Ethan's POV
Mabilis na dumaan ang mga araw na puno ng paghahanda sa aking pagalis at pamamaalam. Sina Papa at Kuya na ang nagayos ng lahat, mula sa sasakyan hanggang sa pagtira ko sa bahay ng Tiyain ko. Mabilis na nangyari ang lahat, hindi ko man lang lubos na naintindihan ang nararamdaman kong emosyon kasama nang pagalis sa buhay na kinalakihan at nakilala ko.
Kay Isabella ako pinakanahirapan magpaalam. Siya ang naging sandalan ko, ang nag-iisang taong nakakaintindi sa'kin. Nung sinabi ko sa kanya ang desisyon ko, halos maiyak na siya, pero pinakita niya pa'rin ang tapang niya.
"Mamimiss kita, Ethan," sabi niya sabay yakap sa'kin, nangingig ang kanyang boses. "Pero, naiintindihan ko kung bakit mo ito ginagawa. Sana. ..Sana mahanap mo na kung ano man ang hinahanap mo."
Niyakap ko siya ng mahigpit. "Salamat, Ate. Lagi kang nandiyan para sa'kin, and mamimiss din kita."
Pinunasan niya ang namumuo niyang luha sa kanyang mga mata. "Mangako ka sa akin bunso, na mag-iingat ka at huwag mo kakalimutan tumawag sa'kin. Sa amin. Huwag mo kaming pagaalahinin ni Gio."
"I promise. And if you ever need anything, you know where to find me."
Habang inaayos ko ang mga gamit ko, hinahanda ang sarili ko sa pag-alis. Habang naglalakad ako patungo sa gate kung saan nag-aantay ang driver namin ay hindi ko maiwasan isipin ang mga mapapait na alaala ko sa bahay na ito, puno ng sekreto, masasakit na alaala. Dito ako lumaki, at ang pag-alis ko at parang sinasarhan ko ang isang kabanata ng buhay ko. Isang kabanata na puno ng kaguluhan at takot.
Nagsimulang magmaneho ang driver palayo sa mansyon, hindi ko maiwasan makaramdam ng pag-asa. Patungo ako sa bagong panimula ng buhay ko, isang pagkakataon na baguhin ko ang aking landas.
HALOS inabot ng isang araw ang biyahe patungo sa Tiyain ko. Habang papaalis kami ng siyudad papunta sa kabilang probinsya ay napalitan ang siksikan na kalsada ng palayan at matatas na puno. Ang magiging buhay ko ay malayo sa aking kinalakihan, at hindi ko maiwasan makaramdam ng anticipation na may halong takot.
Isang maliit at simpleng bahay ang tinitirhan ni Tiya Maria. Pagbaba ko ng sasakyan ay sinalubong niya akong may matatamis na ngiti sa kanyang mukha.
"Ethan, its so good to see you again," bati sakin ni Tiya, sabay yakap sa'kin ng mahigpit. Ilang taon na'rin nung huli kaming nagkita, wala pa rin sa kanyang nagbabago. Nakatali sa isang bun ang kanyang buhok at ang mga mata niya ay puno ng pagmamahal na hinding-hindi ko makakalimutan simula pagkabata.
"It's good to see you too, Aunt Maria. Thanks for taking me in on such short notice."
"Walang anuman, Ethan," sabi niya, sabay yakap ulit sa'kin ng mas mahigpit. "Family is family, ijo. Tara pasok tayo, sigurado akong napagod ka sa biyahe mo."
Pagpasok namin ay napakaaliwalas ng loob nito, tila nagbibigay ng nakakakilig na pakiramdam. Nababalot ang hangin ng mabangong amoy ng bagong baked na tinapay at ang mahinang tunog galing sa orasan. Kabaligtaran ito ng mansyon na kinalakihan ko. Dito walang guwardiya, walang tensyong nararamdamanan, kundi isang simple at komportableng kapaligiran.
"Inasikaso ko na pala ang magiging kwarto mo," sabi ni Tiya Maria.
