CHAPTER 6

1 0 0
                                    

Gio's POV

Palubog na ang araw at nakatambay kami ni Isabella sa sala, nanood ng TV, nilulubos ang kakaibang katahimikan.

"Sa tingin mo Gio, magiging ayos lang si Ethan?" tanong ni Isabella dahilan para mabasag ang katahimikan.

Nginitian ko lang siya para mapanatag ang kanyang loob. "Malakas si Ethan. Alam kong kaya niya. Sa kanyang edad, kailangan niya mabuhay ng simple at normal, ma experience ang mga bagay na nararapat sa kanya."

Bago pa siya makasagot ay nagmamadaling pumasok ang isa sa mga guwardiya namin. "Gio, Isabella, may mga reporters sa labas."

Nagkatinginan lang kami ni Isabella at nagmadaling sumilip sa bintana. Isang grupo ng mga reporters ang nagaabang sa may gate, yung iba kumukuha ng litrato habang ang iba naman ay nakahanda na ang mikropono. Rinig ang mga boses nila sa loob ng mansyon. Napagtanto ko kung sino ang pinunta nila dito; si Papa.

"Ako na bahala," sabi ko kay Isabella. Kita sa mata niya ang pag-aalala pero tumango lamang siya, hudyat na may tiwala siya sa'kin.

Inayos ko ang aking postura habang naglalakad papunta sa gate. Sinalubong ako ng mga reporters ng kabi-kabilang mga tanong.

"Gio! Gio Romano! Anong masasabi mo sa mga bagay na ibibintang laban sa Papa mo?"

"Totoo ba ang mga binibintang na sangkot si Vincent Romano sa ilang mga pagpatay?"

Huminga ako ng malalim, bago sinagot ang mga tanong nila. "Mabuting tao si Papa," pagsisimula ko, may paninindigan sa aking boses. "He has always work tirelessly for the people and has dedicated his life to public service. Ang mga paratang na ito ay walang basehan at ginawa lang nga mga taong gusto sirain ang kanyang reputasyon."

"Paano naman ang usap-usapan na sangkot ang Papa mo sa mga 'underground business'? Organized crime, perhaps?"

"Si Papa ay hindi sangkot sa mga sinasabi mong illegal na gawain. Isa lamang yan pagbibintang na ginawa para siraan siya. Kung meron ka mang ebidensya, maipapayo ko lang sayo na ipakita mo yan sa mga awtoridad kesa magpakalat ka ng kung ano-ano."

Sasagot pa sana uli ang reporter pero agad ko siyang pinigilan. “It’s easy to throw around accusations without proof. But it takes integrity and courage to stand up for the truth. My family and I will not be intimidated by baseless rumors.”

Tila ayaw magpatalo ng mga reporters at naging mas mapusok sa kanilang mga tanong. Pero nagkaroon ako ng paninindigan at patuloy na dinepensahan si Papa. Nahagip ng aking paningin si Papa na nakatingin mula sa bintana ng kanyang opisina. Halos hindi mabasa ang kanyang ekspresyon, pero alam kong nagtitiwala siya sa'kin na protektahan ang pamilya namin.

"Gio! Sa tingin mo kaya ba umalis si Ethan dahil sa mga paratang na ito?"

"Umalis si Ethan dahil sa sarili niyang kagustuhan at makatakas sa anino na kanyang kinalakihan " sagot ko. "Gusto niya magkaroon ng pagkakataon na baguhin ang kanyang buhay at magsimula muli."

Patuloy pa'rin ang kanilang pagtanong, pero sinabi ko na ang lahat ng gusto nilang malaman. Sa huling mga salita ay tinalikuran ko sila, paglingon ko ay inaantay ako ni Isabella sa pintuan na tila namumutla ang kaniyang mukha.

Bago kami makapasok ay sumilip uli ako bintana ng opisina ni Papa pero wala na siya dun, pero ang kanyang presensya ay isang paalala sa mga laban na kailangan namin harapin.

Pagpasok namin ay napaupo na lamang kami sa sofa, tila hinihila kami pababa ng sitwasyon na hinaharap namin.

