James' POV
Nang magsimula ang leksyon ay nahirapan ako makapag-focus. Paulit-ulit pumapasok sa isip ko si Ethan. Sa kabila ng kanyang normal na itsura ay imposibleng hindi niya matatakasan ang anino na kanyang iniwan. Ang katotohanan ay nakikita ko ang sarili ko sa kanya, ang nararamdaman kong takot na mahusgahan at mabunyag ang sikretong tinatago ko.
Naglakas loob akong kinausap siya. "Hey, Ethan," sabi ko sa mahinang boses, sapat para marinig niya. "Welcome sa St. Augustine. I'm James. Nice to meet you."
"Salamat, James," sagot niya, may matamis na ngiti sa kanyang labi. "Masaya akong makilala ka.
Sandali akong nag-alinlangan bago itanong ang bumabagabag sa'kin. "So, um. ..Bakit nga pala dito ka nag-aral? Masyadong malayo ang St. Augustine sa pinanggalingan mo."
Sandaling nagbago ang ekspresyon ni Ethan, kita sa mukha ang pagiging hindi komportable sa tanong ko. "Oo, malayo nga. Just needed a change of scenery. Bagong simula."
Tumango na lamang ako, pero nararamdaman ko na may mas malalim siyang dahilan kaysa sa sinabi niya. "I get that. Sometimes, a change of scenery can be good. Nagkakaroon tayo ng pagkakataon na. ..makatakas," sabi ko, para bang mabigat ang mga salita kong binitawan kesa sa inaasahan. Was I talking about Ethan, or was I really talking about myself. Matagal ko nang gustong takasan ang patuloy na expectations mula kay Mama, pero parang kahit anong gawin ko ay hindi ko magawa. Siguro ito ang dahilan kung bakit ako napapalapit kay Ethan–pareho naming gusto makahinga sa nakakasakal na mundong ito.
Tiningnan niya ako, at sa mga sandaling ito ay kita sa kanyang mga mata ang labis na pag-unawa–para bang alam niya na may tinatakasan rin akong bagay. "Oo, tama ka," sabi niya sa malambot na boses. "Sana lang ay ito na ang pagbabago na hinahanap-hanap ko."
Habang patuloy kaming nag-uusap ay napapansin kong pasulyap-sulyap ang iba naming kaklase sa amin, bakas sa mukha nila ang labis na pag-uusisa. Maliwanag na ang pagdating ni Ethan ay nagsimulang magbago ang normal na takbo ng mga bagay-bagay.
Kahit na ilugar niya ang kanyang sarili–bilang isang normal na estudyante, ay patuloy pa'rin ang mga bulungan tungkol sa kanyang pamilya, patuloy na ipinapaalala ang mga sikretong dala-dala niya. Sa kabila ng aming magkaibang problema, napagtanto ko na pareho kaming naghahanap ng lugar kung saan pwede namin ipakita ang tunay naming sarili, malaya sa mga panghuhusga at ekspektasyon.
Ang buong umaga ay madaling natapos na parang humila ng oras, puno ng mga karaniwang aralin, at hindi maiwasang pagdidiin sa pagsunod sa mga patakaran. Hindi ko maiwasang isipin na ang pagdating ni Ethan ay nagpakilos ng higit pa sa kuryosidad ng ibang estudyante. Ang kanyang kalmadong presensya sa kabila ng mga bulungan, mas lalo akong naging interesado. Naisip ko tuloy kung anong klaseng buhay ang kanyang iniwan.
Pagdating ng tanghalian ay napuno ang cafeteria ng mga tawanan, kuwentuhan ng mga estudyante. Nakita ko si Ethan na mag-isang nakaupo sa isang gilid malapit sa bintana, nakatingin lang siya sa malayo na para bang malalim ang kanyang iniisip. Huminga ako nang malalim at nag desisyon lumapit sa kanya, umaasang mas makilala ko pa siya.
"Pwede bang makiupo?" Tanong ko, sabay turo sa bakanteng upuan sa tapat niya.
Tumingala si Ethan, may pagkagulat sa kanyang ekspresyon pero may ngiti sa kanyang mga labi. "Oo naman. I could use the company."
Umupo at nilapag ang dala-dala kong tray ng pagkain sa lamesa. "So. ..um. Kumusta unang araw mo?"
Nagkibit-balikat lang siya, tiningnan ang kanyang paligid na puno ng kapwa namin estudyante. "Well, it's different. Mas tahimik kumpara sa kinasanayan ko. But in a good way."
