pangalan. Lahat iyon ay patuloy na bumabalik sa akin tulad ng mga multo ng aking nakaraan. Subalit ngayon, mayroong kakaibang boses sa isipan ko, isang pagnanais na kumawala mula sa dilim na kinalakihan ko. "Ano ba ang kailangan kong isakripisyo? Ano ang kailangan kong isugal?" tanong na paulit-ulit na umiikot sa isipan ko.

Dinala ako ng address sa isang lumang apartment na kabaligtaran ng magarbo naming mansyon. Nagpark ako ng ilang blocks mula sa apartment para hindi makakuha ng atensyon at nagsimulang maglakad pabalik ng gusali.

Walang katao-tao sa kalsada, ramdam ko ang malamig na hangin, hudyat na may paparating na malakas na ulan. Tinahak ko ang hagdan paakyat sa ikatlong palapag ng gusali at pakiramdam ko ay biglang bumigat ang bawat hakbang na gagawin ko. Nakarating ako sa pintuan, nangingig ang mga kamay sa bawat pagkatok ko.

Walang sumagot sa unang pagkatok ko, nakakarinig lang ako ng mahinang ingay mula sa telebisyon sa loob. Kumatok pa ako ng isa, mas malakas, dahilan para bahagyang bumukas ang pinto.

"Sino yan?" sigaw ng tao sa loob, rinig sa boses niya ang kaba at takot.

"Its Ethan," sagot ko pabalik. "Buksan mo ang pinto, kailangan na'tin magusap."

Pinagbuksan ako ng pinto at sumalubong sa'kin si Paul, maputla ang kanyang mukha at punong-puno puno ng takot. Para siyang ilang araw ng walang tulog, mga matang namumula at gusot-gusot na damit.

"Ethan," pabulong niyang sabi ng makapasok ako. "Salamat sa Diyos. Hindi ko alam kung sino ang tatawagan ko. They're after me. Hindi ko naman sinasadya. ..I just."

"Kumalma ka muna," sabi ko sabay sinarhan ang pinto. "Sabihin mo sa'kin kung anong nangyari."

Nagsimula siyang mag kuwento ng nangyari, ramdam ko ang takot sa bawat salitang binibitawan niya. Alam niya sa sarili niya na nagkamali siya, desperado, natatakot sa kung anong mangyayari sa kanya at wala ng matatakbuhan pa.

Sa bawat salita niya ay hindi ko maiwasan maawa. Isa lamang siyang tao na nagkamali, nakakulong sa mundong hindi niya pa lubusang naiintindihan. Pero hindi yan ang magiging perspektibo ni Papa. Para sa kanya isa siyang traydor "once a traitor, always a traitor" at isa lang ang paraan para mapatahimik ang gaya niya.

"Ethan, alam kong malaki ang kasalanan ko, pero hindi ko akalaing aabot sa ganito. Nagkamali ako-nagtiwala ako sa maling tao. Pero hindi ko sinasadya, maniwala ka sa'kin!"

Patuloy pa'rin akong nakikinig sa mga salita niya. "Hindi ko alam kung kaya ko pa, Ethan. Sobra na ang takot na nararamdaman ko. Paano kung hindi na ako makabalik? Paano kung matapos na dito lahat?"

Sa isang putok ng baril matatapos na ang lahat ng ito, pero hindi ko magawa. Nakatayo lang ako, nakatitig sa kanya, nanginginig sa takot. Sa sandaling yun nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Hindi siya isang banta sa pamilya namin; isa lang siyang tao na natatakot, nakulong sa isang sitwasyon na wala naman siyang control.

"Hindi na mahalaga kung sinadya mo o hindi, Paul. Ang importante ngayon ay paano mo itatama ang pagkakamali mo."

"Look," pagpapatuloy ko. "nagkamali ka, at pinahamak ka nito. Pero hindi ka maliligtas kung tatakbuhan mo lang ito."

"Wala na akong choice Ethan. Papatayin nila ako Ethan, sinubukan kong sumuko. Pero. ..pero sinundan pa'rin nila ako" pagpapatuloy niyo halos humihikbi. "I don't want to die to Ethan."

"Sumama ka sa'kin at aayusin na'tin ito. Siguraduhin kong ligtas ka."

Napalitan ng pag-asa at ginhawa. "Talaga. Gagawin mo yun para sa'kin?"

Tumango na lamang ako. "Yes, pero kailangan mong magtiwala sa'kin. Kailangan na na'tin magmadali. Wala ng natitirang oras.

Saglit siyang nag-alinlangan, "Bakit mo ako tutulungan?" tanong niyang may bahid ng pagtataka. "Alam kong may utos si Vincent. Bakit mo binabalewala ang gusto niya?"

"Dahil minsan, kailangan nating gumawa ng desisyon para sa sarili natin. Hindi ko ginagawa ito para sa'yo lang, Paul. Ginagawa ko rin ito para sa sarili ko. Sa lahat ng ginawa ko para sa pamilya namin, siguro ito ang unang beses na gumagawa ako ng tama." Sagot ko sa kanya sabay talikod para lumabas ng kwarto.

Kinuha niya ang iba pang gamit at sinundan ako palabas ng pinto. Nagmamadali kaming bumaba ng hagdan at sa bawat hakbang alam kong may kahihinatnan ang ginawa kong desisyon. Pero sa mga oras na ito alam kong may ginawa akong tama, kahit na labag sa kagustuhan ni Papa at isugal ang lahat.

Nagsimula na akong magmaneho sa gitna ng madilim na kalsada, palayo sa apartment. Tiningnan ko lang ang katabi ko, bukod sa nagawa niyang pagkakamali, nakita ko rin ang kanyang pagkatao. It was a reminder that there was still a part of me that longed to be more than just a shadow in my father's empire-a part of me that still believed in hope and redemption.

And maybe, just maybe, there was a way out of the darkness after all.

Sunsets by the Coast Where stories live. Discover now