CHAPTER 7

0 0 0
                                    

James' POV

Nababalot ng liwanag galing sa araw ang kwarto ko, sa mga araw na ganito ay napupuno ng tensyon ang paligid. "James, huwag mong kalimutan isuot ang necktie mo," narinig kong tawag ni Mama mula sa pinto ng kwarto ko bago pumunta sa kanyang sariling kwarto—mabilis at tiyak ang mga kilos.

"Opo, Ma." Sagot ko sa kanya sabay kuha ng necktie kong nakapatong sa lamesa. Tila parang lubid ang tela nito na humihigpit sa bawat araw na tinatago ko kung sino talaga ako. Gustuhin ko man manindigan; pero ang pagsuway sa kanyang mahigpit na pamantayan ay agad naman niyang hindi sinasang-ayunan.

Isa siyang guro sa St. Augustine, kung saan pinagmamalaki ang "traditional values". Para sa kanya, ibig sabihin nito ay kailangan ng bawat isa na sumunod sa isang makitid na pamantayan—isang pananaw na kung saan walang lugar ang paglihis at pagsuway. Lalo na sa isang kagaya ko.

Habang papunta kami sa kotse ay nagsimula na siya sa kanyang pangaral.  "Tandaan mo James, ang St. Augustine ay isang simbolo ng moralidad. Nagiging halimbawa tayo sa iba. Walang puwang para sa mga. ..distractions."

Nagbuntong-hininga na lang ako sabay tango.  "Distractions", yon ang tawag niya sa mga hindi pasok sa kanyang mahigpit na pananaw. Himala na lamang at hindi niya napapansin ang isang rainbow bracelet na tinatago ko sa ilalim ng aking manggas. Isang simbolo ng aking tahimik na paghihimagsik sa buhay na gusto niya para sa'kin.

Tahimik at tila nakakasakal ang biyahe papunta sa school, tanging ang paminsan-minsang sermon tungkol sa tungkulin at paggalang ang pumupuno sa hangin. Nakatingin lang ako sa bintana, tila lumalaho ang mga tanawin. Sa bawat sandali, napupuno ako ng takot at sama ng loob—nahahati sa kagustuhang pagbigyan siya sa kanyang kagustuhan at ang pagnanais na makawala.

Sa di kalayuan ay tanaw ko na ang St. Augustine, ang mataas na pader nito ay ang simbolo ng mahigpit nitong patakaran. Tila isang kulungan ang paaralan kung saan, ang anumang "distraction" ay agad na pinaparusahan. Nakita ko na kung anong nangyayari sa mga estudyanteng sumuway sa mga alituntunin nito—pinapahiya, pinapagalitan at minsan pinapalayas. Malinaw ang mensahe: fall in line or face the consequences.

Pumarada kami sa tapat ng gate at bago bumaba ay humarap sa'kin si Mama, lumabot ang kanyang ekspresyon. "James, alam mo naman na gusto ko kung ano ang makakabuti sayo. Sumunod ka lang sa mga patakaraan at magiging ayos ang lahat."

"Opo, Ma. Alam ko." Sagot ko at nagbigay ng pilit na ngiti. "I'll be good."

Tinapik niya ako sa kanyang balikat, isang bihirang kilos na tanda ng kanyang pagmamahal, bago kami parehong bumaba ng kotse. Habang papasok kami ng paaralan au hindi ko maiwasan makaramdam ng kaba at takot.

Puno ng mga estudyante ang hallways suot ang pare-parehong uniform, naglalakad nang maayos at nakaayon. Sumabay ako sa agos  ng mga estudyante, isang mukhang nagtatago sa dagat nang pag-angkop.

Nang makapasok ako sa sa aming classroom at nakaupo ay sinilip ko ang aking mga kamag-aral, hindi ko maiwasang isipin na kung kagaya ko rin ba silang may tinatagong lihim, nakatago sa kabila ng kanilang mga pag ngiti. O baka perpekto talaga sila? Yan ang mga tanong na umiikot sa aking isipan, walang kasagutan, at sa pagsimula ng araw ay muling bumalik ang bigat na aking nararamdaman sa pagtago ng tunay kong pagkatao.

Tumunog ang bell at pumasok si Ms. Rachel, ang aming guro sa kasaysayan, taglay ang kanyang karaniwang mabilis na kilos. Humina ang ingay sa loob ng classroom ng ibaba niya ang dala niyang libro sa ibabaw ng lamesa at hinarap kami.

"Good morning, class," sabi niya habang pinagmamasdan kaming lahat. "We have a new student joining us today. Please welcome, Ethan Romano."

Pumasok at tumayo sa unahan ang isang lalaking may itim na buhok, kulay-tsokolateng mga mata at kumpiyansa. Kasing-edad ko siguro siya, pero may kakaibang aura ang kanyang presensyang naninindigan kabila ng kayang simpleng pananamit at magaan na tindig. Tila nakikipagusap ang kanyang mga mata, na may hindi maikwentong lihim.

Bahagyan siyang tumango. "Hi, I'm Ethan. Nice to meet you all. I hope we can all be friends."

