CHAPTER 4

0 0 0
                                    

Ethan's POV

Tumama ang liwanag na dala ng araw sa aking mukha, dahilan para tuluyan akong magising. Paulit-ulit na bumamalik sa isipan ko ang mga nangyari ng nakaraang gabi, at sa bawat memorya ay nakararamdam ako ng halo-halong emosyon, ginhawa at takot. Para sa'kin ginawa ko kung ano ang alam kong tama, kahit na may kahihinatnan ito. Sa kinalakihan kong mundo, ang awa ay simbolo ng kahinaan, at ang kahinaan ay nakamamatay.

Halos hindi ako makatulog, para akong nilalamon ng aking isipan kung anong sunod na mangyayari. Sa ngayon ay ligtas na si Paul, dinala ko siya sa ibang siyudad at binigyan ng sapat na pera makapagsimula ulit. Pero, sa pamilyang ito, walang sikreto ang hindi nabubunyag.

Pagkatapos ko mag ayos ng sarili ay bumaba na ako. Sa bawat hakbang alam ko ng may kakaiba sa paligid ng bahay. Napansin kong sarado ang opisina ni Papa, ibig sabihin lang nito ay malalim ang kanyang iniisip. At kung ano man iyon ay hindi ito maganda.

Hindi ko na lang ito binigyang pansin at dumiretso na lang sa kusina kung saan ko naabutan si Kuya na nagtitimpla ng kape. Tiningnan niya lang ako pagpasok ko.

"Morning," bati ko sa kanya sa isang kaswal na boses.

"Morning," walang emosyong niyang bati sakin. "Gusto ko makausap ni Papa."

"Sinabi niya ba kung bakit?"

Umiling lang si Kuya. "Just that's it's urgent. You better go."

Tumango na lamang ako, parang umiikot ang sikmura ko sa bawat hakbang papunta sa opisina ni Papa. Pagkarating ko sa pinto ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok.

"Pasok," narinig kong sagot ni papa mula sa loob.

Binuksan ko ang pinto. Puno ng mga lumang aklat at mamahaling antigo ang opisina niya. Natagpuan ko si Papa na nakaupo sa likuran ng kanyang lamesa. Kita sa mukha nito ang pagiging kalmado para takpan ang namumuo nitong galit. Pagkalapit ko sa kanya ay tinuro niya lang ang bakanteng upuan sa tapat niya, umupo naman ko, ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ethan," bungad ni Papa sa malamig na boses. "May problema tayo."

"I'm aware," sagot ko iniiwasan ang matatalim niyang tingin. "Tungkol ba ito kay Paul?"

"Yes, Paul. Bigla na lang siyang nawala kagabi, at ikaw ang huling nakakita sa kanya."

"Hayaan mo akong magpaliwanag," sagot ko, pero tinaas niya ang kamay hudyat na tumahimik ako.

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo," sabi niya, lumalakas ang kanyang boses. "Pinasundan kita kahapon sa isa sa mga tauhan ko. Alam ko kung anong ginawa. Pinakawalan mo siya Ethan, salungat sa inuutos ko. Alam mo ba kung anong klaseng panganib ang haharapin na'tin?"

"Ginawa ko lang kung anong tama Pa," sagot ko. "Nakagawa nga siya ng isang malaking pagkakamali, natakot, pero hindi siya banta sa buhay na'tin. Hindi masasagot ang problema na'tin kung papatayin siya. Madagdagan lang ng dugo ang ating mga kamay."

Kita ko sa mukha niya ang namumuong galit. "Blood is what keeps this family safe. It's what keeps us in power. Sa tingin mo magiging bayani ka pag niligtas mo ang lahat? This is not a fairy tale Ethan. Ito ang totong buhay, at sa totong buhay, people die when they cross us."

"Siguro ayaw ko ng maging parte ng ganitong mundo Pa," sagot ko, sa pasigaw na boses. "Siguro gusto kong maiba ang takbo ng buhay ko. Maging normal. Pagod na akong tumago sa dilim. Gusto ko ng buhay kung saan hindi ko kailangan mamili. Kung konsensya ko ba o ang pamilya ko.

Nanlamig ang tingin sa'kin ni Papa. "Sa tingin mo may nag-aantay na normal na buhay sayo? You're delusional. Nakakaapekto ang bawat desisyon na ginagawa mo sa pamilyag ito. Ang kapangyarihan, kaligtasan na'tin, lahat nakadepende kung paano na'tin ito kokontrolin. Nagpakita ka ng kahinaan at pinakawalan mo si Paul. Hindi lang pinakawalan, tinulungan mo pa itakas."

"Dad, there more to life than power and control," sagot ko, nagsisimula ng mainis. "Paano nalang ang  pagkakaroon ng awa? Pwede naman tayong mamuhay ng walang pinapahamak na ibang tao."

