Ethan's POV
Kinabihan ay nagkaroon ng isang malaking party sa bahay. Inimbitahan ang mga elites sa siyudad suot ang kanilang magagandang kasuotan, nagkwekwentuhan habang umiinom ng champagne. Napupuno ang hangin ng amoy ang kanilang mamahaling pabango at mga usapan. It was a world of opulence and power.
Sa bawat tunog ng tawanan sa loob ng bahay, naalala ko ang mga oras na mas simple ang buhay. Isang alaala mula sa pagkabata ang bumalik sa akin-ako at si Gio, magkasamang naglalaro. Walang iniisip na problema, walang iniintinding expectations. Isang mundo kung saan kami lang ang mahalaga, kung saan hindi pa namin naiintindihan ang bigat ng pangalang 'Romano'. Sa kabila ng yaman at kapangyarihan, parang iyon ang huling beses na naramdaman ko ang tunay na kaligayahan.
Nagsimula akong maglakad papunta sa balkonahe habang nakikipagpalitan ng ngiti at kumustahan sa mga bisita. Ideya talaga ni Papa ang party na ito, para lang ipakita sa lahat ang yaman at kapangyarihan.
Nang makarating ako balkonahe ay nakita ko ang mga kaibigan kong sina Lucas at Marco na magkasama, kita sa kanila ang halo-halong emosyon. Kagaya ko anak rin sila ng isa sa mga mayayamang tao sa siyudad.
"Hey, Ethan!" Tawag sa akin ni Lucas, halos abot tenga ang ngiti. "Decided to finally join us huh?"
"Yeah, hindi ko matanggihan ang libreng alak," pabiro kong sagot.
Inabutan ako ni Marco ng alak, sabay tingin sa mga tao sa paligid namin. "Cheers! To another night of pretending we give a damn about any of this!"
I took a sip, ramdam ko ang init sa pakiramdam na dala ng alcohol. "Sabihin mo pa. Sometimes I wonder what's it's like to live a normal life? Walang family expectations, hindi nakakaramdam ng pressure."
Napatango na lamang si Lucas. "Can you imagine, just going to a regular school, living in a normal apartment, maybe even adopting a dog."
"Sounds like a dream." Sabi naman ni Marco sabay sandal sa railings ng balkonahe. "Subalit hindi naman yun ganon ka-simple. Pinanganak. Lumaki na tayo sa ganitong buhay. There's no escaping this time."
Parang ang bigat ng mga binitawang salita ni Marco. Napainom na lamang ulit ako ng whiskey, habang nakatayo sa balkonahe, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga ilaw na nagmumula sa mga bahay. Para bang ang bawat ilaw ay simbolo ng mga pangarap na hindi ko maabot. Ano ba talaga ang gusto ko sa buhay? Gusto ko bang magpatuloy sa landas na ito, o may iba pa bang naghihintay sa akin sa labas ng mundong ito? Ngunit paano ko magagawa iyon kung ang bawat hakbang na tinatahak ko ay parang hinaharang ako ng anino ng pamilya ko? Anino ng pangalan na hindi ko kayang takasan.
Paulit-ulit na umalingaw-ngaw sa isipan ako ang mga sinabi ni Marco. Nakagapos kami sa expectations, sa dugo, bounded by the shadows that haunts us, sa isang legasiya na hindi namin matatakasan.
Maya-maya lamang ay may narinig akong tumawag sa akin. "Anjan ka pala Ethan, kanina pa kita hinahanap."
Paglingon ko ay nakita ko si Issa papalapit sa amin na may matamis na ngiti sa kanyang labi. Suot ang napakagandang dress, puno ng confidence, kabaligtaran ng nababagabag kong sarili.
"Hey, Issa," bati ko sa kanya sabay ngiti. "Are you enjoying the party?"
"Syempe naman. It's not everyday na makikita mo ang mga elites sa siyudad na ito ang mag payabangan ng kani-kanilang yaman."
Napatawa na lang sina Luca at Marco. Meron talagang ability si Issa na magpatawa ng ibang tao.
"Come on, bunso," sabi niya sa akin, sabay hila palayo. "Kanina ka pa jan nakatambay. Let's go around and show them how the Romano family party."
Hinayaan ko na lamang siya hilahin ako pabalik sa loob.
Pagpasok namin sa loob ay sandali kaming tumigil at nagkatitigan "Alam mo, bunso," patuloy niya, "Gusto kong maging katulad mo. Kasi kahit na ang dami mong pinapasang problema,nananatili kang matatag. Kaya nga gusto kong ipakita sa lahat na kaya rin nating maging masaya kahit ganito ang buhay natin."
Napayakap na lang sa'kin si Issa, bagay na ikinagulat ko. Nababalot ang bahay ng nakakabinging tugtugan at nakakasilaw na ilaw. Nagpatuloy kaming ikutin ang bahay, kasabay nito ay hindi namin maiwasan makipag-usap sa mga bisita at magpalitan ng kumustahan.
