Lilith Trilogy Book 1:
Lilith and the Vehemian Prince
Kabanata 8
The presence of mind is as much powerful as the physical strength, he said. It is a reminder for me. Pero hindi pa rin ako mapakali sa kakaibang presensyang aking nararamdaman.
At tila ako lamang ang nakakaramdam noon dahil wala man lamang reaksiyon ang aking mga kasama sa bulwagan. Maging si Prinsipe Ros at ang hari ay hindi natitinag.
Saan kaya nanggagaling ang kakaibang presensyang iyon? Bakit hindi ko agad iyon naramdaman kanina nang pumasok ako sa bulwagan kasama ang kawal na si Nimrod? Bakit ngayon lamang kung kailan kasama ko na ang mga prinsipe at ang hari?
"Handa na ba kayong dalawa?" napukaw lamang ni Nimrod ang aking atensyon nang siya'y pumwesto na sa gitna ng bulwagan kung saan kami maglalaban ng unang prinsipe.
Tumango lamang ako, nahahati pa rin ang atensyon sa presensya. Tumango rin si Prinsipe Ross aka matikas na tumindig sa kabilang dulo.
"Kung ganoon ay simulan na natin. This is only to disarm, Prince Ros, Lilith."
Ngumisi ako. That was an easy task.
Naglabas si Nimrod ng usok na pula mula sa kaniyang mga kamay. Naging parang bola iyon sa kaniyang palad sabay hagis pataas. Tila iyon alikabok na sumabog, hudyat na simula na nang laban.
Pumwesto ang prinsipe. Ang kaniyang espadang ginto na may nakaukit na korona'y ipinapaikot niya sa kaniyang mga kamay. Tila wala itong balak na sumugod sa akin na siyang ikinangisi ko.
"Seems like you are prepared for me," puna nito sa akin. Mas lalong lumapad ang ngisi ko. Kasabay noon ay ipinaikot ko ang aking arnis sa magkabila kong kamay habang inihahanda ang aking sarili sa una kong pag-atake.
"I am not an easy enemy either, Prince Roisin," kumuha ako ng pwersa mula sa aking likuran at inipon iyon para magawa ko ng perperkto ang aking gustong atake. Sa isang mabilis na galaw ay umikot ako sa aking pwesto kasabay ng palipad kong pagsugod sa unang prinsipe ng Vehema.
Kasing bilis ng hangin ang aking pagsugod. At nang malapit na ako'y isang malakas na hampas ang siyang pinakawalan ko para sa prinsipe.
I was satisfied with what I did but my enemy is not an easy prince.
Sinalubong nito ng kaniyang espada ang ginawa kong pag-atake. Dahil parehong malakas ang pwersa ay pareho kaming tumilapon sa magkabilang dulo ng bulwagan. Ang aming mga botang pandigma ay gumawa ng ingay ng kumiskis iyon sa sahig. At para pigilan ang bilis ng pagkakatilapon, ay itinukod ko ang aking sandata sa sahig. Ganoon din ang ginawa ng prinsipe sa kaniyang espada.
"Only to disarm!" sigaw ni Nimrod sa aming dalawa. Tila ramdam nito ang kagustuhan namin ng prinsipe na magwagi sa pagsasanay na ito.
"That was incredible, Binibini!" sigaw ni Prinsipe Rust sa akin.
"Way to go, brother!" mula iyon sa tinig ng Prinsipe Rastan.
Hindi pa man ako nakakabawi'y bigla ko namang naramdaman ang muli nitong pagsugod. Nagulat man ngunit nagawa kong tumalon upang iwasan iyon. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng panahon at sinabayan na rin ang kaniyang pag-atake.
Gumagawa ng ingay ang aming mga sandatang buong pwersang tumatama sa isa't-isa. Sa bawat hampas ko'y nasasalo iyon ng prinsipe at sa bawat pag atake naman niya'y naiiwasan ko o kung minsa'y nasasalag ko.
Hindi ko talaga gustong natatalo ako. Sa kahit anong laban man o sa kahit anong paligsahan man.
"Don't hold back, Lilith," the prince told me playfully. Umirap ako rito.
BINABASA MO ANG
Lilith and The Vehemian Prince
FantasyDescendant of the heiress You will see Bloody death In this castle thy will be. Those who lost faith Will no longer wait The lights are coming With burning flames. In the name of the fire You will return Thy shall rule My kingdom and all. *** NOTE:...