"Pagkakaroon ng awa? Yan ang pag-iisip ng mga taong mahihina, mga taong walang muwang. Akala mo kung sino ka na sa ginawa mo. Akala mo isa kang bayani dahil nagpakita ka ng awa?" Biglang tumayo si Papa, napupuno ng galit ang kanyang mga mata. "Hindi. Isa ka lang bata na naglalaro ng pagiging bayani, hindi man lang isipin ang kahihinatnan ng mga desisyon mo."

"Ayokong mabuhay sa isang mundo kung saan ang pagkakaroon ng awa ay nakikitang kahinaan," sabi ko sa nangingig ngunit may paninindigan. "Gusto ko malayang mamuhay. Yung sa bawat tingin ko sa salamin ay hindi ko kaiinisan ang nakikita ko."

"Sa tingin mo ginusto ko ang buhay na ito para sa inyo? Sa tingin mo masaya ko sa mga nagawa ko? Lahat ko ginawa para lang maprotektahan ang pamilyang ito, para sa kinabukasan mo. Kinabukasan niyo. Pero parang hindi mo naman iyon nakikita."

"Nakikita ko," sagot ko, bahagyang humina ang boses ko. "Pero nakikita ko rin ang naging epekto nito sayo, sa atin. I don't want that for myself, I don't want it to reflect on my future. Gusto ko paniwalaan na higit tayo sa nakikita nila. Na sa kahit anong nagawa ng pamilyang ito ay nakikita nila na may pagmamalasakit tayo."

Tiningnan lang ako ni Papa. At sa ilang sandali ay akala ko sasaktan niya ako, pero umupo lamang uli siya at tila nagiisip.

"Gusto mo ng normal na buhay?" tanong niya, sa mahinang tono. "And what makes you think you deserve that? Pinanganak ka sa pamilyang ito, Ethan. Ito na ang nakatadhana sayo. You can't just walk away from it."

"I'm not walking away. Gusto ko lang magkaroon ng pagkakataon na mamuhay sa isang mundo na hindi ko minumulto ng mga nagawa na'tin."

Ilang sandali ay nanahimik si Papa, nakatitig lang sa'kin. Nilakasan ko ang loob ko at hinintay ang kanyang magiging desisyon. Mamaya lang ay muli siyang nagsalita. "Nakikita ko ang mama mo sa iyo, Ethan," pabulong niyang sabi. "She always believe in the good in people, even when it wasn't there."

Nagbugtong-hininga siya sabay sandal sa kanyang upuan. "Siguro tama ka. Na meron mas hihigit pa sa buhay na ito.  Pero kailangan mong intindihin, Ethan, hindi madaling desisyon sa'kin ang hayaan ka sa gusto mo. Parte ka ng pamilyang ito, at importante sa'kin ang pamilya."

"Alam ko. Walang katapusan akong magpapasalamat sa inyo. Sa lahat ng ginawa niyo para sa amin. Pero kailangan kong baguhin ang landas ng aking buhay. Buhay na para sa'kin, kahit na kailangan kong iwan ang lahat ng ito."

"Fine," sabi ni Papa, may paninindigan ang kanyang boses. "Kung ito talaga ang gusto mo, hindi na kita pipigilan. Pero ito ang tatandaan mo–there's no coming back from this. Once you leave your on your own."

"Naiintindihan ko," sabi ko, naghahalo ang aking mga emosyon.

"Maninirahan ka sa Tiyain mo. Nakatira siya sa kabilang probinsya kung saan walang nakakakilala sayo. It's not the normal life your looking for, but it's a start. Bukod dito, masisigurado kong ligtas ka."

"Thank you."

"Huwag mo muna akong pasalamat," napansin kong ngumiti ng bahagya si Papa. “You might find that the grass isn’t always greener on the other side.”

"Kahit saan ka man dalhin ng buhay mo, lagi mong tatandaan na minamahal ka ng husto at totoo." Bigla kong naalala ang mga salita ni Mama. Tumayo ako at sa mga sandaling ito ay halo-halong emosyon ang nararamdamanan ko. Gumaan ang pakiramdam ko dahil nabigyan ako ng pagkakataon na magsimula ulit, sa kabilang banda ay nalungkot ako dahil iiwan ko ang aking pamilya, at bukod sa lahat takot sa mga bagay na posible kong harapin.

Hinubad ko ang aking relo na regalo ni Papa sa'kin, at iniwan ito sa ibabaw ng kanyang lamesa. Hindi ko kailangan ang bagay na nagsisimbolo ng kontrol. Ng kung anong bagay na nagpapaalala sa'kin ng aking nakaraan.

Paglabas ko ng opisina ni Papa, ay hindi ko maiwasan makaramdam ng pagkakaroon ng pag-asa. Na magkakaroon ako ng buhay na matagal ko nang inaasam.

Sunsets by the Coast Where stories live. Discover now