Nakarating kami sa isang table sa gilid ng grand piano, kung saan naka puwesto ang isa sa mga allies ng pamilya namin. Isa dito ay si Carlo Moretti, associate ni Papa sa feild ng bio-technology, kasama nito ang anak niyang si Alex, isa sa mga kababata namin.
"Ethan! Isabella!" Bati sa'min ni Sir Carlo, raising his glass for a toast. "It's good to see you again. Kumusta kayo?"
Nagkibit-balikat lang ako. "Ito same old, same old, walang bago. Ikaw, kumusta po kayo?"
"Can't complain," he said, his eyes twinkling with a knowing look. "Business is good, and the family's in high spirits."
Nginitian naman ako ni Alex. "Hindi ka masyadong nagpaparamdam lately Ethan. What do you think of going out sometimes? Maybe take a trip to Boracay, enjoy some sun and the sand."
"Sounds tempting, maybe we should go out sometimes." Sagot ko naman, though hindi ito ang sagot sa problema ko ngayon.
Sa paglalim ng gabi, nakipagkwentuhan na lang ako sa ibang bisita. Kalaunan ay lumipat sa garden ang mga bisita kung saan nababalot ang hangin ng mabangong amoy ng mga bulaklak at nakakabighaning lanterns. Nakatayo lamang ako sa tabi ng fountain, tinitigan ang repleksyon ng buwan, punong-puno ang isipan.
"Parang ang lalim ng iniisip mo ah?" Napalingon ako at nakita ko si Sarah, punong-puno ng pag-aalala ang mga mata niya.
"Sarah," gulat kong sabi. "Anong ginagawa mo rito?"
"Inimbitahan ako ng kapatid mo, I hope you don't mind?"
"No, not at all," sabi ko sabay ngiti. "Actually, I'm glad at nandito ka."
Nilapitan lang ako ni Sarah, tinitigan ang aking postura. "Parang. ...may kakaiba sayo ngayon Ethan. Okay ka lang ba? Okay lang ba ang lahat?"
"Yeah, everythings fine. It's just. ..family stuff. It's complicated." Sagot ko sa kanya sabay ngiti para mabawasan ang pag-aalala niya.
Nabigla ako sa pagyakap sa'kin ni Sarah. Pero sa oras na ito, tila gumaan ang pakiramdam ko."I'm sorry," sabi niya sabay layo. "Hindi ko dapat ginawa yon."
"No, it's fine. I needed that hug."
"Hindi ko alam kong ano pinagdadaanan mo ngayon Ethan. Pero hindi mo ito kailangan solohin. I'm here if you need someone to talk to."
Hindi ko napigilang maluha sa sinabi ni Sarah. "Umiiyak ka ba?" biglang tanong niya sa'kin. "Kasi ang kilala kong Ethan, malakas at hindi madaling sumuko." Natawa na lamang ako sa sinabi niya. Gustuhin ko man sabihin sa kanya ang lahat para mabawasan ang bigat na nararamdamanan ko kahit papaano, pero hindi ko magawa. Not without putting her in danger.
"Thank, Sarah," sagot ko, sabay ngiti. "That means a lot."
Tahimik lang kaming nakaupo sa fountain, patuloy pa'rin ang kasiyahan at ang tugtugan. It was a moment of peace, isang panandaliang pagtakas.
"I should go back inside," sabi ni Sarah, dahilan para mabasag ang katahimikan. "Tandaan mo, if kailangan mo nang kausap, andito lang ako."
I watched her walk away. Para sa'kin, isa siyang halimbawa ng pagkakaroon ng normal na buhay na wala ako, isang paalala na hindi ko ito madaling maabot.
Patuloy lamang ang kasiyahan, ngunit tila ba'y nawala ang kapayapaan na bumabalot sa'kin. Para ba sinasakal ako ng tugtugan at ng mga ilaw. Naglakad-lakad na lang ako sa garden, nagbabakasakaling lumuwag kahit papaano ang pakiramdam ko. Gulong-gulo ang isipan sa iniatang na tungkulin sa'kin, kagustuhan na may mapatunayan at kawalan ng pag-asa na magbago pa ang aking buhay.
Habang naglalakad ako, biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Tumigil ako upang tingnan ito at napagtanto kong nagtatawag si kuya. Agad ko naman sinagot ito.
"Kuya?"
"Ethan, may problema tayo," sabi ni kuya sa kabilang linya sa boses niyang may pagmamadali. "Yung accountant. Nakatakas."
YOU ARE READING
Sunsets by the Coast
RomanceEthan, the son of a formidable mafia boss, and James, a closeted young man with a homophobic mother, find solace and love in each other's arms amidst the chaos of their lives. As their love story unfolds, their worlds collide in a clash of secrecy a...