"Pero, kailangan may gawin tayo. Pero ano? Tawagan ba na'tin si Ethan?"

Napaisip ako bigla, ang ideya na madamay si Ethan sa problema na ito ay masakit para sa aking damdamin. "Hindi." may paninindigan kong sagot. "Hindi na'tin siya pwedeng hilahin sa problemang ito. Umalis siya para makapagsimula ulit, para makatakas sa mga kaguluhan. Pag tinawagan na'tin siya ngayon, may posibilidad na mapahamak rin siya."

Tumango na lamang siya, pero kita sa mukha niya ang labis na pag-aalala. "Kung ganon, anong gagawin na'tin?"

"Ako na bahala. Kailangan lang na'tin panatilihing ligtas si Ethan. Kilala ko kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito."

Hinawakan ni Issa ang kamay ko. "Mag-iingat ka Gio."

"I will. Pangako yan. Malalagpasan rin na'tin ito. Para sa'tin, para kay Ethan."

Niyakap ako ng mahigpit ni Issa. Alam kong hindi na ako pwedeng umatras. Paul has betrayed us, and it's up to me to set things right.

Ethan's POV

Mag isa akong nakaupo sa hardin, maya-maya lamang ay lumapit sa'kin si Tiya Maria, may dalang dalawang tasa ng tsaa. Inabot niya sa'kin ang isang tasa at umupo sa tabi ko.

"Isang linggo ka nang naninirahan dito," sabi niya sa'kin sabay higop sa kanyang tsaa. "How are you feeling?"

"I'm not sure," sagot ko sa kanya, nakatingin sa kawalan. "It's strange. Minsan, masaya ako at mababago ko na ang landas ng buhay ko, pero sa kabilang banda, hindi ko maiwasan ang iniwan kong buhay."

"Normal lang yan. Yun ang buhay na kinalakihan mo. Hindi madaling tumalikod sa ganong bagay, kahit na gusto mo."

"Alam ko. Hindi lang ako sigurado kung tama ba ang ginawa ko. Kailangan nila ako, pero parang ayaw ko nang bumalik sa ganong buhay. Ayaw ko na itong maging parte ng buhay ko."

Sandaling nanahimik ang paligid, tila nagiisip si Tiya Maria. “Sometimes, doing the right thing means making difficult choices. It means putting yourself first and finding your own path, even if it means leaving behind the people you care about.  Your mother always believed that you are special, that you had a chance to be different, to be more than just another bullet in the machine.”

Bigla kong naalala si Mama at kung paano niya binibigyan ng liwanag ang madilim naming buhay. Naisip ko na kung buhay pa ba siya ay parehas kami nang pipiliing landas? Tumango na lamang ako. "Sana lang po ay tama ang ginawa kong desisyon."

"You did," sabi niya, puno ng pagiintindi ang kanyang mga mata. "At kung ano man ang mangyari, lagi mong tatandaan na nandito lang ako. You have a home here. Meron kang pagkakataon na bumuo ng bagong buhay, buhay na para sayo. Huwag mong kakalimutan yan."

"Kailangan ko nang matulog. Huwag kang magpupuyat Ethan, you have a bright day coming tomorrow," sabi niya sabay bigay ng matamis na ngiti.

Maya-maya lang ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Papa. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi alam kung anong sasalubong sa'kin sa kabilang linya.

"Ethan," bungad ni Papa pagsagot ko sa tawag niya. "Nakausap ko na si Maria at pumayag siya na tulungan kang muli. Bukas ay magsisimula ka ng iyong pag-aaral sa isa sa mga paaralan diyan. Oras na para maranasan mo mamuhay ng normal. Make the most of this opportunity, and remember, this doesn’t change who you are, but it might just help you discover who you want to be."

Pagkatapos namin magusap ni Papa, ay hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko. Gusto ko bang bumalik sa dati kong buhay. O, handa na ba talaga akong magsimula muli, nang hindi na minumulto ng aking nakaraan?

Sunsets by the Coast Where stories live. Discover now