Tumango habang kumakain ng dala kong sandwich. "Yeah. Medyo istrikto lang dito sa St. Augustine, pero masasanay ka rin. Talagang mausisa lang mga tao rito."
Bahagyang natawa si Ethan na para namang ikinagulat niya. "Napansin ko nga. Hindi talaga nakakatulong sa pag "blend-in" ang pagkakaroon ng apelyidong Romano."
Napangiti na lang ako, nakaramdam ng guilt. "Sorry about that. Mahilig talaga magtsismisan mga tao dito. But hey, lahat naman tayo may pinagdaanan, di ba?"
"Yeah." Sabi niya, nang magtagpo ang aming mga mata, kita sa mata niya ang bigat ng mga bagay na tinatago niya. "Lahat naman tayo may tinatago."
"Saan ka pala nag-aral dati?" Tanong ko sa kanya out of curiosity.
"New York," sagot niya habang patuloy lang siya sa pagkain.
"New York, huh. That's a big change. What bought you here?" Tanong ko ulit.
Tila may pag-aalinlangan si Ethan. "Kailangan ko lang siguro ng bago. Family stuff."
Tumango ako, ramdam kong mas may higit pa sa kanyang sinabi pero nagdesisyon ako na huwag na magtanong pa. Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan namin. Nakaramdam ako ng kakaibang koneksyon sa aming dalawa, may mga gustong sabihin pero hindi magawa, pagkakaunawaan na pareho kaming may iniingaatang sikreto.
"So, anong pinagkakaabalahan mo?" Tanong ko, pilit na pinapagaan ang usapan namin.
Lumiwanag ang ekspresyon ni Ethan. "Mahilig ako sa photography. I love capturing moments, yung makita ang mga bagay-bagay ibat-bang perspektibo. Ikaw?"
"Photography sounds cool," I answered. "Ako, mahilig ako tumugtog ng gitara"
"Magandang paraan ang music para ma-express ang sarili," pagpapatuloy niya.
"Para bang therapy siya sa'kin. Nakakatulong ilabas lahat ng nararamdaman ko na hindi gumagamit ng mga salita." Pagsang-ayon ko sa kanya, rinig sa boses ko ang kasiyahan.
Tumango naman si Ethan, nanlambot ang kanyang ekspresyon. "Minsan kailangan mo lang ng bagay na magpapaalala sayo na mas may hihigit pa sa buhay kesa sa mga kaguluhan," sabi niya, tumango naman ako, hudyat na naunawan ko ang sinabi niya. Para sa'kin music ang paraan ko para mawala ang mga ingay–ang patuloy na expectations, ang mga tingin, at pressure na maging isang tao na hindi naman ako. Siguro para sa kanya ganon din ang photography–paraan para sandaling tumigil ang mga sandaling malayo sa kaguluhan.
We continued talking, our conversation flowing from one topic to another. Ikwinento ni Ethan ang mga paboritong lugar na dati niyang pinupuntahan sa New York, mula sa mukukulay na street arts hanggang sa mga nakatagong cafè. Habang ako ay ikwinento ang mga paborito kong kanta at kung pano ako nito dinadala sa kakaibang mundo. Sa mga sandaling ito, ay mas lalo kong naramdaman ang koneksyon sa pagitan naming dalawa.
"Salamat sa pag-sama sa'kin," sabi ni Ethan habang inaayos ang aming pinagkainan. "It's nice to have someone to talk to."
"Walang anuman," sagot ko, may matamis na ngiti sa aking labi.
Nang matapos ang lunch break ay sabay kaming pumunta ni Ethan sa sunod naming klase, at hindi ko maiwasang makaramdam nang naghahalong ginhawa at kuryosidad. Ginhawa at nakahanap ako ng taong hindi alintana ng mga mapanghusgang mata ng St. Augustine, at kuryosidad sa sikretong tinatago ni Ethan.
The rest of the day passed in a blur. At sa mga sadaling iyon ay bumabalik ang aking isipan kay Ethan at sa tila nabuo naming koneksyon. It was comforting to think that maybe, just maybe, I wasn’t as alone in this place as I had always thought.
YOU ARE READING
Sunsets by the Coast
RomanceEthan, the son of a formidable mafia boss, and James, a closeted young man with a homophobic mother, find solace and love in each other's arms amidst the chaos of their lives. As their love story unfolds, their worlds collide in a clash of secrecy a...