Saglit na nanahimik ang silid at nakaramdam ako ng tensyon sa paligid. Tinuro ni Ms. Rachel ang bakanteng upuan sa tabi ko. "Ethan, dun ka umupo sa tabi ni James. And James please help Ethan settle in."

Tumango ako, pilit na tinatago ang aking pagkagulat. Habang papunta si Ethan sa kanyang upuan ay agad na nagsimula ang mga bulungan–sapat na mahina para hindi marinig ng guro, pero malinaw para marinig ng bawat isa.

"Narinig mo ba? Galing daw siya sa pamilyan yun." bulong ng isang babae sa kanyang katabi.

"Oo ang mga Romanos. Their into some serious stuff." Sabi naman ng lalaki sa unahan ko.

Pagkaupo ni Ethan ay sumilip ako sa kanya na parang hindi alintana ang mga bulungan, kalmado at walang halong emosyon ang kanyang mukha.  Napaisip ako na kung ano kaya ang pakiramdam niya–dala-dala ang bigat ng isang kilalang apelyido. Here I was, hiding my true self from the world, while he seemed to be hiding from something entirely different.

Ethan's POV

Bago mag simula ang leksyon ay hirap akong mag-concentrate, paulit-ulit na bumabalik ang aking isipan sa mga nangyari kaninang umaga.

Sa kusina ay abala kong naabutan si Tiya Maria na nagaasikaso ng aming umagahan, kumakanta ng himig na hindi ko makilala. Ngumiti siya ng makita ako. "Magandang umaga, Ethan. Ready ka na ba sa unang araw mo sa klase?"

"Opo," sagot ko, pilit na pinapalakas ang aking boses. "Sa tingin ko."

Inabutan niya ako ng packed lunch saka tinapik sa balikat–simple ngunit nakakaaaliw. "Magiging ayos lang ang lahat. I know it will. Just be yourself and take each step one at a time."

Tumango na lamang ako, pasasalamat sa pinapakita niyang kabaitan. Habang papalabas ako ng pinto ay hindi ko maiwasang makaramdam ng takot na tila bumaluktot ang aking sikmura. Paglabas ko ay bumungad sa'kin ang ibang estudyante, nagkukuwentuhan, nagtatawan, bakas sa mukha nila ang napakasimpleng buhay, kumpara sa buhay sa iniwan ko.

Sumakay ako sa motor ko at nagsimulang baybayin ang kalsadang napapalibutan ng mga puno, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba na may halong pananabik, ito na ang pagkakataon na muli kong isulat ang sarili kong kuwento–isang buhay na walang takot na may masasaktan at mapapahamak. Ngunit kahit pilitin kong ituon ang aking pansin sa kiinabukasan ay ramdam ko pa rin ang nakaraan, palaging pinapaalala kung sino ako at ang mga pagsubok na aking haharapin.

Pumarada ako sa parking lot ng paaralan at hinanda ko ang aking sarili sa magiging araw ko. Pagpasok ko sa St. Augustine ay sinalubong ako ng isa sa mga guro. "Magandang umaga, Ethan." Magalak niyang bati sa'kin, may ngiti sa kanyang labi. "Ako si Ms. Rachel, at ako ay iyong tagapayo at guro sa kasaysayan. Maligayang pagdating sa St. Augustine."

Tumingin ako sa kanya at tumango, bakas sa aking mukha ang determinasyon. "Magandang umaga rin po. Salamat po sa pagaasikaso sa'kin."

"Halika at ipapakita ko sayo ang iyong silid."

Habang naglalakad kami ay nagsimula siyang ipaliwanag ang patakaran ng St. Augustine. "Ang St. Augustine, Ethan, ay kilala sa pagiging istrikto pagdating sa disiplina at tradisyon, at ang mga estudyante ay inaasahan sumunod sa mga patakaran na iyon."

Tumango lamang ako at  nakinig nang mabuti, ngunit hindi ko maiwasang isipin tila masyadong mabigat ang mga patakaran dito. Napansin ko ang ilang estudyante napalingon habang dumadaan kami–nagbubulungan. Pakiramdam ko ay nakatuon ang mata nila sa'kin–tila pinag-aaralan ako. Narinig ko ang ilang bulong pero hindi ko na ito binigyang pansin. Hindi na ito bago sa akin kaya pilit kong isinantabi ang mga ito. Sa bago kong panimula, hindi ko na hahayaang makaapekto ito sa akin.

Nang malapit na kami sa classroom, huminto si Ms. Rachel sa pintuan at muling ngumiti sa'kin. "Eto na, Ethan. Handa ka na ba?"

Huminga ako nang malalim at tumango. "Opo, Ma'am."

Nauna siyang pumasok sa silid at ipinaalam na may bagong estudyante. Pumasok ako sa classroom, at doon ko unang nakita ang aking mga kaklase–tila sinusuri ako mula ulo hanggang paa. Pero hindi ako nagpahalata. "Hi, I'm Ethan. Nice to meet you all. I hope we can all be friends."

Sunsets by the Coast Where stories live. Discover now