Nakarating kami sa isang pinto, pagbukas ko ay bumungad sakin ang isang silid na may isang kama, na may wooden dresser, tanaw naman sa bintan ang garden niya na napupuno ng mga bulaklak. Para siyang yung mga kuwarto sa mga kuwentong-pambata. At sa sandaling ito, tila tumigil ang oras.
It's not much kagaya dun sa bahay niyo, pero sana maging komportable ka," sabi niya, habang pinapatuloy ako sa kuwarto.
"Its perfect," sabi ko sabay lapag ng mga gamit ko sa kama, rinig sa boses ko ang labis na kasiyahan. "Maraming salamat po, Tiya Maria."
Ngumiti lamang siya, kita sa mga mata niya ang kalungkutan, sandaling nabasag ang kasiyahan. "Sinabi sa'kin ng Papa mo ang dahilan kung bakit ka napunta rito."
Napaupo ako sa aking kama at umiwas sa mga tingin niya. "Alam kong hindi naging madali ang ginawa mong desisyon."
"Hindi," pag amin ko sa kanya. "Pero, alam kong kailangan ko nang umalis sa ganong buhay, magkaroon ng pagkakataon makapagsimula ulit."
Tumango na lamang siya. "Naiintindihan kita, Ethan. Alam mo, ganyan din si Mama mo. Always looking for something new."
Biglang nagningning ang mga mata ko sa mga salita ni Tiya Maria. "Bukod sa lahat, hindi ganyang buhay ang pangarap niya para sa inyong tatlo."
"I know. Sana lang po hindi isang pagkakamali ang ginawa kong desisyon."
"Ginawa mo lang kung ano ang alam mong tama, Ethan," sabi niya, sabay inabot niya ang mga kamay ko. "You're welcome to stay here as long as you want. Sa ngayon, bahay mo rin ito Ethan."
"Salamat po uli," sabi ko sa kanya, sabay ngiti.
Tiningnan niya muna ulit ako bago ako iwan sa kuwarto. Habang inaayos ko ang mga gamit ko, nakaramdam ang ako halo-halong emosyon. Masaya ako at nakalaya ako sa buhay puno ng expectations at kapahamakan, sa kabilang banda, nalulungkot kong iniisip ang mga taong iniwan ko. Sa buhay na iniwan ko.
ANG mga sumunod na araw ay puno ng adjustments. Nilibot ako ni Tiya Maria at pinakilala sa mga kapitbahay habang tinutulungan maging komportable sa bago kong buhay. Isang maliit, tahimik at simpleng bayan, kabaligtaran ng maingay na siyudad na kinalakihan ko. Palakaibigan ang mga tao dito, mausisa, subalit may respeto sa pribado kong buhay.
Minsan, tumutulong ako sa bookstore ni Tiya Maria. At ang mga araw na dumadaan ay simple at tahimik. Napapaligiran lang ng amoy ng libro at mahihinang kuwentuhan.
Minsan, nagmomotor ako papunta sa dalampasigan. Nakaupo sa buhangin, nakikinig sa mga alon, pinapanood ang sunset habang iniisip ang dahilan kung bakit nga ba ako napunta rito. Mga sandali para mag reflect, makapagisip-isip, a chance to somehow forget my past and focus on my future.
Subalit sa kabila ng simple kong pamumuhay ay hindi ko basta-basta matatalikuran ang nakaraan ko. Patuloy ko pa'rin iniisip ang pamilya ko, si Kuya, si Issa, at ang buhay na iniwanan ko. Iniisip kung ano ang mga pinagkakaabalahan nila, nag-aalala ba sila sa'kin o galit kasi tinakasan ko sila. Para bang naglalaro ako ng tug-of-war sa pagitan ng kagustuhan kumawala at magsimula muli at pagkatali ko sa dati kong buhay.
YOU ARE READING
Sunsets by the Coast
RomanceEthan, the son of a formidable mafia boss, and James, a closeted young man with a homophobic mother, find solace and love in each other's arms amidst the chaos of their lives. As their love story unfolds, their worlds collide in a clash of secrecy a...